Professional Documents
Culture Documents
EPP 4 1q Lesson 4
EPP 4 1q Lesson 4
EPP 4 Aralin 4
Paghahanda Ng Masustansiyang Pagkain
Ating Alamin:
Mahalaga ang food pyramid sa paghahanda ng pagkain para sa pamilya. Gabay ito para sa tamang
sustansiyang kailangan ng katawan para maging malusog at malakas. Anu-ano ang mga bahagi sa
food pyramid.
EPP 5
Wastong Nutrisyon
Maghanda ng pagkain ayon sa bilang ng kasapi ng pamilya. Masasayang ang pagkain kapag
masyadong marami ang iniluto. Alamin ang pagkaing madaling masira para hindi maaksaya.
Alamin ang mga pagkaing napapanahon. Tandaan na ang mga gulay ay mura at marami kapag
kapanahunan na ng ani.
Mahalagang alam mo ang mga pabopritong pagkain ng mga kasapi ng pamiliya at pumili ng mga
putaheng masustansiya at gusto ng buong pamilya.
Iayos ang mga kagamitan sa pagluluto ng pagkain. Dapat laging nakahanda ang mga gagamitin sa
pagluluto upang hindi maaksaya sa oras.
EPP 5
Go Foods- Mga Pagkaing Nagbibigay ng Lakas at
enerhiya
Manok Isda
EPP 5
Tongs Gadgaran (coconut Measuring measuring cups
scrapper)
Pagtatalop (paring) - ang pagtatalop ay ang pag-aalis ng balat ng gulay o prutas gaya ng patatas, sayote,
upo, karot, kamote at iba pa gamit ang maliit na kutsilyo o paring knife at peeler.
Pagbabalat (peeling)– ito ay ang pag-aalis ng balat ng gulay o prutas na gamit lamang ang mga kamay.
Maaaring balatan ang saging, dalandan, dalanghita at iba pa.
Paghihiwa ( slicing)- kutsilyo ang ginagamit sa paghihiwa ng mga pagkain gaya ng karne, isda, manok, at
mga gulay at prutas
Pagdidikdik ginagamit ang almires na pandikdik ng mga sangkap gaya ng bawang, paminta, mani at iba pa
upang maging pino ang mga ito.
Paghihimay – maaaring himayin ang laman ng manok o isda para isahog sa iba pang lulutuing pagkain tulad
ng pansit, sopas o salad
Paggigiling (grinding) – karaniwang ginigiling nang pinung-pino ang karne ng baka at baboy
Pagkukudkod ( grating )– kinukudkod ang pagkaing gaya ng niyog, keso at papayang hilaw
Pagbababad (marinating) – ibinababad ang karne o isda sa suka, toyo, kalamansi bago lutuin upang lalo
itong sumarap gaya ng barbecue at beef steak.
Pagtutuhog (skewing) tinutuhog ang mga pagkaing iihawain gaya ng karne, isda at manok
Mga Paraan sa Pagluluto
Pagpapakulo (boiling) – pinapakuluan ang pagkaina tubig hanggang sa lumambot ito at maluto, gaya
ng sinaing, sinigang, nilaga at iba pa.
Pagpiprito (frying) – inilulubog ang pagkain sa mainit o kumukulong mantika hanggang maluto.
Paggigisa (sauteing) – niluluto ang karne sa kaunting mantika na may sahog na bawang, sibuyas,
kamatis. Karaniwag iginigisa ay mga gulay.
Pag-iihaw ( Grilling )– niluluto ang pagkain sa pamamagitan ng nagbabagang uling tulad ng karne,isda,
talong at iba pa.
Paghuhurno ( baking ) – Ito ay ang paglalagay ng mga inihandang pagkain sa loob sa hurno (oven)
upang maluto.
Gawain
A. Magluto ng isang simpleng putahe para sa inyong mag-anak. Idokumento mo ito sa pamamagitan
ng isang video.
B. Pagsusulit online
C. Sa isang bond paper gumawa ng isang linggong menu para sa pamilya. Sundan ang chart na nasa
ibaba.
Agahan
(breakfast)
Tanghalian
Hapunan
EPP 5