Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

ASPEKTO NG PANDIWA

Tatlo ang Aspekto ng Pandiwa:


Ito ay ang..
1. Aspektong Naganap
2. Aspektong Nagaganap
3. Aspektong Magaganap
Aspektong Naganap
Ito ay nagsasaad ng kilos na nasimulan na at natapos na.

Halimbawa:
1. Naunawaan ng ina ang paliwanag ng anak.
2. Nagsumikap si Wilfredo sa kaniyang pag-aaral.
3. Maraming mamamayan ang dumalo sa pagpupulong.
4. Ang mga magulang ay nagbigay ng panahon sa gawaing
pangkabataan.
Mga anyo ng Aspektong Naganap
A.) Kung ang pandiwa ay may panlaping um-, pareho lamang ang
anyong neutral (pawatas) at naganap.
Halimbawa:
Neutral Naganap Salitang-ugat
umunlad umunlad unlad
umahon umahon ahon
Mga anyo ng Aspektong Naganap
B.) Kung ang pandiwa ay may panlaping nagsisimula sa m-, ang m-
ay mapapalitan ng n- sa aspektong naganap.
Halimbawa:
Neutral Naganap
magwalis nagwalis
manghiram nanghiram
Mga anyo ng Aspektong Naganap
C.) May pagkakaiba ring nagaganap kung ang pandiwa ay may
panlaping in- o hin-.
Halimbawa:
Neutral Naganap
piliin pinili
basahin binasa
ayusin inayos
2. Aspektong Nagaganap
-Nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit hindi pa natatapos.

Halimbawa:
1. Naglalaro sa kalye ang mga bata.
2. Sa parke madalas nag-eensayo ang mga kabataan.
3. Kasalukuyang tumatawag sa telepono si Yorme Isko Moreno.
4. Ang sanggol sa kuna ay umiiyak ng malakas.
5. Nakita ko na umiinom si Chuckie at Anabelle.
Mga anyo ng Aspektong Nagaganap
A.) Ang mga salitang –ugat ng mga pandiwa ay pawang nagsisismula
sa patinig. Kapag ang pandiwa ay nasa aspektong nagaganap, inuulit
ang unang patinig ng salitang ugat.
Halimbawa:
nag-aalay nag-iisip
nag-aaliw nag-aantay
umiiyak nag-eensayo
Mga anyo ng Aspektong Nagaganap
B.) kapag ang unang pantig ng salitang-ugat ay binubuo KP (Katinig-
Patinig ), inuulit ang unang pantig na ito sa pagsulat ng aspektong
nagaganap.
Halimbawa:
nagtatanim nagmamasid
nagsasaya nagsusulat
nagpupunas naglilibot
Mga anyo ng Aspektong Nagaganap
C.) Kapag ang unang pantig ng salitang-ugat ay binubuo ng
pormasyong PK (Patinig – Katinig), ang inuulit lamang ay ang
patinig.

Halimbawa:
umaantig umaadar
nag-aalis inaani
umuuwi nag-iisip
Mga anyo ng Aspektong Nagaganap
D.) Sa mga salitan-ugat na binubuo ng pormasyong KKP
(katinig,Katinig-Patinig) ang unang pantig, ang uulitin ay ang unang
katinig at patinig. Ngunit sa pagpasok ng maraming klister sa ating
wika ay maaaring pumasok ang ilang pagbabago.
Halimbawa:
nagdadrama nagpaplano
natotroso nagpepreno
nagtatrabaho nagpaplantsa
Mga anyo ng Aspektong Magaganap
A.) Sa pawatas (pandiwang hindi pa nababanghay) na may
panlaping mag-, nananatili ang mag- at uulitin ang unang pantig ng
salitang-ugat.

Halimbawa:
magsalita  magsasalita magdala  magdadala
magtayo  magtatayo maglakad  maglalakad
Mga anyo ng Aspektong Magaganap
B.) Sa pawatas na may panlaping um-, nawawala ang um- at inuulit
ang unang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:
uminom inom umulan  uulan
umakyat  aakyat umutot  uutot
Mga anyo ng Aspektong Magaganap
C.) Sa pawatas na ang um- ay nasa gitna, ang um- ay nawawala. Ang
inuulit ay ang unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Halimbawa:
Kumain  kakain tumakbo  tatakbo

You might also like