Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

POKUS NG

KAGAMITAN
AT
PINAGLALAAN
AN
Pokus sa Kagamitan ang tawag
sa instrumento o kasangkapan sa
pagsasagawa ng kilos na isinasaad
ng pandiwa na gumaganap bilang
paksa o simuno ng pangungusap.
Gumagamit ang pokus na ito ng
mga panlaping ipang-, ma-+ipang
Halimbawa:
1. Ipanlalaban niya ang sariling
niyang mga kuko sa malalaking
bato.
2. Ipinambaril niya ito sa
kawawang anak.
3. Sinubok niyang ipang-areglo sa
kaso ang sampung libong piso.
Sa unang pahayag, ang simuno o paksang
sarili niyang mga kuko ang nagsisilbing
instrumento sa kilos ng pandiwang
ipanlalaban.
Samantala, ang panghalip na ito naman sa
ikalawang pangungusap ang gumanap na
simuno o paksa ng pangungusap at
kasangkapan para sa pandiwang ipinambaril.
Ang sampung libong piso na paksa sa
ikatlong pangungusap ang pokus ng
pandiwang ipang-areglo.
Tinatawag naman na
Pokus sa Pinaglalaanan/Kalaanan
- ang pandiwa kapag ang
pinaglalaanan ng kilos ay ang
paksa o simuno ng pangungusap.
Ginagamit sa pokus na ito ang mga
panlaping makadiwang i-, ipag-,
ma+ipag-, ipagpa
Halimbawa:
1. Ihahanap niya ng hustisya
ang sinapit ng kaniyang dalaga.
2. Upang ihingi ng tawad ang
ginawa nito sa kaniyang anak.
3. Ipinaghiganti niya ang sinapit
ni Aida sa anak ng Alkalde.
Sa unang pangungusap, ang pariralang
sinapit ng kaniyang dalaga ang nagsisilbing
kalaanan sa kilos ng pandiwang ihahanap.
Samantala, ang pariralang ginawa nito sa
kaniyang anak naman sa ikalawang
pangungusap ang gumanap na simuno o
paksa ng pangungusap at kalaanan para sa
pandiwang ihingi. Gayundin, ang paksang
ang sinapit ni Aida sa anak ng Alkalde sa
ikatlong pangungusap ay pokus ng
pandiwang ipinaghiganti.
1. Ang kapangyarihan niya ay ipinanakot sa
mahihina.
2. Ipinangregalo ng pamilya Lopez ang mga
natipong donasyon para sa nabiktama ng
kalamidad.
3. Ang bitbit ni Tony ay hiningi ng kaniyang
pagtatapat sa ina.
4. Ipinagkaloob ng tadhana ang naganap sa
Leyte.
5. Ang inabot na salapi ay itinulong sa mga mag-
aaral na mahihirap.
PAKSA PANDIWA POKUS
PAGWAWASTO
PAKSA PANDIWA POKUS
Kapangyarihan ipinanakot pinaglalaanan

Natipong donasyon ipinangregalo kagamitan

Bitbit ni Tony hiningi kagamitan

Tadhana Ipinagkaloob Pinaglalaanan

Mag-aaral na itinulong Pinaglalaanan


mahihirap

You might also like