Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Sumasampalataya ako sa

Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat, na
may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako
kay Jesukristo iisang anak ng
Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao siya lalang
ng Espiritu Santo;;
ipinanganak ni Santang Mariang
Birhen. Ipinagpakasakit ni Poncio
Pilato; ipinako sa krus, namatay at
inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao. Nang may ikatlong araw
nabuhay na mag-uli. Umakyat sa
langit; naluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumula’t paririto at
huhukom sa nangabubuhay at
nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa
Diyos Espiritu Santo, sa Banal na
Simbahang Katolika; sa kasamahan
ng mga santo, sa kapatawaran ng
mga kasalanan; at sa pagkabuhay
na mag-uli ng nangamatay na tao, at
sa buhay na walang hanggan.
PLANO

Mahalga ba ang
magplano ?
Natupad ba ang mga plano
ninyo?
Napakahalaga ng plano sa buhay
natin, sapagkat magiging maayos
ang direksiyon ng ating mga nais
gawin kung meron tayong PLANO
sa mga ito.
Tanugin natin ang ating mga sarili,
nagtatanong ba tayo sa Diyos kung
ang mga planong ating gingawa ay
plano din ba niya sa atin? ( Moment of
Silence) Ano ba ang tunay na plano
ng Diyos para sa atin, ito ay ang ating
kabutihan at kaligtasan. Pakinggan
natin ang Kwento kung paano ba
tinupad ng Diyos ang planong
kaligtasan para sa ating lahat.
SALITA NG DIYOS
Exodo 19:3-8
“Kung susundin ninyo Ako
at hindi kayo sisira sa
pakikipagtipan ko sa inyo
kayo ang magiging bayan
kong hinirang.”
-Pinili na maging Bayan ng Diyos
–Israelita
-Hindi pinabayaan ng Diyos o
Yahweh ang kanyang Bayan.
-Mula pa sa pamumuno ni
Abraham –ang AMA ng
pananampalataya
Sa kwentong ito narinig natin
na nakipagtipan ang Diyos sa
Bayang Israel na kung sila ay
susunod at tutupad sa mga
ipag-uutos ni Yahweh, sila
ang magiging Bayan Niyang
hinirang at si Yahweh ang
kanilang magiging Diyos.
Nahirapan sumunod sila at isa
yun sa kanilang ginawa
sumamba sila sa diyos-diyusan,
kaya iaabot sila ng 40 taon bago
sila makapasok sa Lupang
pangako dahil sa katigasan ng
kanilang ulo at puso. Ngunit sa
kabila ng lahat sila ay BAYAN
pa rin ng Diyos na tinalaga.
Sa pagplalano ay kailangan ilapit
natin sa Diyos at huwag sarilinin ito
sapagkat batid ng Diyos ang totoong
makabubuti sa ating buhay dahil siya
ang pinagmulan nito.
Hilingin natin ang plano ng Diyos
para sa atin. Alam niya kung ano ang
makakbuti sa bawat isa , kaya di
natutupad siguro ang plano natin sa
sarili ay hindi para sa atin at hindi
iyun nakakabuti sa atin.
PAKSA :
SIMBAHAN
NAGMULA SA
PLANO NG AMA
Ang Salitang Iglesia ay
pagtitipon. Tinutukoy ang
pagsamasama ng mga
tinitipon ng salita ng Diyos
upang bumuo ng bayan ng
Diyos na pinakakain ng
katawan ni Kristo na nagiging
katawan na rin ni Kristo.
Ang Simbahan ay
tagapagpatuloy ng kanyang
gawaing pagliligtas para sa
lahat. Nagmula sa salitang
“Iglesia” (“Ekklesis na ang
ibig sabihin at tawagin,
Tipunin)
Ang Simbahan ay hindi lamang
tumutukoy sa isang gusali, bahay
dalanginan o lugar na pinagtitipunan
natin upang sambahin ang ating
Diyos. Ang Simabahan ay mga tao.
Ang Simbahan ay mula
sa planong
pangkaligtasan ng Ama,
mapantubos na misyon
ng Anak at
nagpapabanal na
gawain ng Espiritu.
Ang isa sa bunga ng
Sakramento ng Binyag ay
iugnay tayo sa iba bilang
kaanib ng katawan ni Kristo,
ang Simbahan.
Dahil sa Binyag, tayo’y nagiging
kaanib ng katawan ni Kristo- Ang
Simbahan, “ Sapagkat si Kristo’y
tulad ng isang katawan na may
maraming bahagi, bagamat
binubuo ng ibat-ibang bahagi, iisa
parin ang katawan.
Ang gawaing maging
tunay na alagad ni Kristo
sa salita at gawa ay
matutupad lamang sa
pamayanan.
Tugon ng pananampalataya:
Isaulo ang “ Ang Simbahan ay
tinatag mula sa plano ng Ama
para sa atin kaligtasan.”
Paano ka makikibahagi sa
misyon ng pagliligtas ng
Simbahan.
Aawitin : Ang Bayan Umawit.
BAYAN, UMAWIT
Koro: Bayan, umawit ng papuri
Sapagka't ngayon Ika'y pinili
Iisang bayan, iisang lipi
Iisang Diyos, iisang Hari
Bayan, umawit ng papuri
Bayan, umawit ng papuri
1. Mula sa ilang ay tinawag ng Diyos
Bayang lagalag, inangkin nang lubos
'Pagka't kailanma'y 'di pababayaan
Minamahal N'yang kawan

You might also like