Lesson 2 Texts Part 3 (Autosaved)

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 50

TEXTS AND

AUTHORS
FROM THE
REGIONS
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA-NC
WELCOME TO THE 21ST
CENTURY PHILIPPINE
LITERATURE AND THE WORLD
S.Y. 2020-2021

MR. ROMMEL DELPRADO LEGASPI


Master Teacher 1
Objectives:
1. Identify Filipino authors across the
regions
2. Appreciate their contributions on the
development of Phil. Literature.
GUIDE QUESTIONS:

1. Give at least one contributions of literature of each of the following writers;


a. Manuel Arguilla
b. Anthony Tan
c. Suzette Doctolero
d. Ivy Alvarez
e. Michael Coroza

2. What new or additional learning you had after taking up this lesson in terms of
contributions of the writers to literatures?

3. Is there a new concept that you learned about Literature?


CRITICAL ESSAY, LITERARY THEORY, NON-
FICTION, SOCIAL REALISM
Salubungin ang (bagong) daluyong ng mga Agos sa
Disyerto
SA PANAHONG tila natutuyuan ang mga linang ng
panitikan noong gitnang bahagi ng dekada ’60, dumaloy
ang mga akda nina Efren R. Abueg, Dominador B.
Mirasol, Rogelio L. Ordo–ez, Edgardo M. Reyes at
Rogelio R. Sikat, sa aklat katipunang Mga Agos sa
Disyerto.
Unang buhos ng daluyong ay noong 1964 at isang dekada ang
lumipas, muling umalon at binasa ang namimitak na lupain ng
panitikang Filipino nang mailimbag ang ikalawang edisyon ng Mga
Agos sa Disyerto noong 1974.
Huling sargo ng daluyong ng Agos ay 16 na taon ang nakararaan,
nang lumabas ang ikatlong edisyon nito noong 1993.
Ngayon, sa panahong sampu isang pera ang patakbuhing literaturang
patuloy na lumuluoy sa diwa at kaluluwa ng mga Pilipino, muling
nagbabanta ang pagbugso ng mga Agos sa Disyerto.
Mga akdang bumasag sa ilusyon at mga kumbensiyon ng panitikang Tagalog
HINDI maitatatwang isa ang Mga Agos sa Disyerto sa mahahalagang aklat-katipunan ng mga
akdang nasusulat sa sariling wika dahil ito ang nangahas na bumangga, hindi lamang sa
kumbensiyon sa umiiral na panulatan, kundi pinatunayang kaya nitong makipagsabayan sa
sinasabing maiinam na akdang nasusulat sa wikang Amerikano.
Bumangga sa kumbensiyon, dahil ang mga manunulat na bumuo sa Agos ay hindi kailanmang
nagtimpi, sa paggamit nila ng wikang sarili (magalang at “santo” ang mga akdang nasusulat
noon sa Filipino o Tagalog; kimi, hindi nagmumura at lalo’t higit sa lahat, dumalirot man sa
isyu ng libog, nananatiling “nakadamit” ang pagnanasa), at maging sa pagtalakay sa mga
paksang iniiwasang talakayin noon ng mga manunulat sa wikang Tagalog (na magiging Filipino
noon 1987).
Inasinta rin at pilit na pinaguho ng mga alon ng Agos ang umiiral na
komersiyalismo, o ang mga pangiliting akdang pampanitikang inilalako sa mga
magasing lingguhan na karaniwang naglalaro sa pantasya, malalagkit na mga
pagtitinginan at makapanindig-balahibong mga pag-iibigan, at mga katatakutan.
Ayon nga kay Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining sa
Panitikan at tumanggap ng Gawad Ramon Magsaysay sa Pamahayagan at
Panitikan, sa isinulat niyang introduksiyon para sa libro noong 1993,
Sa Mga Agos sa Disyerto, hinarap din ng mga manunulat ang mga diyos ng
komersiyalismo na nangakaluklok sa patnugutan ng mga lingguhan. Sa
pamamagitan ng kanilang mga akdang pinarangalan sa Carls Palanca Memorial
Awards, ipinamalas nilang dapat nang iligpit ang mga pormula sa pagsusulat ng
popular na kwento…[1]
Pananalamin sa tubig ng katotohanang panlipunan
Sinalamin ng 25 akdang isinama sa Agos (na 20 lamang noong ika-2 edisyon) katotohanang
umiiral sa lipunan. Binigyang mukha ng mga ito ang kalagayan ng karaniwang tao, maging
