Dula Sa Panahon Ng Mga Katutubo Bago nasakop ng mga Kastila ang ating bansa, ang buhay ng mga katutubong unang nanirahan dito’y umiinog sa mga ritwal, sayaw at awit. Ang mga ito’y nauukol sa halos lahat ng aspeto ng pang- araw- araw na kabuhayan: pag- ibig, kamatayan, pakikipagdigmaan, kasawian, pananagumpay, pagtatanim at pag- aani, pag- aasawa at ligawan, pagtutuli, binyag, pagkapanganak. Ang mga katutubo’y likas na mahligin sa mga awit, sayaw at tula na silang pinag- ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awiting- bayan ay mga anyong tula ngunit may damdamin na ipinahihiwatig ng tugtugin at indayog. Maaaring Uriin Ang Awiting Bayan Ayon Kay Epifanio Delos Santos Cristobal Sa Mga Sumusunod: 1. Soliranin awit sa paggaod 2. Talindaw awit sa pamamangka 3. Diona awit sa panliligaw at kasalan 4. Oyayi awit sa pagpapatulog ng 7. Sambotani bata awit sa 5. Dalit pananagumpay himno 8. Kundiman 6. Kumintang awit sa pag- ibig awit sa pakikidigma 9. Holohoo awit sa pagpapatigil ng 12. Ombayi At Sambitan iyak ng bata/ sanggol awit ng kaibigan at 10. Umbay kamag- anak malungkot na awit/ awit 13. Tagulaylay ng naulila awit kapag may 11. Umiguing namatay awit ng mananahi Gayundin ang katutubong sayaw na naglalarawan at nagsasalaysay ng iba’t ibang aspeto ng buhay tulad ng mga sumusunod ay isa sa mga pinag- ugatan ng mga tradisyonal na anyo ng dula sa Pilipinas. MGA URI NG KATUTUBONG SAYAW 1. Balitaw ng mga Bisaya, isinasayaw ng mga lalaki at babaeng magkaharap habang umaawit at nagliligawan 2. Tiklos sa Leyte, isinasayaw kapag naghahanda sa pagtatanim, paglilinis ng bukid at gubat 3. Pondang- pondang sa Antique, isinasayaw ng mga bagong kasal 4. Sayaw sa palay at Sayaw sa salakot naglalarawan ng mga lalaki at babaeng nagtatanim ng palay 5. Tinikling sayaw ng mga Bisaya, isinasayaw sa pagitan ng dalawang kawayan. ito’y panggagaya ng kilos ng ibong may mahabang binti. 6. Kinnotan ng mga Ilokano, ginagaya ang isang taong kinagat ng langgam at ang pagkakamot ng katawan 7. Diwata sayaw ng mga Subuanon, isang pag- aalay ng mga pagkain sa mga espiritu upang managumpay sa pakikidigma 8. Karatong sayaw ng mga Mëranaw bago makipagdigma, ang pagtawag sa espiritong hindi nakikita at naririnig ngunit nadarama lamang 9. Kaligaun ritwal na sayaw ng mga Higa- onon na taga- bukidnon, ginaganap upang bigyan ng maligaya at masaganang buhay ang mga bagong kasal 10. Binua- Bua sayaw ng mga Manobo sa Agusan, ang paghihingi ng anak ng mga magkabiyak na hindi magkasupling 11. Kadsagayan A Pakat sayaw ng pakikipagkaibigan ng mga Maguindanao sa Cotabato, isinasayaw kapag may kaibigan at panuhing dumating 12. Pangalay sayaw ng pag- ibig ng mga Tausug Sa panahong iyon karamihan ng mga ritwal na may kinalaman sa pananampalataya ay isnasadula. Ang mga awit, sayaw at mga ritwal ay kasasalaminan ng mga katangian o manipestasyon ng dula ngunit nanatiling ganoon lamang at hindi umuunlad bilang anyo ng dula. Ang mimesis, na siyang pinakakaluluwa ng drama ay makikita sa anyo ng ritwal ng mga katutubo. Ang mga ritwal ng baylan ay sinasaliwan ng mga awit, sayaw at ng bulong. Ang mga baylan ay itinuturing na pinakamakapangyarihan sa tribo. Bukod sa baylan mayroon ding tinatawag na katalonan, ito