PANGUNGUSAP Autosaved

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

Pangungusap

Inihanda ni: G. Amer Khallid Alauya


Pangungusap
Sa linggwistika, ang pangungusap ay
lipon ng mga salitang nagpapahayag
ng buong diwa. Binubuo ito ng
panlahat na sangkap, ang panaguri at
ang paksa subalit buo ang diwa.
Mga halimbawa ng Pangungusap
● Umuunlad ang bayan.

● Marami ang pook na magaganda sa Pilipinas.

● Maraming magaganda na pook sa Pilipinas.


Mga halimbawa ng Pangungusap
● Nanay!
Panawag
● Aray!
(Nasaktan ako.)
● Halika.
(Lumpait ka sa akin.)
● Magandang umaga po.
(Ikaw ay binabati ko ng magandang umaga.)
(Sumaiyo ang isang magandang umaga.)
● Umuulan.
(Umuulan ang kalikasan.)
Pangungusap
Ang pangungusap nay isang
sambitlang may patapos na himig sa
dulo, ang patapos na himig ang
nagsasaad na naipahayag na ng
nagsasalita ang isang diwa o
kaisipang nais niyang ipaabot.
Mga
Pangungusap
na May Paksa
at Panaguri
Paksa o Simuno
Ito ang pokus o pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay laging tinatadaan ng
mga pantukoy na ang, ang mga, si at sina. Ito ay maaaring makita sa unahan,
gitna o hulihan ng pangungusap.

Payak ang simuno o paksa kung ito ang/ang mga pangngalan, panghalip, pang-uri
o pandiwang pinag-uusapan. Ang buong simuno ay binubuo ng payak na simuno
kasama ang iba pang salitang tinatawag na panuring.
Panaguri
Ito ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi tungkol sa simuno o paksa. Ito ay
maaaring matagpuan sa unahan at hulihan ng pangungusap.

Payak ang panaguri kung ito ay ang/ang mga pandiwa, pang-uri, pangngalan o
panghalip na nagsasabi tungkol sa simuno. Ang buong panaguri ay ang payak na
panaguri kasama ang iba pang salita o panuring.
Uri ng Paksa
1. Paksang Pangngalan

a. Sumusulat ng talambuhay ang pinuno.

b. Naghihintay ng ulan ang mga magsasaka.

2. Paksang Panghalip

a. Kami ay delegasyon ng Pilipinas.

b. Sila ay gumagawa ng mga sasakyang pangkalawakan.


Uri ng Paksa
3. Paksa Pang-uri

a. Hinahangaan ang matatalino.

b. Kapuri-puri ang ang mga masisipag.

4. Paksa Pang-abay

a. Ang dito ay maghintay muna.

b. Ang doon ay pasulungin agad.


Uri ng Panaguri
5. Paksang Pandiwa

a. Huwag mong gambalain ang nananalangin.

b. Mahuhusay ang mga namumuno.

6. Paksang Pawatas

a. Hilig niya ang magtinda.

b. Kinabibilangan ko ang magbasa.


Uri ng Panaguri
1. Panaguring Pangngalan

a. Luntiang Rebolusyon ang paksa ng pulong.

b. Tungkol sa pagbabayad ng buwis ang editorial ngayon.

2. Panaguring Panghalip

a. Siya ang puno ng barangay.

b. Kayong mga kabalat naming ang aming inaasahan sa kilusang ito.


Uri ng Panaguri
3. Panaguring Pang-uri

a. Ang manggang hinog ay malinamnam.

b. Mainam sa kalusugan ang klima sa Pilipinas.

4. Panaguring Pandiwa

a. Nagsasaka siya.

b. Ang mga ika-7 baitang ay sumayaw.


Uri ng Panaguri
5. Panaguring Pang-abay

a. Bukas ang alis ng mga turista.

b. Ganito ang pagluluto ng paborito mong ulam.

6. Panaguring Pawatas

a. Ang kinalilibangan ko ay magbasa ng komiks.

b. Manggamot ang nagging trabaho niya sa nayon.


Ayos ng Pangungusap
Karaniwan o Tuwid
Kapag nagsisimula sa panaguri at nagtatapos sa simuno.

Halimbawa: Mayroong bagong tsinelas si Ranilene.

Ikinalungkot ni Mj ang pagpanaw ng kanyang ama.

Di-Karaniwan o Kabalikan
Kapag nagsisimula sa simuno at nagtatapos sa panaguri. Ang panandang
"ay" ay kadalasang makikita sa mga pangungusap.

Halimbawa: Si Ranilene ay bumili ng bagong tsinelas.