ang pingkian ng kapangyarihan at karumaldumal na karalitaan at kawalanghiyaang umiiral sa
ating lipunan.Nilaro ng mga akda ang emosyon at kaisipan, na bagaman ginagawa na noon,
hindi ganoong kahantad.
Mga Ariel at Cleofe sa Pilipinas sa kuwento ni Abueg
Amor vincit omnia, sabi ng matandang kasabihang Latin—hahamakin ang lahat, maging ang
umiiral na mga patakarang panlipunan, sa ngalan ng pagibig at ito ang tila ibig patunayan ng
akda ni Abueg na Sa Bagong Paraiso.
Magkalangkap, at hindi mapaghihiwalay, ang laman at ang puso, ang libog at ang pagibig; ito
ang nalaman nina Cleofe at Ariel nang pangahasan nilang lasapin ang bawal na bunga at
magsupling ito, sa kuwento ni Abueg na Sa Bagong Paraiso.
Sabi ng pamosong sikoanalistang si Sigmund Freud, ang pagnanasa ang isa sa pinakamalakas
na emosyong maaaring maramdaman ng isang tao.
Aniya pa, ang seksuwal na pagnanasa’y nararanasan ng isang tao mula
sa kanyang pagkabata hanggang sa kanyang pagtanda. Tila ito ang
binaybay ng istorya ni Abueg.
Sa ngayon, maraming Cleofe at Ariel sa mga kabataang Pilipino. Dahil
ayon nga saYoung Adult Fertility and Sexuality Survey (2003) 23
porsiyento ng kabataang Pinoy, ang tumitikim ng ipinagbabawal na
bunga, gaya nang sinasabi sa istorya ni Abueg.
Karalitaan at ang mga Clemenia, Carina, at iba pang babae sa
dampang may ilaw-dagitab sa lipunang Pilipino
Prostitusyon, anila, ang pinakamatandang propesyon sa daigdig. Sa Bibliya, maraming puta.
Karamihan sa kanila, nasa templo mismo ni Yahweh.
Sa kasalukuyan, pagtantiya ng Amihan (Pambansang Kalipunan ng Kababaihang
Magbubukid), nasa 800,000 noong 2005, ang mga kababaihang nasadlak sa prostitusyon
bunga ng kahirapan.
Sa mga kuwentong Mapanglaw ang Mukha ng Buwan at Ang Lungsod ay Isang Dagat ni
Abueg at Di Maabot ng Kawalang Malay ni Edgardo M. Reyes, tinalakay ang isyu ng
prostitusyon.
Batay sa pagtaya ng Amihan, 200,000 kababaihang napilitang magputa para lamang may
maipakain sa kanilang mga pamilya, ang nasa kanayunang giyagis pa rin ng karalitaan. At
karamihan sa kanila, ang puri ang bayad para sa ilang kilong bigas.
Saglit na nag-atubili si Clemenia. Subalit nang manlalim sa kanyang
paningin ang mga guhit sa mukha ni Aling Maring ay maliksi niyang
dinampot ang isang panyuwelong itim sa sandalan ng silya at ipinugong
iyon sa kanyang buhok…
Ngunit hindi lamang si Clemenia ang nagputa sa kuwento ni Abueg,
maging si Mang Itoy. Isinuong niya ang dangal at buhay para lamang
mailigtas ang buhay ng naghihingalong asawa.
Karalitaan din ang nagbunsod sa ina ni Ida, kung bakit naging kalapati
itong mababa ang lipad, sa kuwento ni Reyes (Di Maabot…).
“M-magugulat si… si Emy,” ang sabi ni Ida. “’Kala siguro n’ya, di
tayo… di tayo nagkakaro’n ng pansit! ‘Kala siguro n’ya, panay lu…
lugaw ang kinakain natin!”
Sa puntong ito, hindi na kagulat-gulat kung bakit marami ang babaing nagsasangla
ng kanilang puri at parang pansit na sumabulat, gaya nang dala ni Ida na ibibigay
sana sa kalaro, at humagis pakalat, hanggang sa makutim na na labak sa kanal:
dahil maraming pamilya pa rin ang lublob sa kahirapan.
Napakabangis pa rin ng lungsod sa kakaning-itik
Hindi nagliliwat ang isyu ng karalitaan sa Pilipinas, sa kabila ng sinasabing pag-
unlad na ipinamamalita ng gobyerno.
Sa pinakahuling sarbey ng Social Weather Stations (SWS), 9.3 milyong pamilyang
Pinoy ang lublob sa karalitaan; 7.2 milyon naman ang nasasalat sa pagkain; at
sumirit ang bilang ng nagugutom: mulang 2.9 milyong pamilya, patungong 3.7
milyon sa ikalawang kuwarto ng 2009.
Si Adong, maralita at gutom, sa kuwentong Mabangis na Lungsod (Abueg). Maraming tulad
