Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

MGA AKDANG

PAMPANITIKAN
LUMAGANAP BAGO
DUMATING ANG MGA
ESPANYOL
PAMANTAYAN SA
PAGKAKATUTO:
Naiuugnay ang mga mahahalagang
kaisipang nakapaloob sa mga
karunungan-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan
Sinaunang Panitikang
Pilipino…
Yamang pamana ng ating
ninuno
Pahalagahan at ingatan sa
ating ma puso.
MGA AKDANG LUMAGANAP BAGO
DUMATING ANG MGA ESPANYOL

• Sinasabing ang mga sinaunang Pilipino ay


may sarili nang panitikang nagtataglay ng
kasaysayan ng lahi bago pa man dumating
ang mga Espanyol at iba pang mga dayuhan
sa bansa.
MGA AKDANG LUMAGANAP BAGO
DUMATING ANG MGA ESPANYOL

• Karamihan sa mga panitikan ay pasalin-dila


• Mababakas dito ang kultura, tradisyon,
paniniwala at maging ang mga panlipunan
at panlahing kaugalian ng ating mga ninuno
MGA AKDANG LUMAGANAP BAGO
DUMATING ANG MGA ESPANYOL

• Karunungan-Bayan (Salawikain, Sawikain


o Idyoma, Kasabihan at Bugtong)
• Kuwentong-Bayan
KARUNUNGAN-BAYAN
• Tinatawag ding kaalamang-bayan
• Ginagamit ito bilang pampatalas ng mga
isipan at panlibang
• Karaniwan ito ay hango sa mga
mahahabang tula
SALAWIKAIN
• Ito ay ang mga nakaugalian nang sabihin at
sundin bilang tuntunin ng kagandahang-asal
ng ating mga ninuno na naglalayong
mangaral at akayin ang kabataan tungo sa
kabutihang-asal
SALAWIKAIN
• Ito ay ang karaniwang batay sa katutubong
kalinangan, karunungan at pilosopiya mula
sa buhay sa Pilipinas
SALAWIKAIN
“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Di makakarating sa paroroonan”

“Kung ano ang itinanim, ay siya ring


aanihin”

“Pag maikli ang kumot, marunong


SAWIKAIN O IDYOMA
• Ito ay ang mga salitang o pahayag na
nagtataglay ng talinghaga. Karaniwang
hindi tiyak ang kahulugang ibinibigay nito
sapagkat may tagong kahulugan ito
patungkol sa iba’t-ibang bagay
SAWIKAIN O IDYOMA
Butas ang Bulsa – walang pera
Ilaw ng Tahanan – Nanay o Ina
Nagbibilang ng Poste – walang trabaho
Ibaon sa hukay – kalimutan
Taingang-kawali – Nagbibingi-bingihan
Ginintuang Puso – Mabuting kalooban
KASABIHAN
• Ito ay mga tugmang sinasambit ng mga bata at
matatanda
• Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna
sa kilos ng isang tao
• Katumbas ito ng Mother Goose Rhymes sa
wikang Ingles
KASABIHAN
KASABIHAN
KASABIHAN
BUGTONG
• Ito ay mga palaisipan o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan
• Ginagamit ito upang mahasa ang mga isip ng tao
• Sinasalamin dito ang pag-uugali, pang-araw-araw
na pamumuhay at katutubong kapaligiran ng mga
Pilipino
BUGTONG
“Yumuko man ang reyna, di
nalalaglag ang Korona”

Sagot: Bayabas
BUGTONG
“Palda ni Santa Maria, ang kulay
ay iba-iba”

Sagot: Bahaghari
BUGTONG
“Bibingka ng Hari, hindi mo
mahati”

Sagot: Tubig
BUGTONG
“Sa araw ay bungbong, sa gabi ay
dahon”

Sagot: Banig
BUGTONG
“Sa maling kalabit, may buhay na
kapalit”

Sagot: Baril
KUWENTONG-BAYAN
• Ito ay isang tuluyang kuwentong nagsasalaysay
ng mga tradisyong Pilipino
• Karaniwang ito ay hindi totoo o piksyon
• Ito ay karaniwang pumapaksa sa kanilang mga
diyos at mga espiritu na siyang nagtatakda ng
kapalaran ng tao
KUWENTONG-BAYAN
• Naglalarawan ito ng mga kaugalian,
pananampalataya, at mga suliraning panlipunan
ng panahong iyon
• Halimbawa:
Kuwento ni Maria Makiling at si Malakas at si
Maganda
Sa iyong palagay, bakit mahalagang
pag-aralan ang iba’t-ibang panitikan
ng ating lahi?

Paano mo mapapanatili at
mapaunlad ang mga panitikang
minana pa sa ating ninuno sa
kasalukuyang panahon?

You might also like