Professional Documents
Culture Documents
Yunit 1
Yunit 1
Wikang Pambansa sa
Lalong Mataas na
Edukasyon
Kasaysayan ng Wikang
Pambansa
• Saligang Batas
- pinakapananaligang batas sa bawat bansa.
- nagdidikta ng mga prinsipyo at polisiyang kailangan para
sa isang lipunan
- kinapapalooban ng mga mahahalagang probisyon
•Wikang Filipino
- tanikalang nag-uugnay sa mga tao.
- kinakatawan nito ang kultura at
kabihasnan
- magiging kakampi natin sa ating mga
pakikibaka
Manuel L. Quezon
- Pangulo ng Republika ng Komonwelt
-Ama ng Wikang Pambansa
- pangangailan ng isang wika na sinasalita at nauunawaan
ng lahat
SALIGANG-BATAS NG BIAK NA BATO (1897)
- opisyal na wika ng rebolusyon ang Tagalog.
Artikulo VIII
“Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Republika.”
1901
-Philippine Commission, Wikang Ingles ang opisyal na
wikang panturo sa mga paaralan.
1931
-Wikang Bernakular ang wikang panturo sa elementarya.
SALIGANG-BATAS 1935
- hakbang upang paunlarin at pagtibayin ang isang wikang
pambansa na nakabatay sa umiiral na Katutubong Wika.
- Ingles at Kastila mananatiling opisyal na wika hanggang
hindi nagtatadhana ng iba ang batas.
1936
- itinatag ni Pangulong Quezon ang Surian ng Wikang
Pambansa.
SURIAN NG WIKANG PAMBANSA
- tungkulin na pag-aralan ang mga diyalekto sa
pangkahalatan para sa layuning mapaunlad at mapagtibay
ang isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral
na wika.
Batayan:
• pagkaunlad ng estruktura
• mekanismo
• panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng
malaking bilang ng Pilipino.
TAGALOG
- pinili batay sa mga pamantayan na binanggit..
Jaime C. De Veyra (Samar-Leyte)
-namuno sa Surian ng Wikang Pambansa.