niya sa Pilipinas—40.8 porsiyento ng populasyon ng mga batang tulad ni Adong, maralita—
ayon sa National Statistical Coordination Board.
Iniluluwal nang labis na karalitaan, ang karahasan (Eli, Eli Lama Sabachtani?; Ang Biktima Ni
Dominador B. Mirasol). At karaniwan ang maralita’y pinagkakaitan ng katarungan (Isang Ina
sa Panahon ng Trahedya, Mirasol).
Bulok kasi ang sistema ng katarungan sa Pilipinas. Ang timbangang hawak ng babaing
nakapiring, laging nakasandig sa may mga kuwarta, karamihan sa mga abugado de kampanilya
(kuno) ay mga mukhang pera, at sa pulitiko, nananaig ang padronismo.
“Tulad ng naipangako ko sa inyo, lumapit ako sa Presidente kahapon din,” simula ng
Diputado. “At komo nga magkasalungat kami ng paniniwala at magkaibang partido, medyo
pinaringgan ako. Puwede raw hong pagbigyan niya ako sa gusto ko, pero por pabor naman
daw, pagbigyan ko raw siya sa hihilingin niya sa akin…” – sipi mula sa Eli, Eli…, Mirasol
Sa lipunang ito, kung sino ang gumagawa at nagpapagod, siya ang hindi umaani ng bunga ng
kanyang pinagpawisan.
Sina Rogelio L. Ordoñez at Mirasol ang nagpakita ng napakarawal na kalagayan ng uring
manggagawa sa kanilang mga kuwentong Dugo ni Juan Lazaro, Buhawi, Inuuod na Bisig sa
Tiyan ng Buwaya, Mga Aso sa Lagarian at Makina.
Bagaman ang mga manggagawa at magsasaka ang pinakagulugod ng pambansang
ekonomiya, sila ang umaamot sa kaunting mumong nalalaglag sa dulang ng
namamanginoon:
“Putang ‘nang White ‘yan,” sabi minsan ng isa nilang kapwa trabahador sa dapithapong
magkasabay silang lumalabas sa dambuhalang pabrikang iyon. “Wala yatang kaluluwa!
Matagal na tayo rito, di man lang tayo inuumentuhan. Alam niyang pambili lang ng pandesal
ang suweldo natin. Malaki naman ang kinikita ng pabrikang ito. (Inuuod…, Ordoñez)
Ipinagmamaramot pa sa kanilang mga kakaning-itik, kadalasan, itong mumong ito,
kadalasan:
Basta, sasabihin niya: “Meron ho ‘kong kar’patan! T’yak hong meron ‘kong karapatan!
(Isang sipi mula sa Makina, Mirasol).
Dahil sa kaapihang dinaranas, natututong lumaban ang mga manggagawa. Pagkaminsa’y
marahas na uri ng paglaban ang ginagamit ng mga obrero para igiit ang kanilang mga
karapatan sa disenteng sahod at pamumuhay.
Bigla ang hindi magkamayaw na mga hugong na pumuno sa diwa ni Andong. Iglap niyang
sinunggaban ang nakasandal na piko sa sulok ng bodega. Itinaas. At hinabol niya ang
nakatalikod at papalayong kapatas.
Iniwan ni Andong na nakabaon ang matulis na dulo ng piko sa kaliwang mata ng
nakabulagtang kapatas. (Buhawi, Ordoñez)
Sa mundo ng paggawa, gaya halimbawa ng call center, ipinalalaganap ang espiritu ng
indibiduwalismo. Ang cubicle ang nagsisilbing hadlang para malayang makapagtalakayan ukol
sa karapatan ang mga manggagawa.
Ginamit ng kapitalista ang pangangailangan ng manggagawa upang banggain ang kapwa niya
obrero, gaya nang isang senaryo sa Dugo ni Juan Lazaro:
“Basta magpatuloy ka lang sa pagtatrabaho, daragadan ko ng limampung piso ang sahod mo,”
sabi ng tagapamahala. “At kahit matapos ang welga, mananatiling gayon ang iyong sahod.”
Patuloy na nalulugmok ang mga nayon at naghihimagsik ang mga Anto
Ayon pa rin sa National Statistic Coordination Board (NSCB), nasa kanayunan pa rin ang
napakaraming bilang ng maralita sa Pilipinas. Karamihan sa kanila, mangingisda at
magsasaka.
Itinuturong dahilan ng karalitaan sa kanayunan ang kawalang lupa ng mga magsasaka.
Malaking bahagdan pa rin ng mga magsasaka ang walang lupa.
Isyu ng kawalan ng lupa ang kuwentong Tata Selo ni Rogelio R. Sikat at Si Anto ni Ordoñez.
Sabi ng mga palamasid, ang naglalagablab na digmang bayang inilulunsad ng New People’s
Army (NPA), ang naaarmasang sektor ng Partido Komunista ng Pilipinas (1968), ay dahil sa
