Week 6 Kaya Natin Ito

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Katatagan

ng Loob
KAYA NATING
GAWIN ITO
Ang bintana ni
Antonio
Dalawang sundalo ng pamahalaan ang
magkasama sa silid ng ospital. Pareho
silang walang malay noong unang araw
nila sa silid na iyon.
Unang nagkamalay si Antonio na
nakahiga sa may tabi ng bintana. Mga
ilang araw pa bago sumunod na nagising
si Ricardo. Ngunit hindi tulad ni Antonio,
hindi maigalaw ni Ricardo ang kanyang
buong katawan at may benda ang
kanyang mga mata.
Naging magkaibigan ang dalawa. Lagi
silang nag-uusap tungkol sa mga naging
buhay nila bilang mga sundalo. Upang
maiba naman ang tema ng kanilang
kwentuhan, madalas ay ibinabahagi ni
Antonio sa kaibigan ang tanawin sa labas ng
bintana ng ospital.
Ang sabi niya, masaya ang tanawin sa
labas may magandang parke na may
makukulay na bulaklak, may mga
tindahan na iba't-iba ang uri ng paninda,
at may mga masasayang pamilya na
nagpicnic.
Sa mga kwento ni Antonio, nabuhayan
ng loob si Ricardo. Naisip niya,
makapagsisimula siya ulit sa bayan na
iyon. May magandang buhay pa na
naghihintay sa kanya sa kabila ng
kanyang kalagayan ngayon sa silid ng
ospital.
Kinagabihan, palagay ang loob na nahimbing
si Ricardo sa kanyang pagtulog. Alam niyang
may pag asa pa pagkalabas niya sa ospital,
Kinatulugan niya ang lakas ng loob na tanawin
pag gising niya sa umaga ang labas ng bintana ni
Antonio upang lalong madagdagan ang pagnanais
niyang magpalakas ng katawan at gumaling agad.
Maya-maya ay dumating na ang nurse upang
alalayan si Ricardo sa kanyang pagkain. Hindi niya
naiwasang magtanong tungkol sa kaibigan. Nais sana
niyang malaman kung anong oras ito babalik.
Nagulat siya sa hindi inaasahang sagot ng nurse.
Pumanaw pala si Antonio bago pa man magbukang-
liwayway! Paano ito nangyari?!
Nang makatapos ang nurse sa kanyang mga
gawain, napagtanto ni Ricardo ang mga
pangyayari noong mga nakaraang araw na
kasama pa niya si Antonio sa silid. Kaya pala
madalas na ilabas ang kaibigan sa silid ay upang
kunan ng mga laboratory tests dahil patuloy ang
panghihina ng katawan.
May mga pagkakataon pa daw, ayon
sa nurse, na kinailangan ni Antonio
ang malalaking aparato ng ospital
upang matukoy ang lunas sa kanyang
karamdaman.
Bago umalis ang nurse ay dumating ang
doktor ni Ricardo Sa umagang iyong
nakatakdang alisin ang mga benda sa
kanyang mga mata. Ng masiguro ang
doktor na maayos ang buong kalagayan ni
Ricardo, nagpalipat siya sa kama ni
Antonio
Hinawi niya ang kurtina at laking
pagtataka niya na malawak na dingding
pala lamang at hindi magandang parke ang
tanaw sa bintana ni Antonio.
Nalungkot siya ngunit naintindihan na ni
Ricardo ang mensahe sa kanya ng kaibigan.
Humanga siya sa katatagan ng loob ni Antonio.
Mas lalo pa niyang minahal ang kaibigan dahil sa
pagbibigay nito sa kanya ng katatagan ng loob
upang harapin ang naghihintay na magandang
buhay sa labas ng bintana.
Katatagan ng Loob (Fortitude):
Ang batang may katatagan ng loob ay:
-hindi madaling matakot
-hindi madaling makinig sa sinasabi ng iba
-handang tanggapin ang pagkakamali
-handang harapin ang suliranin
-gumagawa ng paraan upang itama ang
pagkakamali
Buksan ang aklat sa pahina 29.

1. Sino ang dalawang


magkaibigan sa kwento?
2. Sino ang pasyente sa tabi
ng bintana ng ospital?
3. Anu-ano ang mga kwento
tungkol sa mga tanawin sa
labas ng bintana?
4. Sa iyong palagay, nakatulong
ba kay Ricardo ang mga
magagandang kwento sa labas ng
bintana? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
5. Mayroon bang mali sa ginawa
ng kaibigan ni Ricardo?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Maikling Pagsusulit 2 PAHINA 23
Setyembre 10,2021
1. 2.

3. 4.
Kaya kong..
5. 6.

You might also like