SINESOS

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Bella Thorne- Katie Price Patrick Schwarzenegger- Charlie

Direktor : Scott Speer (2018)

Parangal : Teen Choice Award

Tema: Buhay at Pag-ibig

Tagpuan : Tahanan at Istasyon ng


tren
Ang buod ng pelikulang ito ay ang karakter ni Bella Thorne na si Katie Price, isang dalaga na
may sakit na XP o Xeroderma Pigmentosa- isang uri ng sakit kung saan ang taong mayroon
nito ay hindi maaaring mabilad sa araw o mainitan ng araw dahil ang kanilang katawan ay
hindi kayang i-process ang UV rays o Ultraviolet rays. Dahil sa kanyang kondisyon ay hindi
siya nagkaroon ng normal na buhay ngunit may kaibigan siya na malapit sa kanya na si
Morgan. Si Katie ay mahilig magsulat at kumanta dahil dito ay nakilala siya ni Charlie sa
iyang station ng tren kung saan kumakanta si Katie. Naging magkasintahan sila at ginawa nila
ang mga bagay-bagay na hindi pa nagagawa ni Katie, ngunit hindi nasabi ni Katie ang
kanyang kondisyon kay Charlie. Dahil dito, nagkaroon ng incidente na naging rason ng paglala
ng sakit ni Katie.
Aral : “Having Someone, that’s the best part”
palaging maging positibo sa buhay dahil
maraming tao sa paligid natin na kasama nating
lumalaban.

Poster : Ang poster ng pelikulang Midnight


Sun ay makikita ang dalawang pangunahing
tauhan na magkayakap. Mayroon itong kulay
itim sa itaas na nagpapakahulugan ng
hatinggabi. Ang liwanag naman na makikita ay
nagpapakahulugan na pag-ibig ang magbibigay
liwanag sa iyong buhay at daraanan.
Trailer: Ang 17 taong gulang na si Katie Price ay namuhay na sensitibo sa sikat ng araw. Ang
kaniyang madilim na mundo ay nagliliwanag lamang kapag siya’y tumutugtog ng gitara.
Nagtagpo ang kanilang landas ni Charlie na nagbigay ng tunay na liwanag at kulay sa madilim
niyang mundo.

Musika: “Walk with Me” ito ay tungkol sa pagpapasalamat sa mga taong nandiyan para sa
atin sa mga panahong tayo ay nangangailangan ng kasama.
Trailer: Ang 17 taong gulang na si Katie Price ay namuhay na sensitibo sa sikat ng araw. Ang
kaniyang madilim na mundo ay nagliliwanag lamang kapag siya’y tumutugtog ng gitara.
Nagtagpo ang kanilang landas ni Charlie na nagbigay ng tunay na liwanag at kulay sa madilim
niyang mundo.

Musika: “Walk with Me” ito ay tungkol sa pagpapasalamat sa mga taong nandiyan para sa
atin sa mga panahong tayo ay nangangailangan ng kasama.

Sinematograpiya: Ang mga imahe, kuha sa kapaligiran, anggulo ay maayos ang mga
pagkakakuha at ang pagkaayos na nakatulong upang mas mapaganda pa ang daloy ng pelikula.
Layunin : . Layunin ng pelikulang ito na gisingin ang diwa ng mga manunuod na makita natin
ang purpose ng buhay. Ang makita ang tunay na pag-ibig ng isang tao at ang labis na
pagmamahal ng isang ama sa kaniyang anak.

Bisa sa Isip: Ang pelikulang ito ay nagpapa-alala sa atin kung ano talaga ang mga importanteng
bagay sa buhay – at yun ay ang maging positibo sa kalagitnaan ng pagsubok at hindi sumuko.

Bisang Damdamin: Naging emosyonal ako sa pelikulang ito dahil hindi lamang tungkol sa
pagmamahal ng magsing-irog ang naipresenta na uri ng pag-ibig, naroon rin ang pagmamahal
ng isang ama sa kaniyang anak.