isyu ng lupa.
Hindi lamang ngayon nagsimula ang paglaban ng mga magsasaka para sa karapatan sa lupa.
Mula panahon ng pananakop ng mga Kastila, ang himagsikan ay nag-ugat sa pangangamkam
ng mga lupain ng mga prayle at mga nasa gobyernong Espanyol.
Hindi iilang buhay ang nabuwis sa ngalan ng lupa. Ang pinakatanyag, ang naganap na
pagbubuwis ng buhay ng mga magsasakang nagmartsa pa-Mendiola noong Enero 22, 1987 at
ang pagpatay sa mga nagaklas sa Asyenda Luisita noong Nobyembre 16, 2004.
Pawang mga biktima ng pangangamkam ng kanilang mga lupain—mga lupaing karugtong ng
kanilang buhay at pagkatao—ang mga tauhan sa mga kuwento nina Ordoñez at Sikat.
Marahas ang kanilang naging paghihiganti sa mga kasiki. Tinaga ni Tata Selo sa bunganga
ang kabesa samantalang si Anto, nilaslas ang lalamunan at winakwak ang tiyan, ni Ka
Mamerto.
Ipinakita naman ni Reyes, ang kabalintunaan sa kanyang kuwentong Lugmok na ang Nayon.
Nakangingilo ang ingit ng gulong ng kariton. Malayo na kami. Sa tingin ko’y tila madilim na
dawag na lamang ang Sapang-Putol. Pinagmasdan ko ang laman ng kariton. Ito’y isa nang
napakalaking kayamanan ng nagsasalat na nayon, naisip ko. At sa Sabado, ito’y
pagpapasasaan at sasandat sa maraming tagalunsod.
Totoo, ito, sa abang palagay. Totoong mayaman ang Pilipinas ngunit naghihirap ang
maraming Pilipino.
Ibang pang mga tálâ
Gaya nang katubigan, husto Ang Mga Agos sa Disyerto, sa lalim at babaw; sa lapad at kitid;
sa pagiging maingay at tahimik.
May mga kuwentong nakapagngingitngit, gaya nang nabanggit na sa itaas. May humihipo sa
puso. May sumusugat at may nagpapahilom.
Kuwento ng sakripisyo at pagibig ng mga ina ang kuwentong Isang Ina sa Panahon ng
Trahedya (Mirasol); Eli, Eli, Lama Sabachtni? (Mirasol); at Gilingang Bato (Sikat).
Paghahanap ng kahulugan sa buhay at pagkatao, ang ibig iparating sa mambabasa ng mga
kuwentong Sa Piling ng mga Bituin (Ordoñez) at Emmanuel.
Pagibig at kasawian naman ang tumining sa kuwento ni Sikat na Quentin (ala-Hunchback of
Notre Dame ni Victor Hugo), samantalang pagbabagong-loob ang kuwentong Ang Kura at
ang Agwador (na dahil sa kasimplehan, parang kuwentong pambatang naligaw sa isang
katipunan ng akdang “pangmatanda”).
Kung totoo man ang pamahiin, ang tinatawag na balisa, ang Dugo sa Ulo ni Corbo (Abueg) at Lupain sa Sariling Bayan (Sikat)
ang mabisang naglarawan sa mga ito; ang una’y ukol sa sundalong malapit nang mamamatay at ang huli, ukol sa abugadong
ayaw bumalik sa lupang tinubuan, gayunman, doon din magbabalik sa araw ng kanyang libing.
Katapatan at korupsiyon ang ibig namang ipamarali ng kuwentong Daang-bakal ni Reyes.
Panahon na muling padaluyin ang Agos
Sa panahong muling nararanasan ang katuyuan sa linang ng panitikang Pilipino, dahil na rin sa pamamanginoon sa diyos ng
komersiyalismo, gaya nang sinabi ni Lumbera noong 1993, umaasam ang maraming mulat at uhaw ang pag-iisip sa muling
pagdaloy ng Mga Agos sa Disyerto.
Hindi himod sa pundilyo, ang pahayag; isa itong katotohanan, sa abang palagay, nalalaman ng lahat bagaman patuloy na
itinatanggi ng karamihan.
Patuloy na nararahuyo ngayon sa panitikang nagkakandili nang hindi malulunok na mga ilusyon, nakasentro sa libog at
pagkamakasarili, ang maraming mambabasa.
Panahon na para muling padaluyin—hindi—dapat pasarguhin ang agos. At hayaang paglawain nito ang uhaw at namimitak na
linang ng panitikang Pilipino at nang sa gayon, hindi ito maging disyertong katatagpuan ng mga kalansay, mga siit, ng damong
tuyo at naghihingalong Oasis na hindi man lamang makatighaw ng pagkauhaw ng puso, isip at kaluluwa ng isang Juan de la
Cruz.

