representasyon ng mundo. Mapa-Ito ay ang patag na representasyon ng mundo. MGA KONTINENTE • Asia • Africa • Europe • North America • South America • Antartica • Australia and Oceania COMPASS ROSE Ang compass rose ay isang simbolo na makikita sa mapa na nagpapakita ng direksyon para mapabilis ang paghahanap sa isang lugar. Primaryang Direksyon Sekondaryang Direksyon ANG LOKASYON NG PILIPINAS Ang lokasyon ng Pilipinas ay matatagpuan sa kontinente ng Asya, at napalilibutan ng mga bansang karatig nito. Maliban sa mga bansa ay maiuugnay rin sa lokasyon ng Pilipinas ang mga anyong tubig na nakaligid dito. Bilang isang bansang archipelago ay napalilibutan ang bansa ng katubigan at nagtataglay ng klimang tropikal (tag-araw at tag-ulan). PAGTUKOY NG LOKASYON Ang paraan ng pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar o bansa ay maaaring maiuri sa dalawang kategorya. Absolute Location Relative Location ABSOLUTE LOCATION
Ito ay ang pagtukoy ng lokasyon gamit ang
sistemang grid na kung saan malalaman ang “tiyak” na lokasyon ng isang lugar o bansa. RELATIVE LOCATION
Pagtukoy ng lokasyon gamit ang mga nakapaligid
na anyong lupa at tubig. Nagbibigay ito ng di-tiyak na lokasyon at maaaring makategorya sa dalawang uring relatibong lokasyon. BISINAL
Pagtukoy ng lokasyon gamit ang mga anyong
tubig o bansa na nakapalibot o nakaligid malapit dito. INSULAR
Pagtukoy ng lokasyon gamit ang mga
anyong tubig na nakaligid dito. ACTIVITY #1:SAGUTIN ANG MGA KATANUNGAN.
1. Ano sa iyong palagay ang kahalagahan ng
kaalaman sa pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar o bansa? 2.Nakakaapekto ba ang lokasyon ng Pilipinas sa pagkakaroon ng klimang tinataglay nito? 3.Ano kaya ang maaaring maging pangunahing hanap-buhay ng mga Pilipino batay sa klimang tropikal na mayroon tayo? ACTIVITY 2:GAMIT ANG PANGUNAHIN AT IKALAWANG DIREKSYON, LUMINGON LINGON SA IYONG PALIGID AT ILISTA SA IBABA ANG MGA BAGAY NA MATATAGPUAN MALAPIT SA INYONG TIRAHAN.