COT2

You might also like

You are on page 1of 53

Magandang

umaga! 
BALIK-ARAL
Ano ang
maikling
kuwento?
Ano ang mga
elemento ng
maikling
kuwento?
Tutukuyin at ipaliwanag ang
damdaming ipinapakita ng
mga larawan. Pumili ng isa sa
mga naturang larawan at
ipaliwanag kung bakit ito ang
napili.
.
.
.
GABAY NA TANONG:

1. Bilang isang anak nararapat lang ba


na sundin ang sinasabi ng ating
magulang?
2. Paano mo pahahalagahan ang mga
sinasabi ng iyong Ina?
3. Bakit kailangan nating isakatuparan
ang mga payo n gating magulang?
PAGHAWAN NG SAGABAL

Tukuyin ang tamang kahulugan ng


mga salita.
GABAY NA TANONG:

1.Ano ang tanging habilin ng ina sa kaniyang


anak?
2.Natupad ba ang mga tagubiling ito? Magbigay
ng mga patunay.
3.Ano ang mabuting naidudulot ng tagubilin ng
isang ina sa kaniyang anak?
4.Anong mabuting pag-uugali ng mga taga-
Visayas ang nakapaloob sa akda?
ANG HABILIN NG INA
Isinalin sa Filipino ni Magdalena
G. Jalandoni
Maikling Kuwento mula sa Iloilo
Papalubog na ang buwan at mag-aalas
onse na ng gabing iyon.Umuungol ang mga
aso. Sa isang kubong kinatatanglawan
lamang ng lampara ay nakahiga sa isang
payak na higaan ang isang payat at
maputlang babae na halos hindi makakilos
dahil sa malubhang sakit.Nakaupo sa
kaniyang tabi ang isang batang lalaking
may sampung taong gulang.
Sa uluhan ng maysakit ay may maliit
na larawan ng Santo Kristo. Matagal
niya itong tinitigan at pagkatapos ay
hinipo at ilang ulit na hinagkan.
Napabuntung-hininga siya, ang ilang
namumuong luha sa kaniyang mga mata
ay dumaloy na para bang may
mahalagang habilin. Nilingon niya ang
anak at sinabihan.
. “Pinakamamahal kong anak at bahagi ng
buhay ko, ito na ang sandaling
magkakahiwalay tayo. Ako’y mamamatay
na at maiiwan ka rito sa lupa sa pagtahak sa
matinik na landas ng buhay. Maiiwan kang
walang magulang at kapatid. Ang Diyos
ang magiging ama mong
mapagkakatiwalaan. Siya ang magbabantay
at magsisilbing ilaw mo.
magandang asal. Tinuruan kitang huwag
mang-api at magnakaw. Isinasama kita sa
simbahan tuwing Linggo at pista.
Tinuruan din kitang pagsilbihan Siya na
may-ari ng buhay mo. Maaasahan ko
kayang pahahalagahan mo ang
magagandang asal na ito habang buhay
ka?”
Naumid ang dila ng bata at pagkatapos
ng ilang sandali’y nagwikang: “Inay,
igagalang ko ang gusto mo. Susundin
ko ang mga habilin mo habang ako’y
nabubuhay.” Lumipas ang ilang
sandali ng kanilang pag-uusap at
tuluyang pumikit ang mga mata ng
kawawang babae.
bangkay hanggang sa ito’y
binasa ng kaniyang mga
luha. Nagdadalamhating
humikbi ang bata at saka
nagsalita: “Inay ko...Inay
ko...!
Lumipas ang ilang araw at naipalibing
ang bangkay ng kaniyang ina sa tulong
ng mga kapitbahay. Si Crispin, ang
naiwang bugtong na anak sa lupa ay
namasukan sa isang amo may makapal
na bulsa. Makikita siya tuwing umagang
bitbit ang bote ng gatas. Umaalis siya ng
bahay tuwing umaga upang bumili ng
gatas sa kaniyang suki.
Sa kaniyang pag-uwi, dumaraan muna
siya sa simbahan upang magdasal dahil
ito ang habilin ng yumao niyang ina.
Tinutupad niya ito na parang buhay ang
inang nagbabantay sa kaniya. Lumipas
ang mga buwan. Sinusunod ni Crispin
ang lahat ng utos ng kaniyang amo kaya
nabihag nito ang kaniyang pagmamahal.
Walang nangyayaring masama sa kaniyang
paglalakad tuwing umaga maliban lamang
noong isang umagang umuulan nang siya’y
