Aralin 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Aralin 1

Isip at Kilos-
loob, Gagamitin
ko
– Sa aralin ito, inaasahang malalaman at mauunawaan ang mga
sumusunod:
1. Ang paggamit ng isip at kilos- loob sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod o pagmamahal.
2. Ang proseso ng pagpapasiyang moral
3. Ang pansariling kahinaan sa pagpapasiya
4. Mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga kahinaan
– Ganoon na lamang ang pagmamahal ng
Diyos sa tao kung kaya’t binigyan niya tayo
ng tanging kalooban: ang isip at kilos- loob
(intellect and free will).
– Ang Isip
– Ang nagbibigay ng kapasidad sa pagkatuto, pag- unawa, pagpapasiya, at
pag-kilos.
– Ang kilos-loob
– Ay tumutukoy sa panloob na lakas sa malayang pagpapasiya at pagkilos,
upang isabuhay ang natutuhan, piliin ang mabuti, at iwasan ang masama.
– A. Isip (intellect)
– Ang isip at kilos loob ay ang higit na mataas na kapangyarihan
ng tao.
– Ang nakaaalam ng mga bagay na abstract at universal way ay
ang isip. Ang isip ay may kapangyarihan mag isip, humatol,
makapagalala o makapagpanatili, ang kapangyarihang
makaalam at makaunawa ng katotohanan.
– Nakikilala ng isip ang katotohanan na may pansariling katibayan. Ito ang
tinatawag na katalinuhan (intelligence).
– May mga katotohanan na walang ebidensya subalit ito ay napapangatwiran
ng isip.
– Nalalaman din ng isip bilang katwiran (reason) ang moral na implikasyon ng
isang sitwasyon at ito ay tumatawag ng paghatol.tinatawag itong konsensya.
– Ang isip ay nakapagpapanatili ng karunungan, tinatawag itong intellectual
memory.
– B. Kilos- loob (Free will)
– May kaugnayan sa dalawang mahahalagang isyung
pilosopikal ang kilos- loob:
– Kalayaan sa pagkilos (freedom of action) at
pananagutang moral (moral responsibility)
– Ayon kay David Hume, isang Pilosopo, ang kilos lob (kalayaan)
ay ang “kapangyarihang kumilos o hindi kumilos ayon sa
determinasyon ng loob”. Ito ay nagpapahiwatig na ang
kalayaan ng isang tao ay nasa kaniyang kakayahang pumili nga
mabuti at umiwas sa masama.
Pagiging Moral ng Kilos o Gawa

– Ang ating kilos o gawa na bunga ng Malaya at


kusang pagpili ay matatasa kung moral o hindi
moral, mabuti o masama. Ayon sa CCC, ang
pagiging moral o hindi moral ng kilos o gawa ay
depende sa tatlong salik:
1. Ang bagay o kilos na pinili

– Hindi natin magpapasiyahan ang isang bagay o kilos hangga’t hindi natin
nalalaman at nauunawaan ang sariling katangian (nature) nito, Ang sariling
katangian ng isang bagay o kilos na pipiliin ay dapat na tunay na mabuti o
naayon sa tunay na kabutihan.
– Sa maraming pagkakataon, madaling alamin kung ang ikinikilos o gagawin ay
moral o hindi moral. Ang walang kinikilingang pamantayan ng moralidad ang
nagpapahayag kung ang kilos o gawa ay mabuti o masama.
2. Intensiyon

– Intensiyon ang nagpapakita ng layuning hangad matamo at isakilos ng


kalooban (will). May kinalaman ito salayunin ng Gawain at minimithing
makamit ang inaasam na tama, o mabuting isinasagawa.
– Halimbawa: Pinipigilan nina G. at gng. Blanco ang tinedyer na anak na
bumarkada sa mga kaklaseng nagka- cut ng klase upang mailigtas ito sa
kapahamakan.
3. Pangyayari o Kalagayan

– Ang pangyayari ay sekondaryang salik lamang ng Gawain o kilos na moral.


– Para malaman kung moral o hindi ang isang Gawain o kilos, kailangang maisaalang-
alang ang taong salik, hindi isa o dalawa lamang.
– Sa bagay na pinili mismo ay makikita sa kung moral o hindi ang gagawin o ikikilos
dahil sa mayroong mga bagay na talagang masama, lagging masama at hindi dapat
piliin.
– Halimbawa nito ay pagsisinungaling sa sinumpang pangako.

You might also like