Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Ang aktuwal at buong

pamagat ng koridong
ito ay “Pinagdaanang
búhay ni Florante at ni
Laura sa kahariáng
Albanya: Kinuhà sa
madláng cuadro
histórico o pinturang
nagsasabi sa mg̃á
nangyari nang unang
panahón sa imperyo ng̃
Gresya, at tinulâ ng̃
isáng matuwaín sa
bersong Tagálog.“
Sa isang madilim na kagubatan ay nakatali sa isang puno
ng Higera ang isang taga-kaharian ng Albanya na ang ngalan
ay Florante. Siya’y namimighati sa pagkawala ng kaniyang
amang si Duke Briseo. Halos mabaliw siya sa kakaisip sa
kanyang minamahal na si Laura na baka mapasakamay ng
anak ni Konde Sileno na si Konde Adolfo.

Isang moro na naglalakbay noon sa kagubatan ang


nakarinig sa pagtangis ni Florante. Ang pangalan ng moro ay
Aladin at ito’y tila naantig ng mga pananalita ni Florante.
Dalawang liyon ang umatake noon kay Florante ngunit
iniligtas siya ni Aladin. Nawalan ng malay tao ni Florante
kaya ipinasya ni Aladin na alagaan muna ang binata
hanggang sa magbalik ang kanyang lakas.

Nang gumaling si Florante ay nagulat ito sapagkat hindi


niya lubos akalain na isang kalaban ng mga Kristyano ang
nagligtas sa kanya sa kamatayan. Silang dalawa ay nag-
usap at sinimulan na ring isalaysay ni Florante ang tungkol
sa kanyang buhay.
Si Florante umano ay anak ng isang prinsesa at ng isang
tagapag-payong maharlika. Lumaking masiyahin at puno ng
pagmamahal at kalinga ang binata. Mahilig siyang maglaro
at noong siyang anim na taong gulang ay muntik na siyang
mapatay ng isang buwitre na nagtangkang dumagit sa
batong hiyas na nasa dibdib ni Florante. Mabuti na lamang
at nasagip siya ng pinsang si Menalipo na taga-Epiro na
mahusay gumamit ng pana.
Nang siya’y labing isang taong gulang na ay ipinadala si
Florante ng kanyang mga magulang na sina Duke Briseo at
Prinsesa Floresca sa Atenas, Gresya upang mag-aral sa
ilalim ng kilalang guro na si Antenor.

Sa Atenas niya nakilala si Adolfo na kababayan niya at


pinakamatalinong mag-aaral sa paaralan nang mga
panahong iyon. Ngunit makalipas lamang ang anim na taon
ay nalampasan na ni Florante ang mga kakayahan,
kagalingan at katalinuhan ni Adolfo. Naging kilala si
Florante at hindi ito ikinatuwa ni Adolfo.
Tinangkang patayin ni Adolfo si Florante habang ito’y
gumaganap sa isang dulaan sa kanilang paaralan. Mabuti
na lamang at mabilis na namagitan ang kaibigan ni Florante
na si Menandro kaya nakaligtas ito sa tangkang pagpatay
sa kanya ni Adolfo.
Sa Albanya ay isang kinatawan ng kaharian ng Krotona
ang humiling ng pagtulong mula kay Florante hinggil sa
nalalapit na digmaan laban sa mga Persa (Persian). Hindi
nakatanggi si Florante sapagkat lolo niya ang hari ng
Krotona.

Samantala, naimbitahan naman si Florante sa palasyo


ng hari kung saan siya’y nabighani kay Laura na anak ni
Haring Linseo, ang hari ng Albanya
Nang paunlakan ni Florante ang hinihinging tulong ng
Krotona ay nakipagdigma ito laban sa heneral ng Persiya na
si Osmalik. Limang oras ang itinagal ng kanilang
pakikipagtunggali kung saan matagumpay na napatay ni
Florante si Heneral Osmalik. Limang buwan na namalagi si
Florante sa Krotona bago nagbalik sa Albanya para makita
si Laura.

.
Noong siya nama’y nagbalik sa kanyang bayan na
Albanya ay napansin ni Florante na nakawagayway ang
bandila ng Persiya sa kanilang kaharian. Dahil dito’y muli
siyang nakipagtunggali sa mga taga-Persiya at nagapi ang
mga ito. Kanyang nailigtas sina Duke Briseo, Adolfo, Haring
Linceo at Laura na muntikan nang mapatay ni Emir.
Dahil sa pangyayaring ito ay itinalagang
“Tagapagtanggol ng Albanya” si Florante dahil sa kaniyang
naipakitang kagitingan at katapangan. Ito nama’y lubhang
ikinamuhi at ikinainggit ni Adolfo.
Sa isa namang labanan sa Etolya ay muling
ipinagtanggol ni Florante ang Albanya mula sa pananakop
ng mga taga-Turkiya na pinamumunuan ng kilalang
mananakop na si Heneral Miramolin. Sa Etolya ay
nakatanggap ng liham si Florante mula sa kaniyang ama.
Pinababalik umano siya nito sa Albanya kaya naiwan sa
pangangalaga ni Menandro ang hukbong kanyang
pinamumunuan
Nang makauwi si Florante sa kanyang bayan ay tinugis
siya ng tatlumpung libong mga kawal na inutusan ni
Adolfo. Siya’y nabilanggo ng dalawampu’t walong araw. Sa
piitan na din nalaman ni Florante ang ginawang pagpugot
ng ulo ni Adolfo sa kanyang ama at sa hari ng Albanya.
Pagkaraan ay dinala si Florante sa kagubatan at itinali sa
isang puno ng akasya.