Antipulo, Rizal | Agosto 20, 2009


1. MGA AGOS SA DISYERTO?
2. What did the text aim to
accomplish?
3. Who is Dr. Bienvenido Lumbera?
4. Explain the point of Dr.Lumbera, "Sa Mga Agos sa Disyerto, hinarap din ng mga
manunulat ang mga diyos ng komersiyalismo na nangakaluklok sa patnugutan ng
mga lingguhan. Sa pamamagitan ng kanilang mga akdang pinarangalan sa Carls
Palanca Memorial Awards, ipinamalas nilang dapat nang iligpit ang mga pormula sa
pagsusulat ng popular na kwento…"
5. Ano ang Itinuturong dahilan ng karalitaan sa kanayunan ayon kay Tata Selo ni
Rogelio R. Sikat at Si Antoni Ordoñez? Ipaliwanag.
6. Ano ang ibig sabihin ni Edgardo M. Reyes, " Nakangingilo ang ingit ng gulong
ng kariton. Malayo na kami. Sa tingin ko’y tila madilim na dawag na lamang ang
Sapang-Putol. Pinagmasdan ko ang laman ng kariton. Ito’y isa nang napakalaking
kayamanan ng nagsasalat na nayon, naisip ko. At sa Sabado, ito’y pagpapasasaan at
sasandat sa maraming tagalunsod." Ipaliwanag
MGA AGOS SA DISYERTO: ISANG PAGSUSURI
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ang pag-alon ng Mga Agos sa Disyerto ang