Ang pagpanaw ng kanyang ama ay ang dahilan ng kalungkutan ni


MJ.
Gamit/Tungkulin ng Pangungusap
Pasalaysay o Paturol
Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan, opinyon, pahayag, kaisipan o pwede ring
pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok (.).

Halimbawa:

Unti-unting nakikilala ang mga pangkat-etniko sa ating bansa dahil sa kanilang


mga katangian.
Gamit/Tungkulin ng Pangungusap
Pasalaysay o Paturol
Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan, opinyon, pahayag, kaisipan o pwede ring
pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok (.).

Halimbawa:
Unti-unting nakikilala ang mga pangkat-etniko sa ating bansa dahil sa kanilang
mga katangian.

Patanong
Ito ay pangungusap na ginagamit sa pagtatanong, at tandang pananong (?) ang
bantas sa hulihan nito.

Halimbawa:
Isinusulong pa ba ang pagbuo ng mga batas para sa pambansang
pangkapayapaan?
Gamit/Tungkulin ng Pangungusap
Padamdam
Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, pagkagulat, paghanga,
panghihinayang at iba pa. Ito ay nagtatapos sa tandang padamdam (!).

Halimbawa:
Kay ganda talagang mamasyal sa Davao!

Pautos
Ito ay uri ng pangungusap kung saan ay nakikiusap o nag uutos ito. Ito ay
maaring magtapos sa tuldok (.) o tandang padamdam (!).

Halimbawa:
Diligan mo ang mga halaman.
Gamit/Tungkulin ng Pangungusap
Pakiusap
Ito ay uri ng pangungusap na pautos na nagsasaad ng pakiusap. Ito ay madalas na
nagtatapos sa tuldok (.) o tandang pananong (?).

Halimbawa:
Pakidala mo nga rito ang aking sapatos.
Kayarian ng Pangungusap
Payak
Ito ay binubuo ng isang buong diwa o isang sugnay na makapag-iisa na binubuo ng:
Payak na simuno at payak na panaguri (PS-PP)
Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa.
Payak na simuno at tambalang panaguri (PS-TP)
Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga pader sa paaralan.
Tambalang simuno at payak na panaguri (TS-PP)
Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa darating na pista.
Tambalang simuno at tambalang panaguri (TS-TP)
Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ng Buwan ng
Wika.
Ang payak ay nangangahulugang isa lamang gaya ng isang simuno, isang panaguri at
isang diwa. Ang salitang tambalan ay nangangahulugang dalawa o higit pa gaya ng
dalawang simuno at dalawang panaguri.
Kayarian ng Pangungusap
Tambalan
Ito ay pangungusap na binubuo ng dalawang buong diwa o pangungusap o
sugnay na makapag-iisa. Maaaring magkaugnay o magkasalungat ang dalawang
diwa nito na pinag-uugnay ng pangatnig. Ang at, ngunit, subalit, datapwat, pero,
samantala at habang ay ilan sa mga pangatnig na ginagamit sa tambalang
pangungusap.

Halimbawa:
Ang nanay niya ay isang guro at ang kanyang tatay ay isang doktor.

Naghintay si Joe kay Lina ngunit si Lina ay nasa opisina pa.

Pinapangako ko na mamahalin ka habambuhay at hindi ka iiwan.


Kayarian ng Pangungusap
Hugnayan
Ito ay pangungusap na binubuo ng isang buong diwa o sugnay na
makapag-iisa at isang hindi buong diwa o sugnay na di-makapag-iisa (lipon
ng mga salitang may simuno at panaguri na hindi buo ang diwa dahil sa
pangatnig sa unahan nito). Ang dahil, kasi, sapagkat, kung, kapag, pag, kaya,
upang at para ay mga pangatnig na ginagamit sa hugnayang pangungusap.

Halimbawa:
Umiyak ang bata dahil nadapa siya.

Hindi malayong makaligtas ang Pilipinas sa Covid19 kung ang mga


mamamayan ay magkakaisa.

Makakapasa ako sa panayam bukas kung gagalingan ko ang pagsagot sa


mga tanong.
Kayarian ng Pangungusap
Langkapan
Ang pangungusap ay langkapan kung ito ay binubuo n ng isa o higit pang
sugnay na makapag-iisa o sugnay na hindi makapag-iisa.

Halimbawa:
Makapapasa si Alma at makatatamo ng diploma kung magsisipag siya sa pag-
aaral at magtitiis ng hirap.

Magluluto sana ako ng spaghetti at pansit kung bumili ka ng pangrekado at hindi


umalis ng bahay.