ay mga nagpapanggap na mangkukulam. Ang mga manganawa naman ay nagkukunwaring nakapagpapagaling ng sakit sa pamamagitan ng mga kung ano- anong gamot. Nariyan rin ang mangyisalat na nakapgbibigay ng kapangyarihan at kalutasan sa mga magsing- irog o mag- asawa. Ang mangcocolam, pinaniniwalaang nakakagawa ng sariling apoy sa katawan at ang may- ari ng bahay na babagsakan nito ay magkakasakit at mamamatay. Samantala ang hocloban, sa pamamagitan ng pagtuturo ay maaaring mammatay ang gusting patayin at kung may sakit naman ay maaaring pagalingin kung nanaisin. Ang silagan naman taong nakasuot ng puti at kanilang dinudukot atng atay at kinakain. Samanatla ang mananananggal, lumalakad ng walang ulo sa gabi at bumabalik ang kalahating katawan bago sumapit ang umaga. Ang aswang nakalilipad sa gabi, pumapatay ng tao at kinakain ang laman. Ang manggagayuma, sa pamamagitan ng bato, kahoy o dahoon ay napapaibig ang isang tao. Ayon kay Pedro Plasencia, ang baylan ay may mga tungkulin na ginagawa ng mga tinalakay. TRADISYONAL NA MGA ANYO NG DULA 1. BIKAL AT BALAK Noong ika- 17 dantaon, uso sa bisaya ang pagtatanghal nito. Ang bikal ay maaaring awitin ng dalawang babae o dalawang lalaki. Ang mga mang-awit ay magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang panig ng silid, habang nasa gitna ang mga manonood. Sa berso ng awit ay nagtatalo ang dalawa at hinahalungkat ang mga kasiraan o kapangitan ng bawat isa. Samantala ang balak naman ay ang pagsusuyuan ng isang dalaga’t binata sa pamamagitan ng awit na maindayog at matalinghaga. May mga pagkakataong gumagamit ang dalawa ng kudyapi. Sa pamamagitan ng tugtugin ng kudyapi ay naipararating ng bawat isa ang kani- kanilang niloloob at damdamin. 2. KARILYO Maraming mga mananaliksik ang nagsasabi na ang uri ng dulang ito’y dala rito sa ating bansa ng mga taong unang nanirahan dito. Ito’y dahil sa pagkakahawig ng karilyo sa Wayang Orang at Wayang Purwa ng Java. Ang dula ay ginagampanan ng mga ginugupit na karton. Ang nagpapagalaw ng mga animo ay ang mga mandudula sa likod ng puting tabing (kalasa’y kumot). Sila na rin ang bumibigkas sa mga diyalogo ng mga ginupit na karton. Ang dulang ito’y laganap sa buong bansa, maging noong panahon ng kastila. May iba’t ibang katawagan sila rito; titires sa Ilokos; gagalo sa Pampanga; titiri sa bataan at Zambales; aliala sa La union. 3. BAYOK O EMBAYOKA Ito’y pagtatalong Marënaw na nilalahukan ng isang lalaki at isang babae na binabayaran ng salapi o kasangkapan pagkatapos ng palabras. Ang mga kasali rito ay dapat na mahusay sa berso sapagkat ang kaunting pagkakamali sa pagkakagamit o pagpili ng salita ay maaaring humantong sa mainitang sagutan. Sa ganitong pagkakataon, ito ay maaaring maging dahilan ng pag- aaway ng mga pami- pamilya. 3. KASAYATAN Ito’y sinasalihan ng mga dalaga’t binata at nahahati sa dalawang pangkat. Magkahiwalay ang mga babae’t lalaki sa magkabilang dulo ng tanghalan. Magsisimula ang sayaw pagkatapos ng talumpati ng Sultan ng lugar o dili kaya’y ng may- ari ng bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang. Magkahiwalay ang mga babae’t lalaki sa magkabilang dulo ng tanghalan. Magsisimula ang sayaw pagkatapos ng talumpati ng Sultan ng lugar o dili kaya’y ng may- ari ng bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang. Ang maybahay ay hihingi ng pahintulot na pasimulan na ang sayaw. