Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Panimulang

Panalangin
Kung bibigyan ka ng pagkakataong
maisulat ang sarili mong buhay, kanino mo
ito unang ipababasa?
MGA
BATAYANG
KAALAMAN SA
PAGSULAT
Pamantayan sa Pagganap

Nauunawaan ang kalikasan,


layunin, at paraan ng pagsulat ng
iba’t ibang anyo ng sulating
ginagamit sa pag-aaral sa iba’t
ibang larangan
Pamantayang Pangnilalaman
•- Nabibigyang-kahulugan ang
akademikong pagsulat
•- Nabibigyang-halaga ang mga
layunin ng pagsulat
•- Naiisa-isa ang mga katangian at
halimbawa ng anim na uri ng
pagsulat
Kapag tumigil sa pagsulat ang
isang tao, tumigil na rin siya
sa pag-iisip.
KAHULUGAN AT
KALIKASAN NG
PAGSULAT
Sa isang pangungusap, ano
ang kahulugan ng pagsulat
sa iyong sariling palagay?
Ang pagsulat ay isang anyo ng
komunikasyon na nagpapahintulot sa isang
taong mailahad ang kanyang mga damdamin
at ideya, upang ayusin ang kanyang
kaalaman at paniniwala sa mga
nakakumbinsing mga argumento o paksa, at
upang maiparating ang kahulugan sa
pamamagitan ng mahusay na binuong teksto.
Ayon kay Bernales (2017), ang pagsulat ay
pagsasalin ng mga nabuong salita, simbolo,
at ilustrasyon ng isang tao sa layuning
maipahayag ang kanyang kaisipan.
Pisikal ..... Mental
Ayon kina Xing at Jin (1989, sa
Bernales, et. Al., 2006), ang pagsulat
ay isang komprehensibong kakayahang
naglalaman ng wastong gamit,
talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,
retorika, at iba pang elemento.
Sinabi naman ni Badayos (2000) na
ang kakayahan sa pagsulat nang
mabisa ay isang bagay na totoong
mailap para sa nakararami.

Subalit napag-aaralan ang wasto at


epektibong mga paraan at proseso sa
pagsulat.
Ang pagsulat ay isang biyaya,
isang pangangailangan, at isang
kaligayahan.

- Keller (1985, sa Bernales, et al., 2006)


Sa isang salita, ano ang
kahulugan ng pagsulat?
MGA LAYUNIN SA
PAGSULAT
Bakit tayo nagsusulat?

https://www.menti.com/
Personal ..... Sosyal
Ang layunin sa pagsulat ay inuri nina
Bernales, et. al. (2001) sa tatlo:
• impomatibong pagsulat
• mapanghikayat na pagsulat
• malikhaing pagsulat
IMPORMATIBONG
PAGSULAT
Kilala rin ito sa tawag na expository
writing. Layunin nitong makapagbigay
ng impormasyon at mga paliwanag.
Ang pokus nito ay mismong ang
paksang tinatalakay sa teksto.
Ang mga halimbawa nito ay ang
pagsulat ng report ng obserbasyon,
mga estadistikang makikita sa mga
libro at encylopedia, balita, at teknikal
o business report.
MAPANGHIKAYAT
NA PAGSULAT
Kilala naman ito sa tawag na persuasive
writing na naglalayong mangumbinsi ng
mga mambabasa tungkol sa isang
katwiran, opinyon, o paniniwala. Ang
pokus nito ay ang mambabasa na nais
maimpluwensyahan ng isang
manunulat.
Ang mga halimbawa nito ay ang mga
panukala at konseptong papel,
editoryal, sanaysay, at talumpati.
MALIKHAING
PAGSULAT
Kilala sa tawag na creative writing na
produkto ng mga manunulat ng mga
akdang pampanitikan gaya ng maikling
katha, nobela, tula, dula, at iba pang
masining at malikhaing akda. Ang
pangunahing layunin ng manunulat ay
makapagpahayag ng kathang-isip,
imahinasyon, ideya, damdamin, o
kombinasyon ng mga ito.

You might also like