Bisang Kaasalan: Maging mabuting anak sa mga magulang dahil hindi natin mapapantayan
ang kanilang mga pagsasakripisyo para sa atin.
Shailene Woodley- Hazel Lancaster Ansel Elgort- Augustus Waters
Direktor : Josh Boone (2014)

Parangal: World Premiere at Seattle


International Film Festival

Tema: Buhay , Pag-ibig at


Pakikipagsapalaran

Tagpuan: Indianopilis
Buod

Aral: Huwag kang matakot magsabing hindi ka okay dahil hindi sa lahat ng oras at panahon
kaya nating sarilinin lahat ng sakit at hirap na pinagdadaanan natin. Huwag matakot na ipakita
sa iba yung kahinaan natin dahil hindi lahat ng tao huhusgahan ka, may mga tao na mananatili
para makasama at tulungan ka.
Buod

"Hindi nga lang kami pinagtiyap ng tadhana. Ang amin ay isang epikong kwento ng pag-
ibig ..."Kahit na nabigyan ng ilang taong palugit dahil sa milagrong medical na nagpaliit ng
kanyang tumor, hindi naman talaga naging terminal si Hazel. Ang kanyang huling yugto ay
nakaukit pa rin sa dayagnosis. Pero nang biglang magpakita sa Cancer Kid Support Group ang
guwapong nagpaliko sa banghay na nagngangalang Augustus Waters, aba'y biglang maiiba ang
kuwento ni Hazel nang kumpletong-kumpleto.

Aral: Huwag kang matakot magsabing hindi ka okay dahil hindi sa lahat ng oras at panahon kaya
nating sarilinin lahat ng sakit at hirap na pinagdadaanan natin. Huwag matakot na ipakita sa iba
yung kahinaan natin dahil hindi lahat ng tao huhusgahan ka, may mga tao na mananatili para
makasama at tulungan ka.
Poster: Ang poster ay ang dalawang
pangunahing tauhan na nakahiga sa damuhan.
Ang babaeng tauhan ay sumisimbolo sa bituin,
ang kulay itim naman sa paligid ng poster ay
sumisimbolo kung gaano kadilim at kapait ng
karanasan niya dahil sa kaniyang tumor, at
kulay ag kulay berde naman ay inirerepresenta
kung gaano siya kasaya sa mga iba pang bagay
na nangyayari sa buhay niya.
Trailer : Nagtagpo ang landas ni Hazel na isang cancer patient at ng lalaking si Augustus na
miymbro ng Cancer Kid Support Group na nagpabago sa buhay niya sa kabila ng sakit na
pinagdaraanan niya. ‘Love always find ways”

Musika: “All of the Stars, Not about Angels, All I want, Strange things Happen” ang mga napiling
musika para sa pelikulang ito na umaangkop sa mga eksena, nakatutulong sa pad-igting ng
damdamin ng mga tauhan at manunuod at nakatulong sa paglago ng daloy ng palabas.
Sinematograpiya: Napakahusa ng sinematograpiya ng pelikulang ito na kuha ng sinematograper na
si Ben Richardson. Kahit ang mga pag-agos ng luha ng mga tauhan ay kuhang-kuha nito. Ang
anggulo sa bawat eksena tulad ng pagkakaroon ng tubo sa ilong ng babaeng bida ay tila ba totoong-
totoo.

Layunin: . Layunin ng pelikulang ito na maipabatid ang kahalagahan ng buhay dahil hindi natin
alam kung hanggang kaialn tayo mananatiling buhay at nakakasama an gating mga mahal sa buhay.
Kahit ano pang hirap an gating pinagdadaanan ay manatili tayong lumaban na may kasamang
pagmamahal.
Bisang Kaisipan: Ang pag-ibig ay nakatutulong na maibsan ang lahat ng sakit nararamdaman.
Ang pagkakaroon mo ng mga taong kasama mong lumalaban sa buhay.

