Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

FILIPINO 114

KULTURANG POPULAR
Mga Paksa;

Uri ng Pelikula
Rebyu sa Kasaysayan ng
Pelikulang Pilipino
Paglalarawan ng Pelikula
bilang Kulturang Popular
“ Unang Pasulit ”
A.
Ibigay ang mga Uri ng Pelikula.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
B. Ibigay ang tamang sagot (2pts each)
1.Ano ang naging ambag ni Jose Nepomuceno sa larangan ng Paggawa ng
Pelikula?
2.Ano ang kauna- uhang Pelikula na ginawa sa Pilipinas.
Uri ng Pelikula
 Pelikulang romantikong komedya
 Anime
 B Movie
 Komedya
 Musikal
 Nationalistiko
 Pelikulang Aksyon
 Drama
 Katatakutan
 Pakikipagsapalaran
Rebyu sa
Kasaysayan ng
Pelikulang Pilipino
Noong 1900 Ang isang Ingles na nag ngangalang Walgrah ang nag palabas ng ilang mga Pelikula sa Pilipinas nag bukas siya ng
sinehan na nagngangalang Cine Walgrah sa calle Santa Rosa sa Intramuros. Ang ikalawang sinehan ay itinayo ng isang Kastilang
negosyante na nagngangalang Samuel Rebarber, Tinawag naman itong Gran Cinematografo Parisen, na nasa calle Crespo sa
Quiapo Noong 1903, Ang isang Pilipinong nagngangalang Jose Jimenez ay nag tayo ng isang sinehang Gran Cinematograpo Rizal
sa Calle Azcaraga (na ngayon ay Abenida C.M. Recto) sa tapat ng Estasyon ng tren sa Tutuban Noong magkaparehas na taon ang
pelikula ay popular na sa pilipinas gumawa sila ng pelikula na tungkol sa Kolonisasyon. na sinasaluhan ng tunog ng Piano at mga
mangaawit sa Manila gran Opera House.

Noong 1905 si Herbert Wynham ay kumuha ng ilang mga eksena sa Manila fire Department, si Albert Yearsly ay kumuha ng
eksena sa selebrasyon ng Rizal day sa Luneta noong 1909; noong 1910 ang Manila Carnival, noong 1911 ang ilang mga kuha mula
sa pag putok ng Bulkang Mayon; Ang kuha mula sa unang labang pang himpapawid sa look ng Maynila ni Bud Mars At ang mga
kuha sa Malaking sunog sa Tondo, Pandacan at sa Paco; pati ang kuha mula sa pag alis ng mga Igorot papunta sa Barcelona at ang
pananalasa ng bagyo sa Cebu ngunit ang mga Pangunahing pelikulang ito ay hindi naging popular sa ating mga Pilipino dahil sa
ito para lamang sa kaalaman ng mga dayuhan.

Ang Komisyon ng Pilipinas ay malaki ang pag papahalaga sa pelikula dahil ito ay isang magandang gamit sa pag hahatid ng
Komunikasyon,impormasyon at Pang aliw, kaya noong 1909, ang Kagawaran ng Siyensiya at Teknolohya ay gumawa ng isang
Laboratoryo ng Pelikula sa Tulong ng isang Photographer na si Charles Martin, sa Pransiya at siyay nag sanay ng ilang mga
Pilipino sa paggawa ng Pelikula, ng Matapos mag sanay ang mga tinuturuan, ay nag simula na silang gumawa ng pelikula,

At noong 1910, ang unang pelikula na may tunog ay nakarating sa Manila sa kagamitan na chordophone ang mga Briton na
kumukuha ng pelikula ay pumunta sa Pilipinas at kumuha ng Magagagandang tanawin sa Pilipinas, tulad sa talon ng Pagsanjan
noong 1911 ng Kinemakolor, At noong 1912, ang isang kumpanya sa Hollywood ay gumawa ng isang Pelikula na ang pamagat ay
La Vida de Rizal na tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani, at dito nag simula ang Pagkakapanganak sa Pelikulang
Pilipino.
Ang kauna- uhang nagawang Pelikulang ginawa ng Pilipinas ay ang Dalagang Bukid sa direksiyon ni Jose Nepomuceno noong 1919
base sa Zarzuela na isang higly-acclaimed MeloDrama ni Hermogenes Ilagan at ni Leon Ignacio. Ang mga unang taga-gawa ng
pelikula ay gumagaya sa mga sa Hollywood kung hindi man ay sa mga aklat.

