Pagsulat NG Buod

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Kabanata 2 –

Pagsulat ng buod
at sintesis
Ms. Clarisa Reyes, LPT
KAHULUGAN at
KAHINGIAN NG
BUOD
Buod
Ang buod ay tala ng isang indibiduwal, sa sarili niyang
pananalita, ukol sa kanyang mga naririnig o nabasang
artikulo,balita,aklat,panayam,isyu,usap-usapan at iba pa. Ibig
sabihin ,maaring magsulat o magpahayag ng buod ng isang
nakasulat na akda o ng oral na pahayag.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Nagtala sina SWALES at FEAT (1994) ng tatlong mahigpit
na pangangailangan sa pagsulat ng isang buod o summary. Ang
tatlong pangangailangang ito ay siya ring repleksiyon ng mga
marapat na taglayin ng isang sulating buod.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


1. Kailangang ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng
orihinal na teksto.

2. Kailangang nailahad ang sulatin sa pamamaraang nyutral o


walang kinikilingan.

3. Kinakailangang ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal


at naisulat ito sa sariling pananalilita ng gumawa.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


KATANGIAN NG
MAHUSAY NA
BUOD
1. Nagtataglay ng obhetibong balagkas ng orihinal na teksto.

Ang buod ay dapat sumasagot sa mga


pangunahing katanungan tulad ng sino,
ano,saan,kalian, bakit at paano.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo.

Sa pagsulat ng buod, tanging ang mga impormasyong nasa


orihinal na teksto ang dapat isama. Hindi dapat dagdagan ito ng
pansariling ideya o ng kritisismo ng magsusulat. Bagamat tama ang
ideya o kritisimong idaragdag, hindi hinihingi ng buod ang ganitong
mga detalye. Madalas na ang mga ganitong pagdaragdag ay
naisasama sa mga pagsusuri at sintesis.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
3. Hindi nagbibigay ng halimbawa, detalye, o impormasyong wala
sa orihinal na teksto.

Tanging ang hinihingi sa ganitong uri ng sulatin ay


ang paglalahad ng mga mahahalagang impormasyong
nabanggit sa isang akda sa mas maiksi at sa katulad
na linaw ng orihinal.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


4. Gumamit ng mga susing salita.

Sa pagsulat ng buod, dapat gamitin ang mga susing


salita na ginamit sa orihinal na teksto. Ang susing
alita ay ang mga pangunahing konsepto na
pinagtutuuan ng teksto.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


5. Gumamit ng orihinal na pananalita ngunit napapanatili ang orihinal
na mensahe

Kung para sa personal na pangangailangan ang


buod malaking tulong na ito ay naihayag sa sariling
pananalita. Dahil dito higit itong nauunawaan ng
sumulat.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Mga Hakbang sa
Pagbubuod
1. Binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang
detalye.

2. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na


ideya, at ang pangunahing paliwanag sa bawat ideya.

3. Ayusinang pagkakasunod sunod ng mga ideya.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


4. Kung gagamit ng unang panauhan (HAL: Ako ang awtor)
palitan ito ng kanyang apeliyido, ng ang manunulat o siya.
Ipinapakita nito na ang nagbubuod ay iba sa mismong sumulat
o naghayag ng orihinal na akda.

5. Isulat ang buod.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

You might also like