Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Filipino

Pananaliksik
Pagbuo ng Suliraning Pampanaliksik

 Bumuo ng limang pangkat.


 Bawat pangkat ay bubunot ng kategoryang na magsisilbing gabay nila sa
pagtatala ng mga suliraning posibleng maungkat mula sa kategoryang napili.
 Halimbawa:
PAG- IBIG – Ano ang mga uri ng panliligaw? Kailan natutong manligaw ang tao?
Saan nagmula ang kultura ng panliligaw? Ano ang luma at bagong paraan ng
panliligaw? Kailan masasabing palpak ang panliligaw? Paano manligaw ang pinoy?
 Matapos makabuo, ito ay iulat sa klase.
 Pagpapasyahan ang magwawaging pangkat batay sa kanilang isasagawang haba
at dami ng nalikhang suliranin.
TANONG:

 Ilan ang naitala mong suliranin mula sa nabunot na kategorya? Ano ang mga
nakatagpong hamon ng pangkat sa pagbuo ng suliranin? Ano ang iyong
obserbasyon o realisasyon sa pagbubo ng mga suliranin mula sa isang paksa?
Bakit mahalaga ang suliranin sa pagbuo ng isang paksang pampananaliksik?
Daong- Kamalayan

 Batay sa isinagawang talakayan ukol sa kasalukuyang kalagayan ng


pananaliksik sa wika at kultura, gayundin matapos bumuo ng bibliograpiyang
may antonasyon, sumulat ng maikling repleksiyon batay sa iyong mga
obserbasyon. Talakayin sa lilikhaing repleksiyon ng papel ang mga napansing
kahinaan at kalakasan ng mga paksang pampapananaliksik at ang
kalahalagahan ng maka-Pilipinong oryentasyon ng pananaliksik. Subukang
pagnilayan ang mahahalagang ambag nito sa pagsusulong ng wika at kulturang
Pilipino. Limitahan sa isang pahina ng bond paper ang gagawing repleksiyon.
Indibidwal na Gawain

 Basahin ang mga sumusunod na abstrak ng pananaliksik at


tukuyin ang pananaw at lapit-pamamaraang ginagamit ng
mananaliksik.Ipaliwanag ang sagot batay sa pagbibigay ng
maikling paliwanag ukol sa pagkakagamit ng nasabing
pananaw at posibleng ambag ng pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino.
Abstrak 1.

 Layunin ng papel na itong palitawin ang ilang tampok ng katangian na


matatawag na “lohika” ng debateng patula na tinatawag na “balagtasan” sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mismong wika at mga kategorya na ginagamit sa
balagtasan.
Upang maisagawa ito, magsisilbing pangunahing batis ng kasalukuyang pag-
aaral ang Jose Corazon de Jesus at Amado V. Hernandez, “Balagtasan sa Lumang
Usapin”(1929). Sa ganitong paraan ay maaring mabigyang-linaw ang mga
pamantayan para sa magaling na balagtasista na inilatag ni Lope K. Santos na
“taas ng diwa, linaw ng katwira’t sarap ng salita.”
Pananaw ng Pananaliksik:______________________________________________
Paliwanag:___________________________________________________________
Abstrak 2.

 Layunin ng papel na ito na talakayin ang katangian ng Pinoy Indie alinsunod sa historical na
pagbalikwas nito at potensyal na gamit bilang awtentiko at makabuluhang materyales sa
pagtuturo ng mga varayti ng wika at panlipunang diskurso. Gayundin,nilalayon ng papel na
makapagmungkahi ng pedagohiyang balangkas na may tumbukang lapit sa paglinang ng kritikal
na pag-iisip ukol sa pag-uugnay ng pagkakaiba-iba ng wika at diskurso nito sa kalagayan ng
lipunang Pilipino. Pokus bilang sampol sa papel ang pelikulang “Tribu”ni Jim Libiran na susuriin
ang gamit ang mukahing balangkas na nakasentro sa pagtuturo ng mahahalagang aspekto sa
pag-aaral ng varayti ng wika, kasabay ng pagsusuri sa panlipunang diskurso nito sa tulong ng
pagbanghay sa mga implikasyong kultural, political, at ekonomikal sa mga sitwasyong pangwika
sa pelikula. Sa huli, ang paglikha ng mga mag-aaral ng sariling maikling pelikula ang
magsisilbing produkto sa pagtataya ng pag-unawa at komunikatibong kasanayan na nalinang sa
kanila sa proseso ng pagsasanib ng akademya at sining pambasa bilang makatuwang na
pwersa sa pagsasabansa, ang unang hakbang sa pambansang pagpapalaya.

Pananaw ng Pananaliksik:______________________________________________
Paliwanag:_______________________________________________________

You might also like