Doon ay isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan


at pag-ibig kay Laura pati na rin ang pagkainggit sa kanya ni
Adolfo na gustong angkinin ang trono ng Albanya.
Samantala, pagkalipas ng ilang panahon ng
kanilang paglalakbay sa kagubatan ay ipinagtapat din ni
Aladin na isa palang Persa na may pagkakatulad ang
kanyang kapalaran kay Florante.
Aniya, pinagbintangan umano siya ng kanyang amang si
Sultan Ali-Adab na iniwan daw niya ang kaniyang mga alagad
na naging sanhi ng pagkagapi mula sa kanilang kaaway. Dahil
dito’y nais papugutan ng ulo ni Sultan Ali-Adab si Aladin.
Dahil kay Flerida na iniibig ng binata ay hindi natuloy ang
balak na pagpatay sa kanya. Hiniling kasi ng dalaga sa Sultan
na palayasin na lamang si Aladin sa kaharian at ang kapalit
ay papakasal siya dito.
Habang nagsasalaysay si Aladin ay nakarinig sila ng mga
tinig. Isang babae ang nagkukwento tungkol sa kaniyang
pagtakas mula sa isang kaharian at sa kanya sanang
pagpapakasal. Hinahanap umano ng babae ang kanyang
kasintahan na tumagal ng anim na taon. Dagdag pa niya, sa
loob ng kagubatan ay nakarinig siya ng mga iyak ng
paghingi ng tulong.
Natagpuan niya ang isang babae na inaalipusta ng isang
lalaking ibig gumahasa dito. Ayon sa babaeng naglalahad
ay ginamit niya ang kanyang pana upang paslangin ang
lalaking lumalapastangan sa babae.

Nagpakilala ang naglalahad bilang Flerida at ang


babaeng kanyang iniligtas ay si Laura.
Si Laura naman ang sumunod na naglahad ng kanyang
kwento. Ayon sa kanya, nang malayo sa kanyang piling ang
kasintahang si Florante ay naging bantog si Konde Adolfo
sa mga mamamayan ng Albanya, kahit na puro
kasinungalingan naman ang ginagawa nito.
Nagtagumpay si Adolfo na sirain sa mga mata ng mga
mamamayan ang hari ng Albanya kaya naangkin at naupo
siya sa trono. Si Laura nama’y napilitang maging reyna nito.
Ang hukbong nasa ilalim ng pamumuno ni Menandro ang
naging dahilan kaya nalupig si Konde Adolfo. Tumakas
itong tangay si Laura at nagtungo sa loob ng kagubatan.
Nagkatagpo ang apat sa kagubatan at pagkatapos ng
paglalahad ni Laura ay nagsibalik sa kani-kanilang kaharian
sina Florante at Aladin kasama ang kanilang mga
minamahal na sina Laura at Flerida. Nagbalik sina Florante
at Laura sa Albanya at sila’y naging hari at reyna doon. Sina
Aladin at Flerida naman ay nagbalik sa Persiya. Sa kanilang
pagbabalik ay naging sultan si Aladin dahil patay na ang
kanyang ama.
Dahil sa mga kaganapang ito ay namuhay ng matiwasay
at payapa ang dalawang kaharian.
MGA TAUHAN
FLORANTE at LAURA
>Florante
Gerero at tagapagtanggol ng
kaharian ng Albanya; mabait
na anak nina Duke Briseo at
Prinsesa Floresca;
pinakamamahal ni Laura.

>Laura
Prinsesa ng Albanya; anak ni
Haring Linceo; minamahal ng
lubos ni Florante.
ADOLFO ALADIN
>Adolfo >Aladin
Gererong moro ng Persiya;
Anak ni Konde Sileno; anak ni Sultan Ali Adab;
nagtangkang pumatay nagligtas sa buhay ni
Florante; nakaisang-dibdib ni
kay Florante; umagaw Flerida.
kay Laura kay Florante
FLERIDA

> Flerida
Napusuan ni Sultan
Ali Adab;
nakaisang-dibdib ni
Aladin.
MENADRO
> Menadro
Isa sa mga naging
kamag-aral nina
Florante at Adolfo
nung sila’y nag-aaral
pa; pamangkin ng
gurong si Antenor;
nagligtas kay Florante
sa tangkang pagpatay
ni Adolfo.
ANTENOR DUKE BRISEO
>Antenor >Duke Briseo
Mabait at matalino na Ama ni Florante;
guro nina Florante, kabiyak ni Duke
Adolfo, at Menandro. Floresca; namatay dahil
sa utos ni Adolfo.
PRINSESA FLORESCA

Prinsesa Floresca

Ina ni Florante; may-


bahay ni Duke Briseo;
prinsesa ng Krotona.
>Konde Sileno
Ama ni Adolfo

>Haring Linceo
Hari ng Albanya; ama ni Laura; namatay
dahil sa utos ni Adolfo.

>Hari ng Krotona
Lolo ni Florante; ama ni Prinsesa
Floresca.
>Sultan Ali Adab
Ama ni Aladin; umagaw kay Flerida.

>Heneral Osmalik
Pinuno ng hukbong Moro na sumakop
sa Krotona.

>Menalipo
Pinsan ni Florante
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!

You might also like