nagbukas ng bagong yugto ng panitikang Pilipino
na nakabatay sa totoong kalagayan ng nakararami sa
lipunan - ang mga manggagawa, magsasaka,
maralita, kababaihan at kabataan.
Ang panitikan ay nagbabago, umuunlad. At ang mga
kwentista'y mas nagiging matalas na rin sa pagsusuri
sa lipunan. Kung noon ay palasak sa mga kwento ang
malapyudal at malakolonyal na lipunan, ngayon
naman ay naging tungkulin na ng mga manunulat na
ilagay sa kwento ang mga pagsusuri ngayon batay sa
kongkretong kalagayan ng kapitalistang lipunan.
CRITICAL ESSAY, LITERARY THEORY, NON-FICTION,
SOCIAL REALISM
Efren Reyes Abueg is a well-known and recognized
Filipino-language creative writer, editor, author,
novelist, short story writer, essayist, fictionist,
professor, textbook writer, and anthologist in the
Philippines. His works appeared on magazines such as
Liwayway, Bulaklak, Tagumpay, Mod, and Homelife.
Wikipedia
Born: 3 March 1937 (age 83 years), Tanza
Nationality: Philippine
Books: Mga Agos sa Disyerto: Maiikling kathang
Pilipino
Awards: Carlos Palanca Memorial Awards for Short
Story in Filipino
Education: University of the Philippines Diliman, De
“I want to be known as an advocate of the Filipino language,”
he answered. “Years of my lectures in Filipino in almost 50
universities and colleges in the Philippines and five years of
service as writer-in-residence at De La Salle University-
Dasmarinas attested to my service to the cause of Filipino
language today, including my being a founder of Cavite Young
Writers Association, which is my way of giving back to society
by honing the talents of the youth.”
ROGELIO L.
ORDOÑEZ,
,
ROGELIO R. SICAT
FILIPINO NOVELIST
ROGELIO SICAT SOMETIMES REFERRED TO AS
“ROGELIO SIKAT”, WAS A PROLIFIC FILIPINO
NOVELIST, PLAYWRIGHT AND SHORT STORY
WRITER. WIKIPEDIA
BORN: 26 JUNE 1940, SAN ISIDRO
DIED: 1997
AWARDS: CARLOS PALANCA MEMORIAL AWARDS
FOR SHORT STORY IN FILIPINO, MORE
BOOKS: DUGO SA BUKANG-LIWAYWAY
PARENTS: CRISANTA RODRIGUEZ, ESTANISLAO
SIKAT
EDUCATION: UST FACULTY OF ARTS AND
LETTERS, UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
Edgardo M. Reyes (1936–2012) is a Filipino novelist. His works of fiction
first appeared in the Tagalog magazine, Liwayway. His novels include Laro
sa Baga,[1]

Born
20 September 1936
Commonwealth of the Philippines
Died 15 May 2012 (aged 75)
Antipolo, Philippines
Occupation Novelist, screenwriter
Years active 1975–2001
Writing a close analysis and
Critical Interpretation of Literary
Texts from the different Regions
applying Reading Approach.
Reading Approach
Reading becomes important
because it is an active skill which
involves inferencing, guessing,
predicting etc
Inferencing involves using what you know to make
a guess about what you don't know or reading
between the lines. Readers who make inferences
use the clues in the text along with their own
experiences to help them figure out what is not
directly said, making the text personal and
memorable
A literary element refers to components of a literary
work (character, setting, plot, theme, frame,
exposition, ending, motif, titling, narrative point-‐
of-‐view).
What is the use of multimedia to relatively interpret a
literary text?
SKIMMING
The main idea of a text is
quickly identified.
SCANNING
Is quickly reading a text to get
the summary of it.
Extensive reading
Is an approach to language
reading, including foreign
language learning by means of a
large amount of reading.
CHECHNYA
BY : ANTHONY MARRA
GUIDE QUESTIONS;

1. Where and when did the


story happen? What
descriptions were given about
the setting of the story?
2. Describe the
characters in the
story.
3.What seems to be the
conflict surrounding the
story?
4. What was the
deal made by
Sonja and
5. What change in attitude was
evident in the main character
of the story at the beginning
and at the end?
6. Why was important for the
writer to narrate the events
that happened during the wars
to reveal traditions in
Chechnya?
7. Reflection: What lessons did
you learned from the story? In
what way it can help you and
others in this pandemic crisis that
we have?

You might also like