Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

ANG LINGGWISTIKA

AT ANG GURO NG
WIKA
ANG LINGGWISTIKA
AT ANG GURO NG
WIKA
Ang Linggwistika, bilang isang disiplina ay napag-
uukulan ngayon ng higit na pagpapahalaga sa mga
paaralan. dati ay ang unibersidad lamang ng Pilipinas
ang matiyagang nagsasama nito sa kurikulum. Ngunit
sa kasalukuyan, karamihan sa mauunlad na
dalubhasaan at pamantasan sa kamaynilaan at maging
sa iba pang dako ng Pilipinas ay nagbibigay na ng
kurso o asignatura sa linggwistika.
Dalawang samahan ang magkasunod na sumilang
upang paunlarin ang kaalamang panglinggwistika; ang
Linguistic Society of the Philippines at ang Pambansang
Samahan sa Linggwistikang Pilipino. Ang una ay
nagbigay diin sa theoretical linguistics sa Ingles at ang
ikalawa naman ay sa applied linguistics.
 
Kung pormal na pagtuturo nito sa paaralan
ang pag-uusapan, maaaring ito ang siyang magiging
katanungan;
 
1. Ano ba ang Linggwistika?

2. Ano ba ang kabutihang naibibigay ng linggwistika


sa isang guro ng wika ?

3. Ano ba ang naiaambag ng ng linggwistika sa


pagpapaunlad ng wika ?
 
KAHULUGAN NG LINGGWISTIKA
 
Sa payak na kahulugan, ang LINGGWISTIKA ay ang
maagham na paraan ng pag-aaral ng wika.
 
Ang Ama ng Linggwistikang Pilipino ay si Dr. Cecilio
Lopez, propesor sa Unibersidad ng PIlipinas,..
 
Ang isang taong nagsasagawa ng maagham na
paraan ng pag-aaral ng wika ay tinatawag nating
LINGGWISTA
 
Ang isang linggwista ay hindi laging
nangangahulugang maraming alam na wika.

Ang polyglot naman ay taong maalam o


nakakapagsalita ng ibat ibang wika, ngunit
iyon ay hindi nangangahulugang siya ay
linggwista.

 
Iba iba ang depinisyon ng
linggwistika; kalimitan ay ayon sa
oryentasyon at pinaniniwalaang disiplina ng
linggwistikang nagbibigay ng depinisyon.
Higit na mas angkop na sabihin na ang
linggwistika ay isang maagham na paraan sa
pagtuklas ng impormasyon at kaalaman
tungkol sa wika. Ang maagham na paraan na
pag-aaral ay nagdaraan sa hindi kukulangin
sa limang proseso.
PROSESO NG
LINGGWISTIKA
.
 
1. Ang proseso ng pagmamasid – ang
pagtitipon ng obhektibo at walang kinikilingang mga
datos at ng mga obserbasyong hindi nakukulayan ng
emosyon ay pinakaunang hakbang na karaniwang
isinasagawa ng isang linggwista.
 
 
2. Ang proseso ng pagtatanong – ang
paglalahad ng suliranin o ng tanong ay
maaaring kasabay, kasunod o una sa proseso ng
pagmamasid
3. Ang proseso ng pagkaklasipika –
laging tinatangka ng isang linggwista na
maisaayos ang bunga ng kanyang pananaliksik o
pagsusuri sa isang sistematikong paraan.
 
4. Ang proseso ng
paglalahat – ang pagtitipon o
pagkolekta ng mga datos at ang
pagklasipika sa mga ito ay kailangang
humantong sa paglalahat, pagbubuo ng mga
haypotesis ng mga teorya at prinsipyo ng
mga tuntunin o batas
 
 
Ang proseso ng pagbeberepika at
5.
pagrebisa – ang anumang paglalahat,
haypotesis, teorya at prinsipyo, mga tuntunin o
mga batas na nabuo ng isang linggwista ay
kailangang patuloy na mapailalim sa pagsubok
upang mamodipika o marebisa kung kailangan.
KAHALAGAHAN NG
LINGGWISTIKA SA GURO SA
WIKA
 
1. Ano ba ang nagagawa ng isang linggwista na
hindi nagagawa ng isang karaniwang guro?
 
2. Ano ba ang nagiging pakinabang sa linggwistika
ng isang guro ng wika ?
 
ANG LINGGWISTIKA SA
PAGLINANG SA WIKANG FILIPINO
• Sa pagpaplano at paggawa ng mga patakarang
pangwika.

