Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

IBA’T IBANG PANANDA

AT GAMIT
Ano ang Pananda?
Ang mga pananda o bantas ay mga simbolo
na nagpapakita ng kayarian at kaayusan ng
nakasulat na wika, pati na ang intonasyon at
paghintong sandali na gagawin kapag
nagbabasa nang malakas.
MGA URI NG PANANDA
at mga gamit
• Tuldok (.) • Tutuldok (:)
• Pananong (?) • Tutuldok-Kuwit (;)
• Padamdam (!) • Panipi (“”)
• Kuwit (,) • Panaklong ()
• Kudlit (‘) • Tutuldok-tutuldok (…)
• Gitling (-) • Gatlang (–)
TULDOK (.)
• Ito ay ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at
pautos.
Halimbawa :
Ang buhay ay sadyang makulay.
Ikuha mo ako ng isang basong tubig.

• Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawat hati ng


isang balangkas at talaan.
1. a.
2. b.
3. c.
• Pinaikling titik sa ngalang-tao at sa mga salitang dinaglat.
Halimbawa
Ginoo - G. Ginang - Gng.
Binibini - Bb. A. Bonifacio
J. P. Rizal F.P.J.
PANANONG (?)
• Ito ay ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na patanong.
Halimbawa :
Dapat bang payagan ang mga bata na maglaro sa labas?
Kailan ang iyong kapanganakan?

• Sa loob ng panaklong upang magpahayag ng pag-aalingan sa katumpakan ng


sinusundan.
Halimbawa :
Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Ang Hapon ang pinakamaunlad na bansa sa Silangan (?).
PADAMDAM (!)

• Ito ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o


pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing
dadamdamin.
Halimbawa :
Mabuhay ang Pangulo!
Aray! Naapakan mo ang paa ko.
Hindi ka makakaalis!
KUWIT (,)
• Ito ay ginagamit sa paghihiwalay ng mga salita, mga parirala at mga sugnay na
sunod-sunod.
Halimbawa :
Bumili ka ng kangkong, kamatis, petsay, sibuyas at luya.
Namasukan siya bilang drayber, konduktor, mekaniko at karpintero.

• Ito ay ginagamit pagkatapos ng bating panimula at bating pangwakas ng


liham.
Halimbawa :
Mahal kong Nanay, Sa mga kababayan ko,
Lubos na gumagalang, Nagmamahal,
KUWIT (,)
• Upang hiwalay sa pangungusap ang salitang ginagamit na pantawag.
Halimbawa :
Marie, saan ka nag-aaral?
Halika, Benjie, samahan mo ako sa bayan.

• Ito ay ginagamit sa hulihan ng bilang sa petsa, sa pagitan ng kalye at purok at


ng bayan at lalawigan.
Halimbawa :
Ipinanganak si Dr. Jose Rizal sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861.
385 Westbank Road, General Trias, Cavite
KUWIT (,)
• Ginagamit ito sa paghihiwalay ng di makabuluhang parirala at sugnay sa
pangungusap.
Halimbawa :
Si Pedro, ang iyong kasintahan, ay isang manloloko.
Si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani, ay isa ring doktor.

• Ginagamit sa paghihiwalay ng sinasabi ng nagsasalita sa ilang bahagi ng


pangungusap.
Halimbawa :
Ayon kay Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
“Si Nina ay napakabait na bata,” ang wika ng kanyang Tiyahin.
KUWIT (,)
• Ginagamit sa paghihiwalay ng mga sugnay ng isang pangungusap na
tambalan, kung ang mga sugnay ay pinag-uugnay ng mga pantig na na, at,
ngunit at o
Halimbawa :
Magtatrabaho ka ba rito sa ating bansa, o susubukin mong makipagsapalaran
sa Amerika?
Mayaman si Aling Emma, ngunit hindi siya mapanghamak sa mahihirap.

• Ginagamit pagkatapos ng OO at HINDI na siyang simula ng pangungusap.


