nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita. Saknong Grupo ng mga taludtod.
Ikaw, ako tayong lahat
Pagmamahal sa kapuwa’t dapat ipakita Huwag mag-alinlangang igawad sa kaniya Dahil makatutulong ito sa pag-unlad ng bayan. Taludtod Isang linya ng mga salita sa tula.
Ang pag-ibig sa kapuwa ay mahalaga.
Ang pag-ibig sa kapuwa ay mahalaga Nagbubunga ng pagkakaisa at pag-asa Lalo kung ito’y tunay, dalisay at payapa Kaya kabutihan ang dulot at di sama. TUGMA Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
Ang pag-ibig sa atin ay biyaya
Na dapat ipadama sa ating kapuwa. Sukat Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Pag-ibig sa atin ay isang biyaya – 12
pantig Dapat ipadama sa ating kapuwa – 12 pantig Karikatan Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang magbabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan. Persona • Ang persona ang nagsasalita sa loob ng teksto. • Maaaring ang persona at ang makata ay iisa. Ngunit hindi laging nag-iisa ang persona at makata. Maaaring babae ang persona ngunit lalaki naman ang makata. Maaaring daga o pusa ang persona, ngunit isang bata ang makata. • Maaaring maging persona ang isang buhay na nilalang o kaya’y isang bagay na walang buhay.