You are on page 1of 13

Modyul 1:

MGA ANGKOP AT
INAASAHANG
KAKAYAHAN AT
KILOS SA PANAHON
NG
PAGDADALAGA/PAGBI
LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8 o
9 hanggang sa kasalukuyan sa aspektong:

a. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more


mature relations) sa mga kasing edad (Pakikipagkaibigan).

b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan.

c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng


tamang pamamahala sa mga ito.

d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa


pakikipagkapwa sa lipunan.
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na
pagpapasya

f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang


nagdadalaga nagbibinata.

2. Natatanggap ang mga pagbababagong nagaganap sa sarili sa


panahon na may pagtataya sa mga kilos tungo sa maayos na
pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang nagdadalaga /
pagbibinata.
MGA ASPEKTO NG TAO:
PANGKAISIPAN
- na may kaugnayan kung
paano mag-isip, makatanda, o
makapagplano sa buhay.
PANGKAISIPAN
• Nagiging mahusay sa debate at
pakikipagtalakayan

• Mas nakapagmememorya

• Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto

• Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman


ng sariling pag-iisip
PANGKAISIPAN
• Nakagagawa ng mga pagpaplano sa kinabukasan

• Nahihilig sa pagbabasa

• Nararamdamang may halaga sa mundo


PANLIPUNAN
- na binibigyan pansin nito ay kung
paano ang tao makisalamuha o
makitungo mula sa mga kasama sa
bahay hanggang sa mga kaibigan sa
labas o sa mga taong nakakasalubong
araw-araw.
PANLIPUNAN
• Pagiging independente sa mga magulang at dumadalang na
makasama ang pamilya.
• Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang nag-aalangang
magpakita ng pagtingin o pagmamahal.
• Karaniwang ayaw sa labis na paghihigpit ng mga magulang.
• Ang mga babae ay higit na nagpapakita ng interes sa
katapat na kasarian.
• Nagkakaroon ng maraming kaibigan.
PANDAMDAMIN
- tumatalakay sa kung ano ang
nararamdaman ng tao maging
mabuti man ito o maganda
(masaya, nagagalit, nag-aalala, at
iba pa)
PANDAMDAMIN
• Madalas na mainitin ang ulo; kadalasang sa mga
nakatatanda o may awtoridad ipinatutungkol ang
mga ikinagagalit.

• Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo,


marka sa klase, at pangangatawan.

• Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga


tinedyer
MORAL
- pagtitimbang kung ano ang tama at
mali, kung ano ang mabuti o ang
masama, ito ay ang kilos ng tao na
gumawa ng mabuti o ng masama sa
kapwa.
MORAL
• Alam kung ano ang tama at mali

• Pinag-isipang mabuti ang mga pasya sa buhay.

• Pantay ang pakikitungo sa kapwa.

• Madalas may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa.

• Hindi magsisinungaling.

You might also like