Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 41

Magandang

Araw!
Unang Markahan

Filipino 9

GURO: Sir Romnick V. Dianzon


1. Be respectful. ( Use polite words: po , opo,
please, kindly, Good morning ,…)

PROPER 2. Be aware of strong language, all caps, and


exclamation points.

NETIQUET 3.Review what you wrote and try to interpret it


objectively

TE- Good 4. Don’t post or share (even privately) inappropriate


material.

online 5. Respect others’ privacy

netiquette 6. Follow the rules


PANITIKANG ASYANO

1. MAIKLING KUWENTO
2. NOBELA
3. TULA
4. SANAYSAY
5. DULA
PANITIKAN
Ayon kina Rufino Alejandro at Julian Pineda ang
panitikan ay “ bungang isip na isinatitik”. Ito rin
ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na
tumutulong sa wastong ikauunawa ng noon,
ngayon at bukas ng isang bansa. Ito rin ay
pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan
ng sangkatauhan na nasusulat sa masinining at
makahulugang mga pahayag.
PANITIKAN

❑ Isinaad ni W.J Long na ang


panitikan ay nasusulat ng mga
tala ng “pinakamabuting
kaisipan at damdamin ng tao.”
PANITIKAN
Batay naman sa Webster Dictionary ito
ay ang anumang anyo nasusulat sa
anyo mang patula/tuluyan sa isang
partikular na panahon.
 Sa Panitikang Pilipino nina Gonzales, Martin at Rubin ang panitikan ay isang
paraan ng pagpapahyag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang
ipinaparanas sa mambabasa ang kaisipan at damdamin ng manunulat.

 Inihayag din ni Ramos na panitikan ding matatawag ang lahat ng uri ng mga tala
na kinasasalaminan ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao sa lipunang
kaniyang ginagalawan. Isang lakas itong maaaring maging mahalagang bahagi
ang pagpapaunlad ng lipunan at kalinangan.

 Para naman kay Bro. Azarias ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng


tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa
lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Poong Lumikha.
KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
 1. Upang ang magagandang kaugalian, kultura’t tradisyon
na ikinaiiba natin sa ibang lahi at mas makilala ang ating
sarili bilang pilipino.
2. Upang malaman at maipagmalaki na tayo ay may mga
mahuhusay na manunulat na hindi papahuli sa mga
manunulat ng ibang bansa o lahi.
3. Upang mabatid ang sariling kahusayan sa panitikan
gayundin ang ating mga kapintasan at kahinaan upang
maging daan ng pagpapabuti ng mga tao.
ASYA

Asya – pinakamalaking at pinakamataas na


populasyon na kontinente ng daigdig
Ang panitikan ng Asya ay
ang panitikan na nalikha mula
sa Asya.
Panuto:Sumulat sa isang buong papel ng pagpapakilala sa sarili.Sundin ang
gabay upang makagawa ng isang sanaysay

Gabay na nilalaman sa gagawing paglalahad na pasulat.


 

A.Lilikha ng sariling pamagat sa pagpapakilala


B.Pangalan at Kasarian
C.Panlabas na kaanyuan/Katangian (paglalarawan)
D.Panloob na Kaanyuan/Katangian (paglalarawan)
E.Pagpapakilala sa bawat miyembro ng Pamilya
F.Adhikain sa buhay
G.Katayuan sa pamumuhay
H..Karanasan sa hinaharap nating Pandemya
I.Pansariling Hakbang upang malabanan ang mga pagsubok sa
buhay
J. Binubuo ng 300 salita
Batayan ng Pagmamarka sa paglikha ng
 

sanaysay.
Nilalaman (45%) 
Kaugnayan sa Tema (30%) 
Paggamit ng Salita (25%) 
Kabuuan (100%)
PAGSASANAY 1
Panuto : Basahin ang mga pantulong na kahulugan at ayusin ang mga ginulong titik upang mabuo
ang isang salita. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1. Ito ay nagpapakita ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

A A N G Y H B- _______________________________________.

2. Ang mga halimbawa ng elementong ito ay ang paaralan, simbahan, parke, bahay at marami
pang iba.

G U A P N T A- _________________________________________.

3. Ang mga nagbibigay-buhay sa maikling kuwento ay maaaring mabait na gusto ng lahat at ‘di
mabait na kinaiinisan ng mambabasa.

A A U T H N- _____________________________________.
4. May problemang mababasa sa maikling kuwento at
kadalasan ito ay tungkol sa tao laban sa kaniyang kapuwa tao.

T N G N I A U G L A-
_______________________________________.

5. Banghay ng maikling kuwento na nagbibigay hudyat na


nabigyang kalutasan na ang mga suliranin.

A A W S K- _________________________________.
Denotatibong at
Konotatibong
kahulugan.
Nabibigyang kahulugan mo ang malalim na salitang
ginamit sa akda batay sa
denotatibo o konotatibong kahulugan.
Rosas
Pansinin
ang mga Ahas

salita Ginto

Papel

Ibigay ang kahulugan mo dito.


