Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

PAGBASA AT PAGSULAT

TUNGO SA PANANALIKSIK
A. MGA DYARYO
B. MGA TABLOID
C. MGA MAGASIN
D. MGA AKLAT
E. MGA DI-LATHALANG BABASAHIN
A. MGA DYARYO
1.CAREER
2.VARSITY
3.BSP AT GSP SA FLOS CARMELI
4. COMMUNITY SERVICE
5.INTRAMURALS 2011
B. TABLOID
1.BANTE
2.BANDERA
3.BULGAR
4.REMATE
5.HATAW
C. MAGASIN
1. METRO
2.ENTREPRENEUR
3.T3
4.GOOD HOUSEKEEPING
5.COSMOPILTAN
D. AKLAT
1.ANG NAWAWALA • Ang Nawawala (Visprint, 2017) ni Chuckberry Pascual
Kinatha ni Chuckberry Pascual sa Ang Nawawala ang
mukha ng detective fiction na pinakamatapat sa ating
imagined community na naiiwan sa barangay level at
pinaiikot ng mga pakikialam at kawalang-pakialam sa
buhay ng isa’t isa. Narito ang Talong Punay bilang
panibagong Pugad Baboy na lokasyon ng katatawanan at
kapangyarihan ng ating mga kuwentong-bayan—at nasa
sentro ng mga kuwento si Bree, ang baklang receptionist
sa barangay hall na sa iba’t ibang dahilan at paraan ay
naitutulak upang maging “imbestigador” sa mga kaso ng
pagkawala na susukat sa hanggahan ng ating mga
inaasahan. Sentral sa mga kuwento ang marginal niyang
buhay na kinatha rin ng nauna nang pagkadesaparesido ng
kaniyang mga magulang. Mahalagang mabása ang aklat na
ito ni Chuck sa mga panahong nawawala na tayo sa ating
mga sarili, at nawawala rin ang kakayahang makita ang
sarili sa mukha ng kapuwa, ng iba, habang pinagtatawanan
natin silang nagtatawa rin sa kalunos-lunos at kaibig-ibig
na mga buhay natin. Tawa ako nang tawa habang binabasa
ang aklat na ito, at hindi ako makahinga, at kung bakit
naiiyak din akong parang tanga.
• Sanga sa Basang Lupa at Iba Pang Kuwento (UST Publishing
2. Sanga sa Basang Lupa at Iba House, 2016) ni Jim Pascual Agustin Narito ang mga taong
muli’t muling kailangang isalaysay ang mga kuwento sapagkat

Pang Kuwento nagpapatuloy pa rin ang pagsasaisantabi sa kanila. Sa


koleksiyong ito, may pagbabalik sa tradisyon ng pagkukuwento
na humuhugot sa bisa ng naturalismo upang maglatag ng
tunggaliang panloob at panlabas. Sa “Bulaklak at Abo,”
halimbawa, pinapasok natin ang kamalayan ng mga bata na sa
burol ng pinsan at kalaro ay naghahabi ng mga kuwento na
sasagot sa tanong ng kanilang murang isipan. Subalit bibitinin
tayo ng kuwento sa kung ano ang maaaring nakita sa loob ng
kabaong sa dulo. Subalit ano pa nga ba? Umaasa ba tayo ng
kakaiba o kababalaghan? Isinasara ng kuwento ang kuwento
bago pa man ito tumawid papunta sa ating mga inaasahan. May
iba’t ibang anyo ng pagharap sa kamatayan sa mga kuwentong
naririto. Karaniwa’y biktima ng karahasan. Kapamilya. Kalaro.
Kapitbahay. Mga kababayan. Kahit ang hindi talaga kakilala
nang personal. Naratibo ito ng mga pagtatangkang magpatúloy
ang búhay, samantalang nagtatagisan ang totoong-totoong
daigdig sa isang banda, at ang pahiwatig ng pantastiko sa
kabila. Paalala ang mga kuwentong ito ng mga hindi kayang
paslangin ng kamatayan, tulad ng mga multong kinakatha ng
ating buhay na modernisado’t patuloy na naisasantabi.
• Ang Banal na Aklat ng mga Kumag (Anvil Publishing, 2016)
ni Allan Derain Nabasa ko ang nobela nang dalawang beses
3. Ang Banal na Aklat ng mga bago ko ito nabasa bílang isang aklat: bilang MA tesis ni
Allan Derain at bilang manuskritong isinalang sa palihan ng

