Ang Pilipinas Bilang Isang Bansa (AP 4)

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Ang Pilipinas Bilang

Isang Bansa
Inihanda ni Bb. Eleonor P. Pilac
Guro sa Araling Panlipunan 4
Layunin ng aralin
Makapagbigay ng halimabawa ng bansa.
Maisa-isa ang mga katangian ng bansa.
Maisa-isa ang mga elemento ng estado.
Matalakay ang konsepto ng bansa.
Maipaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa at
isang estado.
Halina’t maglaro tayo!   

Guess it!
A__E__ __KA
AMERIKA
RU_S_A
RUSSIA
O__AN
OMAN
UNI_ED KI__GD__M
UNITED KINGDOM
K__R__A
KOREA
P_L_P_NAS
PILIPINAS
Bansa
Ang tawag sa isang lugar o teritoryo na
mayroong sariling pamahalaan.
Karaniwang may magkakatulad na
kasaysayan, kultura, wika at tradisyon
ang mga taong naninirahan dito.
Mga Katangian ng Isang
Bansa
Ang bansa ay may mga mamamayan o
tao.
Ang bansa ay mayroong tiyak na teritoryo
Ang bansa ay pinangangasiwaan
ng isang pamahalaan
Ang bansa ay may soberanya
Ang bansa ay may pagkakakilanlan
Mga Katangian ng Isang Bansa
mamamayan
teritoryo
pamahalaan
soberanya
pagkakakilanlan
Pilipinas: Isang Bansa at Estado
Ang Pilipinas ay isang bansa dahil
taglay nito ang mga katangian ng
isang bansa. Itinuturing ding estado
ang Pilipinas dahil nagtataglay ito ng
mga elemento ng isang estado.
Mga Elemento ng
Estado ng Pilipinas
Mamamayan
•Mamamayang Pilipino
Ayon sa tala ng Philippine Statistics
Authority (PSA), tinatayang may
mahigit 100,979,303 mamamayan
ang Pilipinas noong 2015.
Teritoryo
•Pambansang Teritoryo
Ang kabuoang lupang sakop ng Pilipinas
ay may sukat na 300,000 kilometro
kuwadrado. Nakasaad din sa Artikulo 1,
Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng Pilipinas
ng 1987 ang pambansang teritoryo nito.
Pamahalaan
•Pamahalaan ng Pilipinas
Ang pamahalaan ng Pilipinas ay isang
republika na may uring presedensiyal
kung saan ang kapangyarihan ay
pantay na nahahati sa tatlong sangay –
ehekutibo, lehislatura, at hudikatura.
Soberanya
•Pambansang Soberanya
Ang Pilipinas ay malayang bansa. Kinikilala
ang pagiging bansa nito ng iba pang mga
bansa sa daigdig. May ganap na kapangyarihan
ang pamahalaan at mga mamamayan nito na
maipatupad ang mga nais nitong programa at
patakaran. Hindi ito maaaring panghimasukan
ng ibang kapangyarihan o bansa.
Gawain – August 23, 2021
Sagutan ang mga Gawain sa
pahina 5 at pahina 10
Gawain – August 24, 2021
Sagutan ang mga Gawain sa
pahina 12-14.

You might also like