nadulas at nadapa kaya nabasag ang boteng
may lamang gatas. Kinabahan si Crispin
nang makitang dumaloy sa lupa ang lahat
ng laman ng bote at walang naiwan kahit
isang patak. Ito ang kauna-unahan niyang
pagkakamali.
Alam niyang malupit ang kaniyang amo at
marahil kapag nalaman nila ang nangyari
ay isang malakas na palo ang matatanggap
niya. Nanginginig ang buo niyang katawan
sa takot kaya hindi niya napigilan ang pag-
iyak. Natatakot siyang umuwi na walang
dalang gatas kaya bumalik siya sa kaniyang
suki. “Mama….,” ang sabi niya. “Natapon
ang dala kong gatas. Bigyan mo ako ulit.”
“Anak, alam mong singkuwenta sentimos
ang halaga ng dala mong gatas kanina.
Hindi na kita maaaring bigyan pa ng libre.
Bibigyan kita kagaya ng natapon ngunit
ipangako mong babayaran mo
bukas.”Hindi kaagad nakasagot si Crispin.
Huminga siya nang malalim na parang
hindi alam ang gagawin. Ngunit saan siya
kukuha ng perang pambayad sa gatas?
Ito ang katanungang gumugulo sa
kaniyang isipan nang araw na iyon. Wala
siyang mapagkunan ng pera at butas pa
ang kanyang bulsa. Nanginginig na
ipinagtapat niya sa among nagkautang siya
ng singkuwenta.Wala siyang nagawa kaya
nalito siya ng gabing iyon. Dahil sa
matinding pangangailangan, nakalimutan
niya ang habilin ng ina.
Dinukot niya ang bulsa ng amerikana ng
kaniyang amo na nakasabit sa dingding.
Walang ibang nakakita sa kaniya.
Natagpuan niya ang nakahalong
singkuwenta sentimos at iyon lang ang
inumit niya. Binayaran niya ang utang sa
matanda kinaumagahan. Katulad ng ibang
umaga, dumaan siya sa simbahan sa
kaniyang pag-uwi.
Lumuhod siya at nanalangin. Nang itaas
niya ang ulo, nakita niya ang malaking
larawan ng Santo Kristo na sa tingin niya’y
parang malungkot. Tatayo sana siya upang
halikan ang paanan nito ngunit hindi niya
nagawa dahil bigla siyang kinabahan.
Naalala ni Crispin ang habilin ng ina.
Kinatatakutan niya ang kaunting
pagkakamali sa amo.
Naalaala niyang nagnakaw siya noong nakaraang
araw ngunit hindi siya natatakot sa paggawa ng
kasalanang ito sa Diyos na lumikha sa kaniya.
Nanginginig ang buong katawan ni Crispin sa
malaking takot sa Diyos na nagmamay-ari ng
kaniyang buhay. Hindi niya napigilan ang
pagdaloy ng mga luha sa mata. Buong pusong
nagsisi siya. Tiningnan nito ang larawan at
nagsabing, “Panginoon, patawarin mo ako.
Pinagsisisihan ko na ang aking pagkakasala.”
Umuwi siya sa bahay na tinitirhan at walang
takot na ipinagtapat sa among lalaki ang
nagawa. Siya’y nagwika: “Ginoo, inumit ko
ang singkuwenta sentimos sa bulsa ng
amerikana ninyo habang natutulog kayo
kagabi. Naibayad ko na po ang pera sa
matandang pinagkautangan ko ng gatas.
Handa akong tanggapin ang parusang
katumbas ng aking pagkakamali.”
Sa halip magalit ang amo ni Crispin, niyakap
siya nito at hinalikan sabay na nagwikang,
“Simula ngayon, pinagkakatiwalaan na kita at
kapag malaki ka na, magiging katiwala ka ng
mga ari-arian ko.” Nagkatotoo ang pangako ng
amo dahil pinag-aral nito si Crispin. Sa paglipas
ng panahon, siya’y isa nang ganap na binata,
matalino, maka-Diyos at mapagkakatiwalaan ng
lahat kapalit ang pagtupad sa mga habilin ng
kaniyang ina.  
Gabay na tanong:
1. Ano ang tanging
habilin ng ina sa
kaniyang anak?
Gabay na tanong:
2. Natupad ba ang mga
tagubiling ito? Magbigay
ng mga patunay.
Gabay na tanong:

