Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

PAKIKINI

G
LEKSYON 1:

KAHULUGAN AT
KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
LEKSYON 1:
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

Pakikinig. Ang pakikinig ay isang proseso ng pagbibigay-


kahulugan sa mensaheng natatanggap sa pamamagitan ng
paraang pasalita. May kaakibat itong pandinig, pag-unawa
at pagtugon. Maririnig mo ang mga salita, bibigyan mo ito
ng kahulugan at pagpapasyahan kung ano ang iyong
magiging katugunan.
LEKSYON 1:
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

Kahalagahan. Malaki ang papel na ginagampanan ng


pakikinig sa buhay ng tao. Ang kahit na anong gawa ay
hindi maaaring maisakatuparan nang maayos kung walang
pakikinig na nangyayari.
LEKSYON 1:
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

Kung may panahong makinig sa opinion o sinasabi ng


bawat miyembro ng pamilya, posibleng matiwasay ang
samahan ng bawat isa. Magulo naman ang isang tahanan
na walang panahong making sa pahayag o suhestyon ng
iba ang bawat miyembro ng pamilya.
LEKSYON 1:
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

Magulo ang samahan ng isang organisasyon kung walang


pakikinig na nangyayari. Maaaring maging dahilan ito ng
pagbagsak ng nasabing organisasyon. Kung lahat ay lider
na gustong magsalita at wala ni isa man lang na gustong
makinig, walang mangyayaring kaayusan.
LEKSYON 1:
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

Magulo ang samahan ng isang organisasyon kung walang


pakikinig na nangyayari. Maaaring maging dahilan ito ng
pagbagsak ng nasabing organisasyon. Kung lahat ay lider
na gustong magsalita at wala ni isa man lang na gustong
makinig, walang mangyayaring kaayusan.
LEKSYON 1I:

MGA HAKBANG SA PROSESO NG


PAKIKINIG
LEKSYON I1:
MGA HAKBANG SA PROSESO NG PAKIKINIG

May mga hakbang na dapat sundin ang tagapakinig


habang nakikipagkomunikasyon sa iba. Tignan ang Figyur
1 na hinango mula kina Barker at Barker.
LEKSYON I1:
MGA HAKBANG SA PROSESO NG PAKIKINIG

Figyur 1
LEKSYON I1:
MGA HAKBANG SA PROSESO NG PAKIKINIG

I. Level ng Pagbibigay-atensyon (attending level)


II. Level ng Persepsyon/Pag-aakala (perceiving level)
III. Pag-iinterpret (interpreting level)
IV. Pagtasa/Pag-evalweyt (assessing level)
V. Pagtugon (responding level)
I. LEVEL NG PAGBIBIGAY-ATENSYON
(ATTENDING LEVEL)
Ito ang hakbang na nakaapekto sa tagumpay ng iba pang mga hakbang.
Mahalaga rito ang pagkilala sa inihahatid na mga tunog o salita.
Binibigyang atensyon ng tagapakinig ang nagsasalita. Kung hindi
bibigyang-atensyon ng tagapakinig ang nagsasalita ay hindi susulong o
uunlad ang daloy ng komunikasyon. May mga pagkakataon din naming
kahit binibigyan ng atensyon ang pakikinig ay hindi naiiwasang
magkaroon ng sagabal o mga sagabal.
II. LEVEL NG PERSEPSYON/PAG-AAKALA
(PERCEIVING LEVEL)
Sa pangalawang hakbang na ito ay ginagamit ng tagapakinig ang isa o higit pang
mga pandama sa pagtanggap ng verbal at di-verbal na mga mensahe.
Ang pandinig ay isa lamang sa mga pandama na ginagamit sa proseso ng pakikinig,
ngunit inaakala nating ito lamang ang mahalaga. Bagamat makakukuha tayo ng mga
impormasyon gamit ang lahat ng pandama (pandinig, paningin, panlasa, pang-
amoy, panalat), higit na ginagamit ang pandinig at paningin. Masasabi na ang
persepsyon natin bilang tagapakinig ay naiimpluwensiyahan ng ating mga personal
interes, mga nakaraang karnaasan, kaalaman at level ng kasanayan.
III. PAG-IINTERPRET
(INTERPRETING LEVEL)
Matapos nabigyang atensyon at persepsyon ang mensahe, gagawan na ito
ng intepretasyon. Inuunawa na ng tagapakinig ang kahulugan ng mensahe.
May mga pagkakataong nasisira na ang komunikasyon sa level na uto.
Inaalam din dito kung ano nag nais ipahiwatig o iparating ng tagapagsalita
– manghimok, makiusap, makisaya, sumang-ayon, tumiyak, maghatid-
impormasyon, at iba pa. Mahalaga ring pagtuunan ng pansin ang mga di-
verbal na pahiwatig upang makakuha ng mga tiyak na kahulugang nais
iparating sa tagapagsalita.
IV. PAGTASA/PAG-EVALWEYT
(ASSESSING LEVEL)
Tinitiyak dito ng tagapakinig kung dapat paniwalaan ang tagapagsalita –
tatanggapin ba niya ang sinabi o hindi. Nakataya dito ang kredibilidad ng
tagapagsalita. Maaari ding ievalweyt ng tagapakinig ang mensahe – maaaring
bahagi ng mensahe o ang kabuuan.
Isinasaalang-alang din dito ng tagapakinig kung ano ang dapat na tandaang
mga impormasyon. Mula sa mga pangyayari, mga ideya, atbp., maaari siyang
makapaglarawan, makahinuha ng kalabasan, ng mga dahilan at epekto,
paglalahat at maging ng mga ilustrasyon sa pamamagitan ng mga halimbawa.
V. PAGTUGON
(RESPONDING LEVEL)
Hindi magiging kumpleto ang pakikinig kung walang tugon o reaksyon.
Sa level na ito, nagaganap ang pagtugon o reaksyon sa mensahe at/o
tagahatid ng mensahe. . Kritikal ang level na ito dahit dito naririnig ang
kasagutan o reaksyon na tinatawag na fidback o ganting mensahe.
LEKSYON I1:
MGA HAKBANG SA PROSESO NG PAKIKINIG
Hindi maaaring iwasan ng tagapakinig ang mga hakbang sa pakikinig.
Ang bawat hakbang ay hindi hiwalay sa bawat isa. Ipinakikita lamang sa
Figyur 1 ang proseso na pinagdadaanan ng epektibong tagapakinig sa
pagbibigay-pansin, pag-aakala, pagpapakahulugan o pagbibigay-
interpretasyon, pag-eevalweyt at pagrereak o pagtugon sa mensahe nang
naaayon o tama sa ibig iparating ng tagahatid.
KALIKASAN NG PAKIKINIG
ADLEN AT RODMAN (1997:113)

I. Hindi isang natural na proseso ang pakikinig. Ito ay isang


kakayahang maaaring mapaunlad sa pamamagitan ng pagtuturo at
pagsasanay
II. Ang pakikinig ay hindi pasibong gawain. Nangangailangan ito ng
pagsisikpa. Kinakailangan ng tagapakinig ang mental na pagsisikap
upang maging matagumpay ang pagtanggap ng mensahe.

You might also like