Likas na Batas Moral, Susundin ko Sa araling ito, inaasahang malalaman at mauunawaan ang sumusunod:
– 1. Ang kahalagahan ng likas na batas moral sa buhay ng tao
– 2. Ang dalawang prinsipyo ng likas na Batas moral bilang gabay sa pagpapasiya – 3. Ang gamit ng likas na Batas Moral sa wastong pagkilos at pagkikipag- ugnayan. – Natatangi at lubos nakakaiba tayong mga tao sa lahat ng mga nilalang dahil sa ating likas na kakahayahang alamin ang mabuti na dapat gawin, at ang msama na dapat iwasan. – Tayo lamang ang nakapag- uutos sa ating sarili na tuparin ang dikta ng katas- taasan para sa maayos na pamumuhay para sa kabutihang panlahat. Ito ang tinatawag na Likas na Batas Moral. – Sinasabing na ang likas na batas Mopral ang isang katibayan ng ating pakikiisa sa walang hanggang karunungan (infinite wisdom) at kabutihan (Goodness) ng Diyos. – Iniukit ito ng Diyos sa puso at kalooban ng bawat tao kung kaya’t ang mismong isip at damdamin ng tao ang nagpapaliwanag at nag uudyok na gawin ang tama at iwasan ang masama. Tuklasin
– 1. Determinasyon- ito ay isang virtue kung saan ang tao ay
kumikilos ayon sa itinakdang layunin, may matibay na hangad na gawin ang nararapat. – 2. Maingat na pagpapasiya- isinasaalang-alang sa bwat gagawing pagpapasiya ang hinihingi ng Likas na Batas Moral. – 3. Katatagan- mula sa salitang “tatag” na ang ibig sabihin ay tibay, may angking tibay na hindi madaling masira. Pagtibayin
– Ayon sa batas Moral, likas sa tao na alamin ang mabuting dapat na
gawin at ang masama na dapat iwasan ayon sa ugnayan sa sarili, kapuwa, at pamayanan o lipunan, at Diyos. – Saan man at kalian man, hindi tama ang pagnanakaw, ang pananakit o pagpatay sa kapuwa, at pagsasabi ng hindi totoong nangyari. Hindi rin katangap tangap ang mga gawaing mali kahit na ang minimithi ay para sa mabuti. – May mga kaugalian at batas na nahuhubog ang mga tao mula pa noong araw bilang pagkilala sa Likas na Batas Moral. – Kinikilala ng mga dakilang relihiyon sa mundo ang Likas na Batas Moral at may mga pamantayan at kautusan na itinuturo bilang gabay sa pagkilos ng mga mananampalataya. – Sa mga Kristiyano, at gayon din sa iba pang mga relihiyon na nag- uugat sa Judaismo, ay mayroong sampung Utos na ibinigay ng Diyos kay Moses. – Mayroong ding mga banal na kautusan ang Budismo, Hinduismo at iba pa. Lahat ng mga ito ay nagkakaisa at nagpapatibay ng Likas na Batas Moral na nagbibigay ng liwanag sa isip ng tao na piliin ang mabuti at iwasan ang masama. Ang Ginintuang Batas o “Golden Rule”
– 1. Gawin mo sa iyonh kapuwa ang nais mong gawin sa iyo
– 2. Huwag gawin sa kapuwa ang hindi nais gawin sa iyo – 3. Hindi ka dapat maging dahilan ng pagkapinsala ng may buhay – 4. Tulungan ang mga nangangailangan – 5. Mahalin mo ang kapuwa gaya ng pagmamahal sa sarili