3.Ano ang mabuting


naidudulot ng tagubilin ng
isang ina sa kaniyang anak?
Gabay na tanong:

4.Anong mabuting pag-


uugali ng mga taga- Visayas
ang nakapaloob sa akda?
Ibigay ang kahulugan batay sa
kontekstuwal na pagkagamit
sa pangungusap ng salitang
may salungguhit. Pagkatapos,
gamitin ang kahulugan nito sa
makabuluhang pangungusap.
1. Napabuntung-hininga
siya at saka dumaloy ang
ilang patak ng luha mula
sa kaniyang mga mata.
2. Nilingon niya ang
anak na parang may
mahalagang habilin.
bata at pagkatapos ng
ilang sandali’y
nagwika “Inay,
igagalang ko ang gusto
mo.
4. Hindi niya
napigilan ang
pagdaloy ng luha
sa mata.
5. Nagkatotoo ang
pangako ng amo
dahil pinag-aral
nito si Crispin.
PANGKATANG
GAWAIN
PAMANTAYAN
Pagkamalikhain 30%
Pagkakaisa 20%
Kaayusan 20%
Presentasyon 30%
Kabuuan 100%
Pangkat 1- DULA-WALASTIK: Gumawa ng isang skit
na nagpapakita ng pagpapahalaga sa payo o habilin ng
isang ina (2-3 minuto)
Pangkat 2- TUL-AY: Gumawa ng isang tula na tungkol
sa pagiging mabuting isang ina sa kanyang mga anak.
(2-3 minuto)
Pangkat 3- KANTARIRIT- Lumikha ng awitin tungkol
sa habilin ng isang ina.(2-3 minuto)
Pangkat 4- POSTER- RIFIC - Gumuhit ng poster na
naglalarawan ng isang ina sa tahanan.
1. Ihambing ang palabas na
Honesto sa kadang natalakay.
2. Paano pinakita ni Honesto
ang pagpapahalaga sa
magulang? Ihambing ito sa
. pagpapahalaga sa magulang
(
https://www.youtube.com/watch?v=k39p1NT
3..Tulad nina Crispin at Honesto
UGzQ&feature=share&fbclid=IwAR
2I_Qvm04cS5K2SfB-HuA4F3StCc2RUNDGi17X
e6JHdNJuUz0IjuclNokM
paano mo pinapahalagahan
)
ang iyong magulang?
Pagsunod-sunurin Mo
Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa
kuwento. Tukuyin kung ang mga ito ba
ay nakaayos nang ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod. Kung hindi ay
ayusin ang mga ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga bilang 1 hanggang 5
sa linya.
___ 1. .Walang nangyayaring masama sa kaniyang paglalakad tuwing umaga
maliban lamang noong isang umagang umuulan nang siya’y nadulas at nadapa
kaya nabasag ang boteng may lamang gatas
___ 2. Sa paglipas ng panahon, siya’y isa nang ganap na binata, matalino,
maka-Diyos at mapagkakatiwalaan ng lahat kapalit ang pagtupad sa mga
habilin ng kaniyang ina.
___ 3.“Ginoo, ninakaw ko ang singkuwenta sentimos sa bulsa ng amerikana
ninyo habang natutulog kayo kagabi.
___ 4. Dahil sa matinding pangangailangan, nakalimutan niya ang habilin ng
ina. Dinukot niya ang bulsa ng amerikana ng kaniyang amo na nakasabit sa
dingding.
___ 5. Sa isang kubong kinatatanglawan lamang ng lampara ay nakahiga sa
isang payak na higaan ang isang payat at maputlang babae na halos hindi
makakilos dahil sa malubhang sakit.
Panuto: Basahin ang pangungusap
sa bawat bilang. Tukuyin ang
kontekstong pagpapakahulugan ng
mga salita sa loob ng pangungusap.
Pagkatapos, bilugan ang titik ng
tamang sagot.
“Isang solusyon ang kanyang ginawa, labag man ito sa
kanyang kalooban at habilin ng kanyang Ina. Siya ay nang
umit sa kanyang amo ng sinkwenta sentimos upang
ipambayad sa gatas na kanyang inutang”
1. Ano ang ipinairal na ugali ni Crispin batay sa
pangungusap?
a.Takot dahil ayaw niyang mapagalitan ng amo
b.Galit dahil hindi niya nasunod ang habilin ng
kaniyang ina
c. Konsensya dahil siya ay nangupit
“Siya ay namasukan sa isang among may makapal na bulsa.
Tuwing umaga ang kanyang amo ay bumibili ng gatas ngunit
isang araw natapon ni Crispin ang gatas ng kanyang amo na
nagkakahalaga ng singkwenta sentimos.