Noong 1929, ang Syncopation,na isang kaunaunahang pelikulang may tunog ay ipinalabas sa Radio Theater sa Maynila sa Plaza
Sta.Cruz, at gumawa ng Talkie o pelikulang may lapat na tunog sa mga lokal na produser ng pelikula, at noong disyembre 8, 1932
ay ginawa ang unang tagalog na Pelikula na Pinamagatang Ang Aswang, na isa ng Pelikula na may tema ng katatakutan base sa
mga Alamat.

Noong 1930s, ang ilang mga artista at mga produser ay tumutulong sa pag papaunlad pa ng industriya ng pelikula. Ang mga
tao ay namangha sa mga magagaling na pagganap at sa pag pili ng tema ng pelikula, karamihan dito ay tungkol sa mga
pinagdaanan ng mga pilipino sa mga mananakop, tulad ng Patria Amore;Mutya ng Katipunan ni Julian Manansala na mayroong
elemento ng propagandang Anti-spanish .
Si Carmen Concha,Ang unang babaeng derektor sa Pilipinas na gumawa din ng mga ilang Pelikula tulad ng Magkaisang Landas
at ang Yaman ng Mahirap noong 1939,sa ilalim ng Parlatone Hispano-Filipino at ang Pangarap noong 1940 sa ilalim ng LVN
Pictures.

Noong panahon ng mga Hapones, ang paggawa ng Pelikula ay pansamantalang tumigil. Ang mga Hapon ay nagdala ng
kanilang mga pelikula sa Pilipinas, ngunit hidi ito naging popular sa mga Pilipinong manonood, ang mga Propaganda laban sa
mga Hapon ang ginagawa ng mga iilang mga direktor kasama si Geraldo de Leon na tungkol sa relasyon ng Hapon sa Pilipinas.
Isa sa mga propagandang ito ay ang Dawn of Freedom na sa direksiyon ni Abe Yukata at Geraldo de Leon. At sa mga panahong
iyon, ang Komedya nila Pugo at Togo, ay naging popular sa mga panahong iyon na ang tema ay tungkol sa pananakop ng
Bansang Hapon sa Pilipinas na binago bilang Tuguing at Puguing dahil si Togo ay katunog ng Tojo na isang Punong Ministro sa
Bansang Hapon noong dekada 40.
Noong kasagsagan ng digmaaan, ang karamihan sa mga Artista ay nakadipende sa entablado lalo na sa maynila. Ang mga
sinehan noon ay bibihira dahil sa mga kaguluhan.Pagkatapos ng digmaan, ay sumikat ang mga pelikulang ukol sa digmaan, ang
mga tao ay gustung-gusto na makapanood ng mga iyon, na ang karamihang tema ay propaganda, tulad ng Garison 13,(1946) Dugo
ng Bayan, (1946) Walang Kamatayan at Gerilya na isang uri ng naratibong salaysay tungkol sa mga kabayanihan ng mga sundalo
noong panahon ng digmaan. Nag-mature at mas naging malikhain ang mga pelikula, ginawang monopolyo ang industriya ng
pelikula na pumigil sa pagbuo ng mga indie film. Sampaguita, LVN Pictures, Premiere Productions at Lebran International.
Dito din nag simula ang Realismo sa Pelikula ng Pilipinas base sa mga buhay ng pilipino tulad ng tungkol sa mga
napapanahong mga usapin sa lipunang kinagagalawan ng mga Pilipino, sa panahong ito ay naging popular rin ang komedya at
drama.
1950 “Ginintuang Panahon ng Pelikulang Pilipino” Gerardo de Leon at Lamberto Avellana ay nakilala sa buong Asya. Nanalo sa
Asian Film Festival “Ang Asawa kong Amerikana” best script (1954) “Ifugao” ni De Leon, “Anak-Dalita” at “Badjao” ni
Avellana. Nabuo ang award giving bodies Maria Clara Awards (1950), FAMAS (Filipino Academy for Movie Arts & Sciences)
Awards

