Professional Documents
Culture Documents
Pokus NG Ganapan at Sanhi
Pokus NG Ganapan at Sanhi
Pokus NG Ganapan at Sanhi
Ganapan at
Sanhi
Pokus sa Ganapan ang tawag sa
pandiwa kung ang lunan, bagay o
maging ng tao na ginaganapan ng
pandiwa ang paksa o simuno ng
pangungusap.
Ginagamit sa pagpapahayag ng pokus
sa ganapan ang mga panlaping
makadiwang -an/-han, pag-an/-han,
mapag-an/-han, paki-an/-han, at
• Halimbawa:
1. Ang plasa ay buhay at
pinagkukunan niya ng pang-
agdong buhay sa piling ng
paralisadong ama.
2. Pinagkunan na niyang minsan ng
mga halamang-ugat si Aling
Loring
Sa pangungusap na, “Ang plasa ay
buhay at pinagkukunan niya ng pang-
agdong buhay sa piling ng
paralisadong ama at “Pinagkunan na
niyang minsan ng mga halamang ugat
si Aling Loring” ipinokus ng pandiwang
pinagkukunan at pinagkunan ang
paksa o simunong plasa at Aling
Loring na parehong nasa pokus sa
Ganapan.
POKUS NG SANHI naman ang
tawag sa pandiwa kapag ang
paksa o simuno ay
nagpapakilala ng sanhi o dahilan
ng kilos.
Ginagamit sa pokus na ito ang
mga panlaping makadiwang i-,
ika-, at ikapang-.
1. Ikinalungkot ko ang mga
pangyayari sa buhay ng ilan
sa aking mga mag-aaral.
2. Ang lahat ng katotohanang
natuklasan ko ay ikinabahala ng
aking mulat na pang-unawa.
Sa pahayag na, “Ikinalungkot ko ang mga
pangyayari sa buhay ng ilan sa aking mga
mag-aaral,” ang pangyayari sa buhay, ang
ipinokus ng pandiwang Ikinalungkot.
Sa ikalawang pahayag naman na “Ang lahat
ng katotohanang natuklasan ko ay ikinabahala
ng aking mulat na pang-unawa,” ang paksa o
simuno ng pangungusap na lahat ng
katotohanang natuklasan ko ang itinuon ng
pandiwang natuklasan upang tukuyin ang
pokus sa sanhi.
Pagsasanay 1: Salungguhitan ang pandiwang ginamit at
bilugan ang paksa ng pangungusap. Pagkatapos ay isulat
ang pokus ng pandiwa. Gawin sa sagutang papel.