Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

SANAYSAY

SANAYSAY
Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles
ay isang komposisyon na kadalasan ay
naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng
may akda. Sa ganitong paraan,
naipapahayag ng may akda ang kanyang
damdamin sa mga mambabasa. Isa rin
itong uri ng pakikipag-komunikasyon na
ang layunin ay maipabatid ang iyong
saloobin sa isang makabuluhan at
PORMAL O MAANYO
Ang sanaysay na palana na tinatawag din na impersonal ay
naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa ng 
makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa
ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Tinuturing din itong
maanyo sapagkat pinag-aaralan ng maingat ang piniling pananalita
 kaya mabigat basahin. Pampanitikan din ito dahil makahulugan,
matalinhaga, at matayutay ang mga pangungusap. Mapitagan ang
tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o
di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso,
pang-intelektuwal, at walang halong pagbibiro.
Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editoryal ng isang 
pahayagan. Isa itong sanaysay na may opinyon tungkol sa mga
maiinit na mga balita. Bagama't may opinyon, ito ay hindi
ginagamitan ng unang panauhan sa paglalahad.
DI PORMAL O MALAYA
Ang sanaysay na di-palana na tinatawag din na personal o
palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan,
pang- araw-araw at personal. Idinidiin dito ang mga
bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa
nababakas ang personalidad ng may-akda ay maaring
makiramay o maging sangkot ang mambabasa sa kanyang
pananalita at parang nakikipag-usap lamang ang may-akda
sa isang kaibigan, kaya magaan at madaling maintindihan.
Personal din ang tawag sa uring ito dahil palakaibigan ang
tono nito dahil ang pangunahing gamit ay unang panauhan.
Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at
paniniwala ng may-akda ang pananaw.
URI NG SANAYSAY BATAY SA
NILALAMAN
Paglalahad
Paglalarawan
Pangangatwiran
Panghihikayat
SIMULA/PANIMULA
Ang bahaging ito ang
pinakamahalaga dahil dito
nakasalalay kung ipagpapatuloy ng
mambabasa ang kanyang binabasa.
Sa simula pa lamang ay dapat
mapukaw na ng may-akda ang
damdamin ng mga mambabasa.
GITNA/KATAWAN
Dito naman mababasa ang
mahahalagang puntos tungkol sa
paksang isinulat ng may-akda.
Malaman ang bahaging ito dahil
ipinapaliwanag nang mabuti dito
ang paksang tinatalakay o pinag-
uusapan.
WAKAS/KATAPUSAN
Ito ang bahaging nagsasara sa
talakayang nagaganap sa gitna o
katawan ng sanaysay. Dito rin
nahahamon ang pag-iisip ng
mambabasa na maisakatuparan
ang mga tinalakay sa paksang
pinag-usapan.
MUNGKAHING PANIMULA
Panretorikang Tanong (Rhetorical Question)
Siniping Sabi (Quoted Remark)
Isang Kasabihan, Salawikain o Talinghaga (
Maxim, Proverb, or Aphorism)
Suliraning dapat na pagtalunan sa artikulo o
pangyayaring dapat na patunayan
Pasalaysay na Panimula (Narrative
Opening)
MUNGKAHING WAKAS
Katanungang nabuo sa kaisipan ng
mambabasa
Mungkahing ukol sa kahihinatnan
Pag-uulit sa panimula
Pag-uulit ng mga Salita sa Pamagat
Isang Angkop na Sinipi

You might also like