Bisang Damdamin: Masyadong nakakadala ng emosyon ang bawat bahagi at ang mga
linyang binibitawan ng mga pangunahing tauhan lalo na at hindi madali ang suliranin na
kaniyang kinakaharap at ang karamdaman na kaniyang pinagdaraanan..

Bisang Kaasalan: Maging mapagkumbaba at palaging isipin na ang lahat ng nangyayari sa


buhay natin ay may purpose at kaloob nito ng Diyos.
Anthony Gonzales – Miguel Rivera Benjamin Bratt- Ernesto dela Cruz
Direktor: Lee Unkrich (2017)

Parangal: Best Animated Feature


Animated Feauture Film
Best Animated Film
Animated Movie

Tema: Buhay at Kamatayan

Tagpuan: Land of the Deads


Buod: Si Miguel ay isang batang mahilig sa musika kung saan ang kaniyang pamilya
ay mahigpit na ipinagbabawal ang ganitong bagay dahil sa isang pangyayari. Siya ay
nagkaroon ng hindi inaasahang paglalakbay sa lupain ng mga patay upang patunayan
ang kaniyang galing sa musika at abutin ang kaniyang nais na maging isang sikat na
musikero kagaya ng kaniyang iniidolong si Ernesto de la cruz. Gayunpaman, ang
kaniyang hindi sinasadyang paglalakbay sa lupain ng mga patay ng naging daan
upang hanapin ang kaniyang iniidolong si Ernesto Dela Cruz at tuklasin ang
natatagong misteryo sa likod ng kaniyang pamilya sa tulong ni Hector.
Aral: Matutong magpatawad lalo na sa ating mga magulang o pamilya dahil ang tanging
makapagpapahilom ng sakit ay ang pagpapalaya natin sa mga bagay, salita o pangyayaring
nakasakit sa atin.

Dulog: Ang pelikulang Coco ay gumamit ng realistikong pagdulog, sapagkat makikita sa mga
tagpo ng pelikula kung ano ang mga nangyayari sa tunay na buhay. Sinasalamin din nito ang
kultura ng mga mehikano at sa katunayan ay ditto binase ang pelikula.

-Pagdulog Eksistensyalismo- dahil sa pagbabawal kay Miguel ng kaniyang pamily ay nanaig


sa kaniya ang sariling paniniwala at paninindigan sa nais niya sa kaniyang buhay
Poster: Ang poster ng pelikulang Coco ay
ang larawan ng mga pangunahing bida na
may sukbit sa gitara sapagkat ang pelikulang
ito ay umiikot sa pagmamahal sa musika.
Trailer: Nagkaroon siya ng pagkakataon na maging musikero sa lupain ng mga patay.

Musika: Orihinal ang pagkakagawa ng mga musika at may kaugnayan sa emosyong


ipinapadama ng kanta sa emosyon ng bawat eksena. “Remember Me” na para sa anak niyang
si Coco. “Proud Corazon” kanta naman para sa pamilya. Angkop ang mga musikang sinamit sa
pelikulang ito na sadyang pinag-ispan.

.
Sinematograpiya: Walang sayang at tapon ang pagkakagamit ng sining at sinematograpiya.
Mula simula hanggang wakas ay makikita ang klaro ng imahe at maayos na mga anggulo.
Tama ang pagkakatimpla ng mga kulay na ginamit para sa maayos na daloy ng mga
pangyayari.

Layunin: Ang layunin ng pelikulang ito ay palaging unahin ang pamilya dahil ang pamilya
ang una at palaging nakaaalala sa bawat oras na wala ka.
Bisang Kaisipan: Palaging mahalin ang mga magulang at pamilya.
Bisang Damdamin: Nakakanantig ng damdamin ang labis na pagmamahal at pag-aalala
ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Bisang Kaasalan: Maging mapag-kumbaba at matutong magpatawad sa mga taong
nagkakasala sa atin at nagagawan natin ng mga kasalanan.

You might also like