Pagpapahayag NG Ideya Sa Matalinghagang Salita

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

PAGPAPAHAYAG NG

IDEYA SA
MATALINGHAGANG
SALITA
IDYOMA
TAYUTAY
SALAWIKAIN
KAWIKAAN
IDYOMA

•Di tuwiran o di tahasang


pagpapahayag ng gustong
sabihin na may kahulugang
patalinghaga.
IDYOMA KAHULUGAN
Butas ang bulsa Walang pera
Ikurus sa kamay tandaan
madilim ang mukha taong simangot, problemado
salin-pusa pansamantalang kasali sa laro o
trabaho
namamangka sa dalawang ilog salawahan
tawang-aso nagmamayabang, nangmamaliit
pantay ang mga paa patay na
Butas ang bulsa - walang pera walang pera
di makabasag pinggan mahinhin
naniningalang-pugad nanliligaw
ningas-kugon panandalian, di pang-matagalan
Makapal ang bulsa maraming pera
MGA HALIMBAWA
• Hindi siya sanay maglubid ng buhangin.
• Patuloy si kanor sa pagbibilang ng poste.
• Hindi pinapayagang uminom ng alak si Pedro
dahil may gatas pa siya sa labi.
• Ingatan mo siya dahil siya ay balat sibuyas.
• Nabahag ang buntot ng hinamon siya ng
suntukan.
TAYUTAY
•URI NG PAGPAPAHAYAG KUNG
SAAN AY SADYANG NILALAYO
ANG MGA SALITA SA
KARANIWANG KAHULUGAN
NITO.
SIMILI O PAGTUTULAD

•Di-tuwirang paghahambing ng
magkaibang bagay,tao o
pangyayari’pagkat gumagamit ng
mga pariralang tulad ng,kawangis
ng,para ng,at gaya ng.
HALIMBAWA

• Tumakbo siya ng tulad ng isang mailap na


usa nang makita ang papalapit na kaaway.
• Ang ganda niya’y dagliang naglaho tulad ng
kupasing damit.
• Ang kaniyang ama’y parang pulburang
madaling magsiklab.
METAPHOR O PAGWAWANGIS

•Ito ay tuwirang
paghahambing’pagkat hindi na
gumagamit ng mga na parirala
na ginagamit sa pagtutulad.
HALIMBAWA
•Tinik ka sa aking lalamunan.
•Ang pag-ibig ay halamang nakukuha
sa dilig ng maarugang kamay.
•Isang bukas na aklat sa akin ang
iyong buhay,kaya’t huwag ka nang
mahiya pa.
Pagmamalabis o Iperboli. 

•Lagpas sa katotohanan
o eksaherado ang mga
pahayag kung
pakasuriin.
HALIMBAWA

•Bumaha ng dugo sa sagupaang naganap


sa Marawi.
•Umuulan ng bala noong ikalawang
digmaang pandaigdig.
•Gabundok ang labahin na hinaharap ni
ale.
Pag-uyam o Sarcasm

•May layuning
mangutya ngunit
itinatago sa paraang
waring nagbibigay-puri.
Halimbawa
•Sadyang kay ganda ng iyong katawan, kay
gandang pansalok ng tubig sa batalan.
•Kahanga-hanga rin naman ang taong
iyan,matapos mong arugain,pakainin at
damitan ay siya pa ang unang mag-iisip
na masama sa iyo.
PAGTATAMBIS o OXYMORON

•paggamit ng mga salita


o pahayag na
magkasalungat.
HALIMBAWA
• Ang buhay sa mundo ay tunay na kakatwa:may
lungkot at may tuwa, may hirap at may
ginhawa,may dusa at may pag-asa.
• Sadyang matalinghaga ang ang pag-ibig-
malungkot at masaya,hinahanap, tinutuklas at
iniiwasan ng iba.
• Ang buhay ay parang gulong; minsan nasa
ibabaw, minsan nasa ilalim.
SALAWIKAIN

• ay isang uri ng matalinhagang pagpapahayag na


karaniwang binubuo ng dalawang masining na
pangungusap na binuo upang magpahayag ng
kaisipan, kaaralan, pagpapahalaga at mabuting
gawaing pantao.  
• Ito ay mga kaisipang nakaugalian nang sabihin at
nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal 
ng ating mga ninuno. 
MGA HALIMBAWA

• Ang hipong tulog, tinatangay ng agos.


• Ang lahat ng gubat, tahanan ng ahas
• Ang lumakad nang matulin, kung matinik
ay malalim.
• Sa taong may hiya, ang salita ay
panunumpa.
KAWIKAAN

•ay paalala na may dalang


mensahe at aral na
kadalasan ay hango sa
bibliya.
HALIMBAWA

•Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at


wala sa karangyaan.
•Ang katotohanan ang magpapalaya sa
iyo.
•Ang nagpapakumbaba ay itataas; ang
nagmamataas ay ibababa.

You might also like