Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Magandang HAPON!

Hintayin nating makapasok ang iba

Balik-aral: Mark Angelo Gabriel

LI
PA N G A S I N A N S TAT E U N I V E R S I T Y
K A M P U S N G B AYA M B A N G
D E PA R TA M E N T O N G M G A W I K A

FIL 2: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina


Lektura 1

2
LEKTURA 1

3
LEKTURA 1

Filipino Bilang Wika at Larangan


YUNIT 1

4
Mga Layunin ng Lektura:

• Maipaliwanag ang ugnayan ng mga tungkulin ng wikang Filipino


bilang wikang Pambansa, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na
nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan.

• Maisa-isa ang mga suliraning lokal at nasyonal ng komunidad na


kinabibilangan.

• Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang


pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang
kaunlaran.

5
Tinangkang tanggalin ng CHEd ang
Filipino sa kolehiyo nang inilabas ang CHEd
Memorandum Order (CMO) No. 20, series of
2013 na nag-aatas sa bagong General
Education Curriculum (GEC) alinsunod sa
programang K to 12.

6
Gayunman, dahil sa malawakang
kampanya ng mga grupong makabayan sa
bansa sa pangunguna ng Alyansa ng Mga
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
(Tanggol Wika) ay muling naibalik ang
Filipino at Panitikan bilang mga
mandatoring asignatura sa kolehiyo.
Filipino Bilang Wikang Pambansa

Isinasaad sa Artikulo XIV Konstitusyong 1987 ang legal na


batayan ng konsepto ng Filipino bilang wikang pambansa,
at ang magkarugtong na gampanin nito bilang wika ng
opisyal na komunikasyon, at bilang wikang panturo sa
Pilipinas:

8
Filipino Bilang Wikang Pambansa

Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, Samantalang


nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na
mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga
tadhana ng batas at sang ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum
ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pang edukasyon.

9
Filipino Bilang Wikang Pambansa

Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga


wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong
na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga
wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Espanol
at Arabic.

10
Filipino Bilang Wikang Pambansa

Malinaw sa nasabing probisyong pangwika sa


Konstitusyon na primus inter pares o nangunguna sa lahat
ng magkakapantay (first among equals) ng wikang Filipino
bilang wikang pambansa sa kontekstong multilinggwal at
multikultural ng Pilipinas.

11
Filipino Bilang Wikang Pambansa

Kasabay nito, dapat patuloy ring ginagamit sa iba't ibang


tiyak na konteksto ang iba pang wika ng Pilipinas
(halimbawa, bilang wikang pantulong o auxiliary
languages sa mga paaralan sa iba't ibang rehiyon).

12
Filipino Bilang Wikang Pambansa

Ipinaliwanag sa mamamayan ng pamphlet na “Madalas


Itanong sa Wikang Pambansa” (Almario, 2014) na
inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang pambansa sa
pamamagitan ng pagbibigay-diin sa papel ng wikang
pambansa sa mabilis pagkakaunawaan at pagpapasibol
ng "damdamin ng pagkakaisa"

13
Filipino Bilang Wikang Pambansa

Alinsunod sa Konstitusyong 1987, malinaw rin na ang


Ingles ay pangalawang wikang opisyal lamang na
maaaring alisan ng gayong status ng Kongreso kung
nanaisin nila. Samakatwid, habang ang Filipino ay di
maaaring tibagin at alisin bilang wikang opisyal, ang
Ingles ay maaaring alisin anumang panahong naisin ng
Kongreso.

14
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng Pananaliksik

15
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng Pananaliksik

Ang inklusyon ng Filipino at Panitikan sa kurikulum


ng kolehiyo ay patakaran tumutupad sa mga nasabing
probisyong pangwika ng Konstitusyong 1987 hinggil sa
pagiging pangunahing wikang panturo ng wikang
pambansa na kayang kayang ipatupad nang hakbang-
hakbang.

16
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng Pananaliksik

Napatunayan na ng ibang wikang kamag-anak ng


Filipino gaya ng Bahasa Melayu at Bahasa Indonesia - na
kayang-kayang gawing wikang panturo sa lahat ng antas at
larangan ang isang wikang pambansang hindi Ingles o
anupamang wikang kolonyal.

17
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng Pananaliksik

Dapat isabalikat ang lubusang paggamit ng wikang Filipino bilang


wikang opisyal na komunikasyon ng gobyerno, alinsunod sa
Konstitusyong 1987. Masasabing ganap na ang pagiging wikang
opisyal ng Filipino kapag dumating ang panahon na lahat ng mga
panukalang batas sa Kongreso at Senado, lahat ng mga desisyon ng
Korte Suprema, at lahat ng dokumento at talakayan ng mga a ng
gobyerno ay nasa wikang pambansa na.

18
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng Pananaliksik

Ayon nga kay Gimenez Maceda (1997) ang wikang pambansa ang
wikang higit na makapagbibigay-tinig at kapangyarihan mga
tagawalis, drayber, tindero at tindera, at iba pang ordinaryong
mamamayan ng bansa na gumagamit nito, at kaugnay nito, ang
paggamit ng Filipino bilang wika ng pananaliksik at akademikong
diskurso ay makapagpapalawak sa kaalaman at makapag-aalis sa
agwat na namamagitan sa mga intelektwal at sa masa.

19
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng Pananaliksik

Sa ganitong diwa binigyang-diin naman ni Constantino (2015) na


“ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging
wika ng tunay na Pilipino," wikang lilikha at huhubog ng mga
Pilipinong may tiwala sa sariling kakayahan, wikang
makapagpapaunlad sa sariling paraan ng pag-iisip, hindi gaya ng
wikang dayuhan na kapag ipinilit at binigyang prayoridad ay
nagiging “sagabal sa pag-iisip," kaya't “ang pag-iisip ay nababansot
o nababaog at magbubunga naman ng kulturang bansot."

20
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng Pananaliksik

Sa panahon ng pangingibabaw ni Superman at Captain America,


hindi dapat kalimutan ng mga Pilipino ang kanilang mga sariling
bayani sa panitikan man o sa totoong buhay. Sa panahong halos
bawat kanto ay may tindahan na ng hamburger at soft drinks, hindi
dapat kalimutan ng mga Pilipino ang sariling kaluto (cuisine) na
kongkretong koneksyon natin sa kasaysayan at paraan ng
pamumuhay ng ating mga ninuno. Sa panahong pinipilit tayong
Ingles lamang ang pahalagahan, dapat nating alalahanin na ang
Filipino ang wika ng ating pagkatao, ng ating kaluluwa - ang
wikang higit na makapagpapahayag ng ating mga saloobin at
hinaing.

21
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng Pananaliksik

Padayon!
Salamat!
22

You might also like