• Sa paghahanda ng mga kagamitang panturo

• Ang pagkakaroon ng guro ng kaalaman at


malawak na pananaw sa kalikasan ng wika.
• M
DALAWANG TUON SA PAG-AARAL NG WIKA

1. STRUCTURAL LINGUISTICS – sumusuri sa aktuwal na


paggamit ng wika sa mga katutubong gumagamit
nito kaalinsabay sa masistemang pagkakabalangkas.

• Ponolohiya
• Morpolohiya
• Sintaksis
 
• M

DALAWANG TUON SA
PAG-AARAL NG WIKA
HISTORICAL LINGUISTICS – sumusuri sa pagbabagong nagaganap
1

sa wika paglipas ng mahabang panahon at ang pag iiba –iba ng


nito dulot ng lipunang ginagalawan at kulturang kinamulatan
•Sociolect
•Dialect
•register

 
 
-tumutukoy sa kalagayan ng ispiker sa lipunang kanyang
kinabibilangan

-_tumutukoy sa gamiting wika sa lugar na kanyang


kinabibilangan

-Tumutukoy sa paggamit ng wika depende sa kalagayan o


sitwasyong kinasasangkutan
MARAMING SALAMAT !
Iba pang halimbawa…

1. Mataba ka yata
ngayon at halos hindi
na kita makilala.
Mas mainam kung…

1. Malusog ka yata
ngayon at halos hindi na
kita makilala.
2. Sadyang maarte
lamang siya sa mga
taong gusto niyang
makausap.
Mas mainam kung …

2. Sadyang mapili
lamang siya sa mga
taong gusto niyang
makausap.
Hindi ko na kayang
3.

pigilan at ako ay
nadudumi na.
Mas maiman kung…

3.Hindi ko na kayang
pigilan at ako ay
tinatawag ng kalikasan.
Basahin at unawain ang usapan o dayalogong
ito.

Kardo: Kumusta ka na , antagal mong absent . Anong nangyari sa


iyo?
Angela: Namatay na kasi si Nanay, iniwan na rin kami katulad ni Itay.
Kardo: Ganun ba! Nalulungkot ako sa nangyari sa inyo. Anong balak
mo ngayon?
Angela: Eto, papasok bilang katulong para matulungan ko ang aking
mga kapatid.
Kardo: Hindi ka na ba mag-aaral?
Angela: Nag-aalangan na akong pumasok. Nahihiya na akong
humarap sa mga kaklase natin.
Kardo: Wag mo silang pansinin. Sadyang walang preno lang ang
bunganga ng mga iyon.
Paano ka magpapaliwanag?

SITWASYON BLG.1
Nawawala ang pitaka ng iyong kaibigan
na naglalaman ng perang pambili ng
proyektong ipapasa ng inyong pangkat.
Sinabi ng isa mong kaklase sa iyong
kaibigan na ikaw ang kumuha.
SITWASYON BLG.2
Nais mong sabihin sa isa mong kamag-
aral na ihinto na niya ang panunukso sa
iyo.
Panuto: Hanapin ang salitang maaring
palitan upang maging magaan ang pahayag.

1. Mabilis ang pag-angat ng kanyang


posisyon sapagkat siya ay sipsip
2. Iniwan na siya ng kanyang asawa.
3. Mahirap paniwalaan ang kanyang sinasabi
dahil marami siyang satsat.
4. Ang taong iyan ay mayabang kung kayat
kinaiinisan.
5. Umiiwas na ang lahat dahil amoy pawis ka
na.
PAGSASANAY :

You might also like