Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

Larangan ng

Heograpiya
Aralin 1
Most Essential Learning Competencies:

• Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig.


Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan
na:

1. Mailarawan ang pisikal na katangian ng daigdig.


2. Matukoy ang mga anyong lupa at anyong tubig sa daigdig
at makapagbigay ng halimbawa nito
3. Maisabuhay ang ilang paraan ng pagpapanatili nga pag-
iingat ng mga likas na yaman.
Heograpiya
Larangan na pinag-aaralan ang kapaligiran, lugar, at espasyo sa ibabaw ng mundo at
ang mga pagkilos at interaksyon ng tao na nagaganap sa mga ito.

Hinalaw ito sa dalawang Griyegong salita na “geo” na nangangahulugang “lupa” at


“graphien” na nangangahulugang “pagsulat.”
Heograpiya
• Ito
ay ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng mundo at
ang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran
Sangay ng Heograpiya
Nahahati sa dalawa ang pag-aaral ng Heograpiya
• Heograpiyang pisikal
 Ito ay nakatuon sa pag-aaral ng klima, panahon, mga anyong-lupa at anyong-tubig, at ekolohikal
at distribusyon ng hayop at halaman.

• Heograpiyang pantao
 Ito ay sumusuri sa ugnayan at impluwensya ng kapaligiran sa mga gawain ng tao tulad ng
produksyon ng agrikultura, paglaki ng populasyon, paggamit ng likas na yaman, at populasyon
Kahalagahan ng pag-aaral ng
Heograpiya
• Nililinang nito ang kakayahan ng tao na makabuo ng mental map na makakatulong sa
pagtukoy niya sa kaniyang pamayanan
• Hinuhubog nito ang pagkakakilanlan ng isang tao bilang mamamayan ng isang bansa
• Binibigyang linaw nito kung paano mapakikinabangan at maoorganisa ng isang lipunan
ang rehiyon o lugar na kinaroroonan nito (spatial organization)
• Ipinapaliwanag nito kung pano nagbago ang mga rehiyon ng mundo (tulad ng
Hydrosphere, Lithosphere, Atmosphere At Biosphere) dulot ng pagkilos ng tao at
patuloy na pagsulong ng ekonomiya
• Iminumulat nito ang mga tao na magsagawa ng paraan upang maisaayos ang pinasalang
naihatid ng pagunlad sa kapaligiran

• Ito ay isang magandang paraan upang maunawaan ang katangiang pisikal at kultural ng
isang lugar.
• Ginagabayan nito ang mga tao sa kanilang pamumuhay at pakikipagkapwa tao sa isang
nagtutulungang mundo (interdependent world).
Limang tema ng Heograpiya
• Lugar
• Lokasyon
• Rehiyon
• Interaksyon ng tao sa kapaligiran
• Paggalaw ng tao
Lugar
• Tinutukoy nito ang katangiang pisikal at ang mga taong
naninirahan sa isang lugar/pook

Mga salik
• Anyong lupa
• Anyong tubig
• Klima
• Likas na yaman
Lokasyon
• Ito ay tumutukoy sa tiyak na kinaroroonan ng isang bagay o lugar

Dalawang paraan ng pagtukoy ng lokasyon:


• Paraang absoluto o tiyak (longhitud at latitud)

• Paraang relatibo (mga bansa, anyong-lupa,


anyong-tubig na nakapaligid sa isang lugar)
Rehiyon
Ito ay ang mga lugar na magkakalapit at may magkakatulad na katangiang pisikal at
pantao

Mga batayan:
• Klima
• Anyong-lupa
• Anyong-tubig
• Ilang katangiang pangkultura tulad ng wika at relihiyon
Interaksyon ng tao sa kapaligiran
• Ay tumutukoy sa paraan ng tao upang umayon o umangkop sa katangian ng kapaligiran
na kaniyang pinaninirahan.

Kinakailangan ng tao ang kalikasan upang mabuhay. Maaaring iayon niya ang kaniyang
pamumuhay batay sa dikta ng kalikasan o kaya baguhin niya ito batay sa kaniyang
pangangailangan.
Paggalaw ng tao
Tumutukoy ito sa pagkilos ng tao, produkto o kaisipan mula sa isang lugar
patungo sa ibang lugar.
Ang kasaysayan ay maituturing na kwento
paggalaw ng tao. Mula pa noong sinaunang panahon, ang mga tao
ay nagpapalipatlipat na ng lugar sa paghahanap ng ikabubuhay.
Sa pamamagitan ng kalakalan, naikakalat ang
bagong kaisipan at lumalago ang kultura ng tao.
Heograpiyang Pisikal
•Ang “heograpiyang pisikal”,
tinatawag ding geosistema o
heosistema, ay isa sa dalawang
pangunahing sangay ng larangan ng
heograpiya. Nakatuon ang pag- aaral
nito sa pisikal at biyolohikal na
katangian ng mundo.
Geomorphology

• Sinusuri
dito ang mga puwersa at
proseso, tulad ng hangin,
katubigan, yelo, at paglindol na
humubog at nagpabago sa mga
anyong lupa.
Pedology
•Pinag- aaralan dito ang
paglikha, pagbabago, at
klasipikasyon ng lupa.
Hydrology
• Nakatuon sa pag- aaral ng katangian,
distribusyon, at epekto ng katubigan sa
kapaligiran at sa pamumuhay ng tao.
Climatology
• Pinag-aaralan dito ang sistema ng
klima ng mundo at ang epekto nito sa
tao at kapaligiran.
Biogeography
• Nakasentro ito sa distribusyon ng mga
halaman at hayop at ang epekto nito sa
kapaligiran.
KLIMA AT PANAHON
• Klima- Tumutukoy sa kalagayan
ng atmospera sa isang rehiyon ng
mundo sa mahabang panahon.
• Panahon o weather- Tumutukoy
sa kalagayan ng atmospera sa
maikling panahon.
Tatlong Sonang Heograpiko

Tropikal Templada Polar

Lugar na nakakaranas ng Lugar na nakakaranas


Lugar na nakakaranas tag- araw, tag- lamig, tag- ng tuyo ngunit
ng tag- init at tag- ulan lagas at tag- sibol napakalamig na klima
LIKAS NA YAMAN
 Ang likas na yaman ay ang
kapaligirang natural na
nakakaimpluwensiya sa paraan ng
pamumuhay ng mga nilikha sa daigdig.
Ito ay binubuo ng dalawang bahagi:
ang pisikal at biyolohikal.

You might also like