lingwistika. b. Natatalakay ang mga proseso ng lingwistika. c. Napapahalagahan ang lingwistika bilang agham na paraan sa pagtuklas ng impormasyon tungkol sa wika. LINGWISTIKA - Ito ay isang maagham na paraan sa pagtuklas ng impormasyon at kaalaman tungkol sa wika. LINGUISTA O DALUBWIKA – ang tawag sa mga taong nag aaral sa wika.
POLYGOT- tawag sa isang taong
maraming nalalamang wika. LIMANG PROSESO SA MAAGHAM NA PARAAAN SA PAGTULKAS NG IMPORMASYON TUNGKOL SA WIKA
1. Proseso ng Pagmamasid – paraan ng pagsama-sama ng mga tunog
upang bumuo ng pantig, paraan ng pagsama-sama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap at pabagu-bago ng tunog dahil sa impluwensya ng kaligiran). 2. Proseso ng pagtatanong - ang mga tinatangka lamang itanong ng isang lingwista ay mga tanong na masasagot niya sa pamamagitan ng maagham na paraan at sa kanyang paglalahad ng mga tanong o suliranin. 3. Proseso ng pag-uuri-uri – layunin ng lingwista na maisaayos ang resulta o bunga ng kanyang pananaliksik o pagsusuri sa isang sistematikong paraan. 4.Proseso ng pagbubuo ng mga teorya - ang pangangalap, pagtitipon ng mga datos at ang pagkaklasipika sa mga ito ay kailangang humantong sa paglalahat. Ang proseso ng pagkaklasika at pag-iiba ay dapat humantong sa pagbuo ng nasabing mga abstrakyson ayon sa nagging resulta o kinalabasan ng obserbasyon at pagsusuring isinasagawa sa mga datos. 5. Proseso ng pagmomodipika at pagrebisa – anumang teorya, haypotesis at paglalahat ng isang lingwista ay kailangang patuloy na mapailalim sa pagsubok upang mamodipika ang isang kinakailangan. Kahalagan ng linggwistika:
Sa kabuuan, ang linggwistika, bilang isang agham ay
naglalayong malinang ang mga paraan sa mabisang paglalarawan sa wika. Pagpaplano at paggawa ng mga patakarang pangwika, paghanda ng mga kagamitang pampagtuturo at pagkakaroon ng guro ng kaalaman at malawak na pananaw sa kalikasang ng wika.