Ito ay nagtataglay o
KAHULUGANG nagpapahiwatig ng neutral o
DENOTATIBO obhetibong kahulugan ng mga
termino.
 Ito ay tawag sa kahulugang
hinango sa diksyunaryo na
ginagamit sa pinakasimpleng
pahayag.
 Tumutukoy isa sa ekstrang kahulugang
taglay ng isang salita depende sa
intensyon o motibo ng taong gumagamit
nito.
 Pagpapakahulugan sa mga salita, parilala
KAHULUGANG o pangungusap na hindi tuwiran.
 Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang
KONOTATIBO kahulugan na ibinibigay sa salita depende
sa intensiyon (agenda).
 Maaaring magtaglay ng pahiwatig na
emosyon na umaangkop sa gamit ng isang
pahayag at pag-iba-iba ayon sa saloobin,
karanasan at sitwasyon ng isang tao.
MGA HALIMBAWA
Salita Denotatibo Konotatibo
Ahas Isang uri ng hayop na walang Taong binigyan mo ng tiwala
paa at gumagapang ngunit ika’y trinaydor/taksil
APOY Isang elementong mainit at Naglalarawan sa matinding
ginagamit upang mag luto o sa damdamin tungo sa isang tao,
industriya bagay, o pangyayari.
HALIGI Ito ang tinatawag nag sisilbing Naglalarawan ito sa mga Ama
pundasyon ng mga bahay at ng tahanan
gusali
Larawan Ito ay isang litrato na kinuha o Tumutukoy sa katangian ng
ginuhit ng isang tao isang tao.
Leon Isang hayop na makikita sa Ito ay naglalarawan sa taong
kagubatan, malakas at malaki. matapang at walang
inuurungan.
MGA HALIMBAWA
Salita Denotatibo Konotatibo
Putik Mga mahihirap at
Lupang ginagamit upang naghihikahos sa buhay. Sila
taniman ng mga halaman rin ay tinawatawag na
hampas lupa
Bato Naglalarawan sa mga taong may
Isang natural na bagay na matitigas na damdamin
makikita kahit saan.
Mahangin Ito ay sitwasyon kung saan Tawag sa taong mayabang at
malakas ang ihip ng hangin malaki ang ulo.
Makitid Ito ang tawag sa taong hindi
bukas ang pag-iisip. Sila rin ang
Naglalarwan sa isang masikip na
mga taong madaling mang
daanan o espasyo
husga.
Ang aking inay sa umaga
Nanay : Niko !
Gising na! Aba ! Hindi kita pinalaki sa gintong kutsara para tanghaliin ang gising. Bumangon ka
na at tulungan mo ang iyong ama sa bukid. Hayun at kayod-kalabaw na naman.
Niko: Si nanay naman mabilis pa sa alas-kwarto. Ang aga-aga pa po. Sige po at ako’y mag-aasikaso na.
Nanay: Anak, ang gusto ko lang naman ay huwag kang lumaking basang-sisiw at mamulat sa buhay-
alamang. Kailangan nating magbanat ng buto para umusbong ang ating buhay.
Niko: Opo, inay. Hayaan mo Inay babawi ako sa aking pag-aaral at magsusunog ng kilay para maabot
ko ang aking mga pangarap. Iaangat ko ang ating buhay mula sa putik .
Nanay: Tama yan, anak. Ang kasipagan at edukasyon ang susi sa sa iyong pagtatagumpay. Iyan lamang
ang aming tanging maipamamana sa iyo hanggang kami ay lumisan.
Niko: Opo, inay. Maraming salamat po sa inyong mga gintong- bilin.
Nanay: Oh sya! Halika na at baka nagugutom na ang iyong ama.
Gawain 1. Pansinin ang mga nakaitim na mga salita
mula sa isang dayalogo. Ibigay ang denotatibo at
konotatibong kahulugan ng mga ito.

Salita Denotatibo Konotatibo


 Ang denotasyon ay ang literal o konseptwal na
kahulugan ng isang salita. Ito ay ang kahulugang
nag-uugnay sa salita sa isang bagay, tao, lugar, o
pangyayari. Ang kahulugan ng isang salita ay kung
ano ang makikita/matatagpuan sa diksyunaryo. Ang
konotasyon naman ay ang mas malalim na
kahulugan ng isang salita. Bukod sa literal na
kahulugan ng salita, mayroon pa itong mga
nakatagong kahulugan na maaaring maiugnay sa
buhay na kadalasang hindi direktang sinasabi ng
may-akda. Ang isang salita ay may simbolo o
ipinahihiwatig sa kabuuan ng isang akda
Tandaan mo lamang na sa konotasyon,
maaaring magtaglay ng mga pahiwatig o
emosyonal na kahulugan ang isang salita. Ang
salitang bahay ay maaaring magtaglay ng
ibang konotasyong kahulugan sa ibang akda,
ayon sa intensyon o layunin ng may-akda. Sa
pagpapakahulugang ito, nagbabago ang
kahulugan ng salita ayon sa konteksto ng
pagkakagamit nito. Madalas, itinatago ng
may-akda ang kahulugan ng isang salita sa
kanyang akda. Dahil dito, nahihikayat ang
mambabasa na mag-isip at tuklasin ang
kahulugan ng salita sa isang akda.
Panuto: Piliin at isulat sa loob ng tsart ang pares
ng mga salitang nagtataglay ng denotatibo at
konotatibong kahulugan

haligi ng tahanan mayabang

hayop na makamandag nagsusunog ng kilay

nagbabadya ng kamalasan ama

taksil/traydor pusa na may balahibong itim

nag-aaral nang mabuti malakas ang ihip ng hangin

You might also like