Kumag (Anvil Publishing Naratibo. Subalit nasa aklat ang wala sa mga manuskrito: ang
mga iginuhit ni Allan na nagsilbing ilustrador din sa salaysay
na itong nagtatampok sa mundo ng mga mas maliit pa sa
pinakamaliit—silang mga kumag, malakumag, at
nagpapakakumag. Tulad ng alam ng bawat kumag, may
sariling kuwento ang bawat mumunting nilalang na di
madalas nabibigyang-pansin sa mga kasaysayan. Tulad ng
mga langaw na eskperto sa demonolohiya, o ng budhi ng
Dios na madalas mag-anyong kuliglig. Sa imahinasyon ni
Allan ng mga sityo ng ating mga texto mula sa kamalayan at
pananalig ng bayan, ang nakaraang hindi dumating ay susi ng
lahat ng panghihinayang sa mundo, at ang hinaharap na hindi
na darating ay reyna ng madilim na pook ng kawalang pag-
asa at desperasyon. Subalit gaano kaliit dapat ang isang maliit
para matawag na kumag? Nasa katawan at nasa isip din ang
pagiging kumag, samantalang ipinapahayag na ang
kuwento’y mas matanda sa alinmang wika ng tao kaya ito rin
ang dinadala natin sa tuwing nagbabalik tayo sa mundo ng
panaginip. Siya nawa, sabi nga sa pagtatapos ng ikatlo kong
pagbabasá sa nobela.
• Colon (Balangiga Press, 2016) ni Rogelio Braga
Nabasa ko ang mga unang borador ng nobelang
4. Colon (Balangiga Press) ito na ilalathala dapat namin sa Tapat Journal
noong 2015 (isang bagay na ikinalulungkot ko pa
ring hindi naisakatuparan hanggang ngayon dahil
sa pagsasara ng journal). Noon pa man, lubos ko
nang hinahangaan ang tapang ng nobela na
paksain ang pang-araw-araw na realidad na tigib
ng panganib at pag-ibig na nakalugar sa
pinakamatandang lansangan ng ating imahinasyon
at ilusyon ng pagkabansa, ang Colon sa Lungsod
Cebu, samantalang nagtatampok sa lahat na yata
ng tagisan at tunggaliang kumatha sa ating
kasaysayan bilang watak-watak na mga kolektibo,
pangunahin ang relasyon ng Muslim at Kristiyano.
Subalit hindi dapat matabunan ng mga
dambuhalang ambisyong iyan ng nobela na isa rin
itong masinsin na pagkukuwento sa kung nasaan
ang mga hanggahan ng pagiging Filipino.
• Tabi Po Isyu 3 (Haliya Publishing, 2017) ni Mervin Malonzo
Kagaya ng marami, una kong nabasa ang Tabi Po ni Mervin

5. Tabi Po Isyu 3
Malonzo sa Internet. At tulad din siguro ng marami, nauna akong
namangha (at nainggit!) sa magkakasabay na karahasan,
katatawanan, at kapangahasan ng mga salita’t larawan doon. Nang
lumabas ang unang dalawang aklat, makikita ang kagila-gilalas na
pagbabalik ni Mervin sa mga tauhan at lunan ni Rizal na kilala na
natin (o akala natin ay kilala na natin), at paglikha ng mga
espasyo ng alinlangan sa mga naratibo ng Noli at Fili na
pundasyon ng pagmamalay natin sa pagkabansa. Gayundin ang
gayuma ng transposisyon ng mga estilo at larawan sa kambas ng
tulad nina Amorsolo at Luna sa mga pahina ng komiks, upang
yanigin ang romantisismo at klasisismo ng nakakuwadrong sining
ng lagim ng nayon o ng banyagang realidad. Walang sagrado kay
Mervin—lalo pa sa pagbulaga ng mga ikonikong larawang
relihiyoso at kung paano niya ibinubunyag ang mga posibilidad
noon sa depiksiyon ng krimen at rimarim. Walang sagrado kay
Mervin—maliban siguro sa pagbabago, at sa kakayahan ng sining
na patuloy na likhain at papangibabawin ang pagbabago.
Kailangan tayong paminsan-minsang mayanig sa luklukan ng
ating mga kinasanayan. Sa paglabas ng ikatlong aklat ngayong
taon, naibubunyag sa atin na higit pa ang mga pangyayari at
tauhan kaysa sa inakala na natin—tulad ng mahusay na
manipulasyon ng bagong realidad ng mga pagkabuwang sa ating
katinuan. Ito ang pagtatabi po na hindi natin basta dapat paraanin
E. DI-LATHALANG BABASAHIN
1.ROUND UP
2.REVIEW
3.CULTURE FEATURES
4.CONCERNED
5.NAGLALAHAD
SUBMITTED TO:
MARICRIS NAVARROZA

SUBMITTED BY:
MARK CHRISTIAN PIANGCO
NINO OCHEA

You might also like