2. Ano ang ibig sabihin ng salitang may


salungguhit?
a. Maraming pera
b. Mahirap
c. Kapos sa pera
natapon ni Crispin ang gatas ng kanyang amo na nagkakahalaga ng
singkwenta sentimos.
Dahil sa pangyayaring iyon si Crispin ay natakot at nanginig . Kung
kaya siya ay nag-isip na palitan na lamang ang gatas. Umutang siya
ng gatas sa nagtitinda nito ngunit isang malaking suliranin sa kanya
ay kung paano niya babayaran ang gatas na inutang ni singkong
duling butas ang kanyang bulsa.”
3.Ano ang dahilan kung bakit hindi nasunod ni Crispin ang habilin ng kaniyang
Ina?
a.Natapon ni Crispin ang gatas ng kaniyang amo a nagkakahalaga ng singkwenta
sentimos kaya naisipan niyang mangupit upang mabayaran ito.
b.Nabasag ni Crispin ang plato kaya naisipan niyang itapon na lang ito sa
basurahan
c.Nangupit si Crispin upang makabili ng kanyang pansariling kagustuhan
natapon ni Crispin ang gatas ng kanyang amo na nagkakahalaga ng
singkwenta sentimos.
Dahil sa pangyayaring iyon si Crispin ay natakot at nanginig . Kung
kaya siya ay nag-isip na palitan na lamang ang gatas. Umutang siya
ng gatas sa nagtitinda nito ngunit isang malaking suliranin sa kanya
ay kung paano niya babayaran ang gatas na inutang ni singkong
duling butas ang kanyang bulsa.”
4.Batay sa pangungusap sa pangalawang katanungan ano ang mas umiral na
magandang ugali ni Crispin?
a.Siya ay nanalangin at kanyang napagtanto ang kamaliang kanyang nagawa
at sinabi sa kanyang amo ang totoong nangyari
b.Mas nanalig prin sa kanya ang habilin ng kanyang ina kaya sinabi niya ang
totoo.
c.Tinulungan ni Crispin ang kanyang amo na mag-ayos ng mga gamit.
5.Sino ang sampung taon na bata na
naulila ng maaga sa kanyang ina?
a.Christine
b.Cryslyne
c.Crispin
MARAMING
SALAMAT.. 
GOD BLESS!

You might also like