Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Wika sa

Pang-araw-
araw na
buhay
Wika
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan
ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang
pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa
pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na
makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang
kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga
sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito,
nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib
ng isang pulutong ng mga tao. 
Fortunato at Valdez (1995)
Wika ang kasangkapan sa pagbabagong anyo
ng pulitika at kapangyarihan sa isipan at puso ng
tao. Hindi konkreto ang lakas ng wika at ito’y
pangkaisipan. Sa mabisang gamit ng wika,
nakakaapekto ito at napapakilos tayo.
Ano nga ba ang wika?
• Komunikasyon sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang
simbolo.
• Naging daan upang maibahagi sa isa’t isa ang kani-kanilang
mga ninanais at niloloob. 
• Isang mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang
kanyang damdamin at kaisipan.
Ang mga Pangunahin at Unibersal na Katangian ng wika:

• Ang wika ay masistemang balangkas.


• Ang wika ay sinasalitang tunog.
• Ang wika ay pinipili at isinasaayos.
• Ang wika ay arbitraryo.
• Ang wika ay ginagamit.
• Ang wika ay nakabatay sa kultura.
• Ang wika ay nagbabago.
Ang wika ay isang sistema ng
pakikipag-unawaan.

• makikilalang ang wika ay makikita sa


mga paraang:
pagkilos
berbal
pasalita
Pagkilos
• Isang uri ng pagpapahayag o komunikasyong hindi
ginagamitan ng mga salitang sinasabi o sinusulat.

• Ito ay binubuo ng mga manerismo.

• Sa wikang ito,mauunawaan kung panatag ang isang tao sa


kanyang kinalalagyan sa pamamagitan ng pagkilala sa mga
reaksyong mababakas sa kanyang mukha at katawan.

• Makikita ito sa mga ngiti ng pag-ayon o di kaya ay sa matalas


na tingin ng pagtutol.
Berbal
• Isang sistema ng pinanagisag at pakikipag-ugnayan na
kinakatawan ng mga titik.

• Isa rin itong uri ng komunikasyon na nagsisimbolong pasulat.

• Sa wikang Filipino,ang alpabetong Filipino ay may 28 na titik


at ito ay may iba’t ibang bigkas o phonemic transcription ang
mga ito.
Pasalita
• Ang mga titik ay isinasalin sa sistema ng tunog na arbitraryo
ring itinatakda ng mga lumilikha at gumagamit nito.

• Halimbawa,ang titik na “a” ay binibigkas ng mga Pilipino


bilang /a/.Sa mga Amerikano,ang titik “a” ay magkakaroon ng
ibang palatunugan kapag binigkas na ng /ey/.
Pasalita
• Sa wikang Tagalog,ang titik “i” ay binibigkas bilang /i/
samantalang kapag binigkas na ito ng isang mula sa rehiyon sa
bandang kanluran tulad ng bisaya at iba pa,ang “i” ay
binibigkas bilang tunog na /e/.

• Kaya ang salitang “tila” ay nagiging tunog “tela” na ang ibig


sabihin ay (isang uri ng habi ng mga sinulid na ginagamit sa
paggawa ng mga damit at saplot.
SALAMAT SA PAKIKINIG !!

You might also like