Halimbawa :
Oo, nakauwi na ako sa aming probinsya.
Hindi, ayaw niyang sumama sa atin.
TUTULDOK (:)
• Ito ay ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.
Halimbawa :
Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas,
Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.
• Ito ay ginagamit pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-
pangangalakal.
Halimbawa :
Dr. Robles:
Bb. Minda:
• Ito ay ginagamit sa paghihiwalay ng minute at oras, sa yugto ng tagpo sa isang
dula at sa kabanata.
Halimbawa :
8:30 am
Martha: Ang babaeng pinagpala
TUTULDOK-KUWIT (;)
• Ito ay ginagamit sa pagitan ng mga sugnay na pangungusap na tambalan kung
hindi pinag-uugnay ng pangatnig.
Halimbawa :
Ang pag-asa sa mga dayuhan ay ating iwasan; ito ay lalong hindi makakatulong upang
ating bansa ay makaahon sa kahirapan.
Kumain ng maraming gulay; ito ay makakabuti sa katawan.
• Ito ay ginagamit sa unahan ng mga salita at parirala tulad ng halimbawa, gaya
ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.
Halimbawa :
Maraming magagandang bulalak sa Pilipinas na hindi napag-uukulan ng pansin;
gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.
• Maaari rin itong gamitin sa katapusan ng bating panimula ng liham
pangalakal.
Halimbawa :
Bb; Ginoo;
PANAKLONG ()
• Ito ay ginagamit upang kulungin ang bahaging nagpapaliwanag ngunit maaaring
kaltasin o ang pamuno.
Halimbawa :
Si Gloria Macapagal Arroyo (dating Pangulo ng Pilipinas) ay isang ekonomista.
Isinilang si Dr. Jose Rizal (ang Pambansang Bayani) noong ika-19 ng Hunyo, 1861.

• Ginagamit upang kulungin ang mga titik o bilang ng mga bagay na


binabanggit nang sunod-sunod.
Halimbawa :
Isulat sa patlang kung ang uri ng pamahalaan ay (a) demokratiko, (b)
parliamentaryo, (c) monarkiya, o (d) diktaturyal
PANAKLONG ()
• Ito ay ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang
kawastuhan.
Halimbawa :
Ang mga namatay sa naganap na pambobomba ay humigit kulang sa
labindalawang libo (12,000) katao.

• Ito ay ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.


Halimbawa :
Andres Bonifacio (1863-1897)
GITLING (-)
• Ito ay ginagamit sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at ng salita-
ugat na nagsisimula sa patinig.
Halimbawa :
pag-asa
mag-alis
• Ito ay ginagamit sa pagitan maka, taga, at ng pangngalang pantangi.

Halimbawa :
maka-Diyos
taga-Ilocos
maka-Pilipino
• Ito ay ginagamit ng salitang inuulit

Halimbawa :
araw-araw gabi-gabi
GITLING (-)
• Ito ay ginagamit sa pagitan ng ika at tambilang.

Halimbawa :
ika-24 ng Hunyo
ika-25 ng Disyembre

• Ito ay ginagamit sa pagitan ng dalawang magkasalungat na


pandiwa
Halimbawa :
iyak-tawa
lakad-takbo
GITLING (-)
• Ito ay ginagamit kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama o
pinag-uugnay.
Halimbawa :
pamatay ng insekto – pamatay-insekto
humigit at kumulang – humigit-kumulang

• Ito ay ginagamit kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang


asawa
Halimbawa :
Alex Gonzaga-Morata
Lucy Torres-Gomez
KUDLIT (‘)
•Ito ay ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang salita (
at/ay)
Halimbawa :
kami ay – kami’y
isa at isa – isa’t isa
Ako’y nakatira sa probinsya ng Pangasinan.
PANIPI (“”)
• Ito ay ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang
tuwirang sipi.
Halimbawa :
“Kawawa naman ang batang natutulog sa lansangan,” sabi ni Martha.
• Ito ay ginagamit upang mabigyang diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at
iba’t ibang mga akda.
Halimbawa :
Nagbukas na muli ang “Manila Times”
Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”
• Ito ay ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.
Halimbawa :
Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programing”
TUTULDOK-TULDOK (…)
• Ito ay ginagamit upang ipakilalang may nawawalang salita o mga
salita sa siniping pahayag.
Halimbawa :
Binanggit ni Emily ang tungkol sa kaaraw …

• Ito ay ginagamit sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangan


sipiin.
Halimbawa :
Kung ikaw ay maliligo sa tubig ay aagap upang…
GATLANG (–)
• Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng pagkaabala o pagbabago ng
kaisipan.
Halimbawa :
Nagkita kami ni Fe sa reunion – subalit hindi kami nagkausap.

• Ito ay ginagamit sa paghihiwalay sa isang bagay na binibigyang-


diin o kapana-panabik.
Halimbawa :
Pagbutihin mo ang pagsagot sa pagsusulit – nang makapasa ka na.
PANGKAT 5

June Mark Soriano Jamaica Bea Nicole Nerona


Randy Onoza Genie Guntang
Joyce Andrea Cristelyn Orias
Jackelyn Pugal Jackielyn Geronimo
Anabelle Mit Mary Joy Obra
Chennalyne Ivy Castillo Wendy Mae
Kia Mae

You might also like