1960’s Paglitaw ng mga “Amerikanisadong Pilipino” – intelektwal na ayaw ng kabakyaan at kilusang makabayan na may
pagpapahalaga sa masang Pilipino. Kabataang iskolar at intelektwal sa mga kolehiyo – nag-promote na panoorin ang pelikulang
Pilipino at pag-aralan pa ito; isinulong nila ang pagiging makabayan ng pelikula. New wave – bagong paraan ng pagsasapelikula
galing kanluran (makilos na kamera, kolokyal at marahas na paggamit ng lenggwahe)
1960s, tanyag ang mga pelikulang aksyon. Nakilala ang bagong genre na bomba.Nagsara ang Lebran, Premiere Productions at
LVN. Umusbong ang Regal Films. Sarhento Salcedo (1960), Trudis Liit (1963), Mansanas sa Paraiso (1965).

1970s – early 1980s, ginamit ang mga pelikula bilang propaganda laban sa Martial Law. Ipinagbawal ang pelikulang bomba at
tungkol sa pulitika. “Wet look”. Nauso ang “movie idols”
Mga nakilalang bagong direktor dahil sa paksang nagapapakita ng katotohanan ng buhay
Lino Brocka Behn Cervantes Ishmael Bernal.
1980-1990
Ikalawang gintong panahon ng pelikulang pilipino.
Marilou Diaz Abaya gumawa ng mga pelikula sa ikalawang gintong panahon.1970’s
Nauso ang “movie idols”
Jose Rizal, Muro Ami, Baby Tsina at New Moon
Paglalarawan
ng Pelikula Bilang
Kulturang Popular
Ang kulturang popular ay tinatawag ding kulturang kilala, o kulturang bantog. Sa madaling salita ito ang kulturang
uso at kilala sa panahon ngayon. Ito ay pananaw o maging ideya na angkop at kilala sa panahon ngayon, kagaya ng
mga musika, pananamit, mga lugar na patok at pinupuntahan, mga larawan at iba pa.
At ang Pelikula bilang aklat pangkasaysayan sa panahon ng globalisasyon sa kulturang popular, ito ay naging
Uso. Marahil isa ito sa mga makakapangyarihang salita na makapaglalarawan sa anumang anyo ng midya na
tinatangkilik ng mga tao sa isang partikular na panahon.
Magkakaiba ang haba ng panahon ng pagiging popular ng anumang nauuso.
Maaaring ang pagtangkilik sa isang bagay ay maging isang penomeno na nagtatagal ng ilang taon. Subalit
kadalasan, ang mga usong ito ay unti-unting nawawala, nakakalimutan at napapalitan.
Ang pinakamasaklap na maaaring mangyari, ang itinuturing na uso sa mga panahon na ito ay maaaring maging
katawa-tawa o kakutya-kutya sa mga sumusunod na henerasyon.

Ang pelikula kilala din bilang sine at pinilakang tabing isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan
bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing tagapamagitan
para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan, ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang
larangang ito ng akademya bilang pag-aaral ng pelikula. Isang anyo ito ng sining at tanyag na anyo ng mga libangan,
at negosyo. 
“ POST TEST ”
A.
Magbigay ng tig-dalawang halimbawa sa mga nabanggit na uri ng pelikula.

 Komedya
1. The Revenger Squad
2. Praybeyt Benjamin

 Musikal
1. High school Musical
2. Bidoo Bidoo

 Pelikulang Aksyon
1. Ang Probinsyano
2. Manila Kingpin

 Drama
1. Seven Sundays
2. Anak

 Katatakutan
1. Ukat - ukat
2. Shake Rattle & Roll
MARAMING
SALAMAT

You might also like