Mahal na mahal nila ang isat isa kaya hinding hindi sila maghihiwalay at di nila
pababayaan ang isat isa.
Pangungusap na Walang Paksa
Eksistensyal
Pangungusap na nagpapahayag ng pagkamayroon o pagkawala ng pinag-
uusapan.

Halimbawa: May mga turista ngayon sa Liliw.


Wala ng darating.

Temporal
Pangungusap na nagsasaad ng kalagayan o panahong panandalian lamang.
Madalas ay mga pang-abay na pamanahon ang mga ito.

Halimbawa: Gabi na.


Alas-dos na.
Maaga pa.
Pangungusap na Walang Paksa
Penomenal
Pangungusap na nagsasaad ng kalagayan ng panahon o ng kapaligiran.

Halimbawa: Umaambon.
Mainit.
Umuulan.

Panawag
Pangungusap na binubuo ng isang kataga/salita lamang at nagpapahiwatig
na nais kausapin ang kaniyang tinawag o kumukuha lamang atensyon.

Halimbawa: Hoy!
Ikaw!
Pangungusap na Walang Paksa
Sambitla
Isang salita na nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa: Aray!
Sunog!

Pormularyong Panlipunan
Pangungusap na ginagamit sa pakikipagkapwa para maipahayag nang
maayos ang mensahe. Maaari itong pagbati, pasasalamat, paggalang o iba pang
ekspresyong naging bahagi na sa kultura.

Halimbawa: Salamat po.


Tao po.
Mano po.
Pangungusap na Walang Paksa
Sagot Lamang
Pangungusap na sagot sa mga tanong na hindi na kailangan ng paksa.

Halimbawa: Oo.
Hindi.

Pautos/Pakiusap
Pangungusap na pautos.

Halimbawa: Pakihawak.
Kaganapan ng Pandiwa
Bahagi ng panaguri na nagpapahayag ng ganap na kahulugan sa pandiwa.
Kung ang pokus ng pandiwa ay ang relasyon nito sa paksa, ang kaganapan ng
pandiwa ay ang relasyon naman ng panaguri sa pandiwa.
Kaganapan ng Pandiwa
A. Kaganapang Tagaganap – bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na
isinasaad ng pandiwa.

Makikilala ito gamit ang mga pananda na ni at ng.

Halimbawa:

1. Ikinalungkot ng mga Filipino ang pagkatalo ni Manny Pacquaio sa


katunggaling si Antonio Margarito. (Ikinalungkot nino?)

2. Kinakain ni Liza ang tsamporadong gawa ni Nanay Huling. (Kinakain nino?)


Kaganapan ng Pandiwa
B. Kaganapang Layon - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy
o ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit din dito ang panandang ng.

Halimbawa:

1. Si Pedro ay bibili ng bagong laptop. (Bibili ng ano?)

2. Nagpamudmod sila ng salapi. (Nagpamudmod sila ng ano?)


Kaganapan ng Pandiwa
C. Kaganapang Tagatanggap – bahagi ng panaguri na nagpapahayag kung sino
ang makikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Ang mga panandang para sa
at para kay ay kalimitang ginagamit dito.

Halimbawa:

1. Nagbigay ng donasyon ang Pamilya Santos para sa mga sinalanta ng


bagyong Juan. (Para kanino ang donasyong ibinigay?)

2. Nagbuwis siya ng buhay para kay Lolo Jose.


Kaganapan ng Pandiwa
D. Kaganapang Ganapan - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar o pook na
pinaggaganapan ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.

Halimbawa:

1. Nanood ng palatuntunan sa silid-aklatan ang mga mag-aaral. (Saan nanood


ang mga mag-aaral?)

2. Nagsunog siya ng kilay sa kanyang kwarto.


Kaganapan ng Pandiwa
E. Kaganapang Kagamitan - bahagi ng panaguri na nagsasaad kung anong
bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa ang kilos na ipinahahayag
ng pandiwa.

Halimbawa:

1. Iginuhit niya ang larawan ni Mona Lisa sa pamamagitan ng krayola.

2. Pinatay niya ang ahas gamit ang karit.


Kaganapan ng Pandiwa
F. Kaganapang Direksyunal - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyong
isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.

Halimbawa:

1. Namasyal sila sa Luneta buong maghapon.

2. Pupunta kami sa Manila Zoo.


Kaganapan ng Pandiwa
G. Kaganapang Sanhi - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng
pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa:

1. Nagwagi siya sa eleksyon dahil sa kabutihan ng kanyang puso.

2. Nagtagumpay siya sa buhay dahil sa kanyang kasipagan.

You might also like