Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

DATAMEX COLLEGE OF SAINT ADELINE, INC.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA
{
WIKA AT KULTURANG PILIPINO
 
Ano ang tinatawag niyo sa wikang ginagamit ninyo, Tagalog?
Pilipino? o Filipino? May pinagkaiba ba ang mga ito?

PANGLIMANG
LINGGO
Lord I Offer My Life
WIKANG TAGALOG
Tagalog ang wika sa Bulacan, Batangas, Rizal,
Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque,
ilang parte ng Nueva Ecija, Puerto Prinsesa at pati
Metro Manila. Ito kung gayon, ay isang wikang
natural, may sariling mga katutubong tagapagsalita.
WIKANG PILIPINO

Samantala, ang Wikang Pilipino ay ang Filipino


National Language noong 1943 na batay sa Tagalog
mula noong 1959, nang ipasa ang Department Order
No. 7 ng noo’y Sec. Jose Romero, ng Department of
Education.
Ito ring pangalawang ito ang itinawag sa
wikang opisyal, wikang pampagtuturo at asinatura
sa Wikang Pambansa mula 1959. Nahinto lamang
ito nang pagtibayin ang Filipino bilang wikang
pambansa.
Filipino naman ang itinawag sa wikang
pambansa sa konstitusyon ng 1987 (maging
noong 1973 pero Pilipino pa rin noon ang wikang
opisyal).
WIKANG FILIPINO

Mula ito sa binagong konsepto ng wikang


pambansa na batay sa lahat ng wika sa Pilipinas,
kasama ang Ingles at Kastila. Ang pinakaubod ng
konseptong ito ay ang pagiging pambansang
lingua franca nito.
Sa pagkokomunika ng bawat Pilipino sa isa’t isa
lalo na sa mga siyudad, gumagamit siya ng wikang
alam din ng kanyang kapwa Pilipino kahit pa meron
silang katutubong wika gaya ng Cebuano, Ilokano,
Pampango, Tausug, Kalinga at iba pa. Ang wikang
ito ay nagsisilbing pangalawang wika at lingua
franca sa bansa.
Panuto:
Dugtungan ang sumusunod ana pahayag upang makabuo ng
isang diwa. Sikaping gamitin ang alinman sa salitang “Tagalog,
Pilipino, at Filipino” sa pahayag na idurugtong.

Halimbawa: Talagang masarap ang kuwentuhan.. kung nasa wikang


Filipino ang usapan.
1. Mas uunlad pa ang Pilipinas……..
2. Pinoy ako……..
3. Kung may kaharap akong genie ngayon, hihilingin kong………
4. Sa aming bayan ……….
5. Iboboto ko ang kandidato sa eleksyon kung………

You might also like