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng patula. Pagkatapos sumagot ng mga panauhin, ay sisimulan niya ang pakikipag- usap sa mga binata habang sumasayaw sa paligid ng mga iyon. Ipapatong niya sa balikat ng isang binata ang isang anyo. Pagkatapos ay tutungo naman siya sa grupo ng mga babae at ipapatong ang isa pang panyo sa isa sa kanila. Ang sayaw ay sinasaliwan ng mga instrumenting kutyapi, kulintang, agong at kubing. 4. DALLOT Sa mga ilokano, ito’y awit ng pag-ibig. Ang lalaki ay tutula na nagpapahayag ng pag- ibig at ito’y sasagutin ng babae ng patula. Pagkatapos ay aawitin nila ang tula sa saliw ng kutibeng, gitara ng mga ilokano. Itinatanghal kapag may binyag, kasalan o handaan. Ang pagbabayo ng palay ay mahalagang bahagi habang itinatakda ang kasal. Ito ay sinasaliwan ng awit na pamulinawen habang ang mga tao’y nagsasayawan. PAMANHIKAN DUNG- AW HUGAS- KALAWANG DALLING- DALLING DULA SA PANAHON NG MGA KASTILA
Ayon kay Dr. Nicanor Tiongson, ang mga
dulang sekular ay idinaraos bilang bahagi ng pagdiriwang sa pistang bayan, samantalang ang mga dulang panrelihiyon ay napapanood bilang makulay na paglalarawan ng mahalagang kapistahan at panahon ng liturhiya ng simbahang Katoliko. Ayon pa rin kay Tiongson ang mga dulang panrelihiyon ay maaaring hatiin ayon sa haba nito. Ang mga maiikling pagsasadula tulad ng salubong a panunuluyan; mga mahabang dula tulad ng senakulo na nagsisimula sa linggo ng palaspas hanggang lingo ng pagkabuhay gayon din ang tibag. Palasak din ang mga dula- tula tulad ng duplo at karagatan na dati nang ginagawa dito sa ating bansa bago pa man dumating ang mga Kastila. Sa bandang huli pumasok ang sa ating bansa ang mga sarswela na pawang nakasulat sa wikang Kastila. MORO- MORO Isang dulang maka- relihiyon na kinagigiliwan ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila. Ang mga pangunahing tauhan ng dula ay mga Kristiyano at mga Muslim. Nagsimula ang uri ng dulang ito noong kasalukuyan kainitan ang labanan ng mga Kastila at Muslim sa Mindanao. Noong Pebrero, 1637, matagumpay na napabagsak ang tropa ng mga muslim sa Kotabato. Ito’y sa pamumuno ni Gobernador Heneral Sebastian H. Corcuera. Ang pangyayaring ito ay naging inspirasyon ng mga batang naglalaro sa dalampasigan ng Kabite(Cavite). Sa anyong dula ginagaya ng mga bata ang labanang Muslim at Kristiyano, na kilala sa tawag na Moro. Sa dula, ang mga Moro ay matatapang at magugulo , Samantala, ang mga Kristiyano ay mababait at tahimik. * Cachil Corrolat Noong una, ang mga komedya ay naglalarawan ng mga tradisyon at kabuhayan ng mga Pilipino. Nang tumagal naging maka- relihiyon na ito, nagsasalaysay ng mga tunggalian ng mga Muslim at Kristiyano. Ang sentro ng paksa ay madulang pakikipagsaplaran. Ang banghay ay umiinog sa lalaking Muslim na iibig at sasagutin ng babaeng Kristiyano. KARILYO (CARILLO) Puppet show (anino ng mga tau-tauhang gawa sa karton na nasa likod ng puting tabing na iniilawan ng gasera/lamp sa likuran nito) SANGGUNIAN
CASSANOVA, ARTHUR P. KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG DULAANG PILIPINO,