Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Layunin

 Nakasusuri ng mabuti at di-


mabuting maidudulot sa sarili at
miyembro ng  pamilya ng anumang
babasahin, napapakinggan at
napapanood (EsP5PKP- ib-28) 
 1. dyaryo 
 2. magasin 
 3. radyo  
Suriin ang mga larawan. Ano ang iyong
sariling opinyon tungkol dito. Gamitin 
ang gabay na tanong upang
maipaliwanag ng mahusay ang
kasagutan.
Ano ang maaaring maidulot
nito sa aking kaisipan kung
ako ay gagamit ng  mga ito? 
 Ito ba ay makakabuti sa akin
o hindi? 
 Paano ko susuriin ang mga
impormasyon na ibinibigay sa
akin? 
MGA PINAGKUKUNANG IMPORMASYON:
ATING SURIIN

Kasanayan sa pagbabasa ugaliin natin t’wina, Nang


pahayaga’t magasin, gayundin  ang lathalain. 
Kung may nais malaman, mga bagong kaalaman
Ang radyo at telebisyon palagi  nating pakinggan. 
Siyempre pa sa pagtuklas ng katotohanan, 
At marubdob na pananaliksik ang
kinakailangan.
Sa tulong ng internet isang pindot  mo
lamang
Makikita mong lahat ng iyong kailangan. 
Ngunit sa paggamit ng ganitong mga kagamitan
Mahalaga ang pagtuklas sa  katotohanan. 
Sa mga makukuha mong iba’t-ibang kaalaman,
Maging mapanuri, upang ‘di malihis  ng daan. 

 
Malalaswang panoorin patuloy na
lumalaganap, Mga blogsite sa internet na 
pornograpiya ang makakalap
Mga larong mararahas, mahu-hook ka sa isang
iglap 
Di mo namamalayan, masamang epekto ang ‘yong
nasagap. 
Kaya kaibigan, kaisipa’y palawakin. 
Maging mapagmatyag, mensahe’y
timbangin.
Impormasyon at teknolohiya ay biyaya  sa
atin,
Kaya ating pagyamanin at wag abusuhin. 
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 
1. Tungkol saan ang tulang inyong binasa? 
2. Anu-ano ang mga pinagkukunang
impormasyong nabanggit sa tula?
3. Anu-ano ang mga buting dulot ng mga ito sa
atin? Di-mabuting dulot?
4. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging
mapanuri sa mga balitang naririnig  mo sa
radyo o nababasa mo sa pahayagan?
Ipaliwanag. 
.  

Iguhit ang thumbs up kung ang pangungusap ay nagsasaad ng mabuting 


naidudulot sayo at sa iyong pamilya ang pakikinig sa radyo o pagbabasa
mula sa  dyaryo o magasin at thumbs down naman kung kabaligtaran

1. Dapat na maniwala agad sa balitang maririnig sa radyo o


nababasa sa  dyaryo. 
2. Ang mga balita/ impormasyon makukuha sa radyo o
dyaryo ay kinakailangan  ng masusing pagsusuri kung ito ay
mabuti o hindi mabuti. 
3. Ipagbigay alam sa magulang o sa nakakatanda kung may
maling  impormasyon na narinig o nabasa. 
4. Ipamalita agad sa mga kamag aral ang balita kahit hindi pa
ito sigurado.
5. Mainam na suriin muna ang balita/impormasyon bago ito
paniwalaan.
6. Dapat laging manood ng balita na may kinalaman sa
COVID-19. Para hindi  mahawa, 
7. Kailangan humingi ng payo sa mga nakakatanda
kung hindi naiintindihan  ang binabasa. 
8. Mainam na laging magbasa ng artikulo tungkol sa
paboritong artista.
9. Kailangan gayahin ang magagandang asal na ating
napapanood sa  telebisyon. 
10.Dapat suriin muna ng mabuti ang mga nababasa at
napapanood sa  media/internet bago paniwaalan.
TANDAAN!

Tunay na napakahalaga ng paggamit ng Iba’t-ibang


media (pahayagan, magasin, radyo, telebisyon at
internet o komputer sapagkat napapagaan nito ang
ating buhay, lalo’t higit sa mga mag-aaral na
naghahanap ng kalutasan na may kinalaman sa
kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga ito
napapadali ang ating mga gawain at natututo rin ang
mga mag-aaral na mapalawak ang kaalaman sa
larangan anumang disiplina.
TANDAAN!

Malaki ang epekto ng media sa atin. Subali’t hindi


lahat ng ating nababasa at napapanood dito ay tama
at totoo. Kailangan maging mapanuri sa mga
binabasa, pinakikinggan, pinapanood at
pinupuntahang sites sa internet, dahil marami rin sa
mga ito ay nagdudulot ng karahasan at kalaswaan na
maaring makapinsala sa ating sarili at pamilya.
Masasabi nating malaki ang naitutulong ng media at
teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t-ibang aspekto ng
kaalaman at edukasyon.
TANDAAN!

Nguni’t dapat din nating pakaisipin na nararapat


lamang na gamitin natin ito nang tama. Huwag
nating hayaan na abusuhin ang ating sarili ng
teknolohiya na maaring makapagdulo’t sa atin ng
negatibong epekto kapag hindi ginamit sa tamang
paraan. Maging mapanuri at mapagsiyasat sa mga
bagay na nakagugulo dala ng mga ito para na rin sa
ating kapakanan at ng ating pamilya.

You might also like