Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

MAGANDANG

UMAGA!
PANALANGIN
Pag-isipan Mo. Pumikit ng ilang minuto. Isipin na ikaw ay nasa isang daigdig
na napakatahimik. Maraming tao ngunit walang nagsasalita. Nakita mo ang
pinakamatalik mong kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita. Gusto mo
siyang makausap ngunit walang salitang namumutawi sa iyong bibig. Madami
kang gustong sabihin sa kanya ngunit hindi mo masabi. Sagutin ang mga
sumusunod;

1. Ano ang naramdaman mo nang napunta ka sa isang tahimik na daigdig? 2.


Ano naman ang iyong naging reaksyon nang makita mo ang pinakamatalik
mong kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita?
3. Ano ang pakiramdam ng isang taong may gustong sabihin ngunit walang
paraan upang sabihin ang kanyang saloobin?
ANO NGA BA ANG WIKA?

• -Ayon kay Lumbera (2007), parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin
ay nariyan ito. ‘
• -Ayon naman kay J.V. Stalin, ang wika ay isang midyum at isang instrumento na
nakatutulong sa komunikasyon, pagpapalitan ng kaisipan, at pag-uunawaan ng mga tao.
• -Ayon naman kay Henry Gleason, isang dalubwika. Ang wika ay masistemang
balangkas na sinasalitang tunog, na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo, na
ginagamit sa komunikasyon ng tao na kabilang sa isang kultura.
Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may
mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng
mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
KATANGIAN NG WIKA

Masistemang Balangkas ~ lahat ng wika ay may sinusunod na kaayusan o balangkas ng


pagkakabuo.
Kabuhol ng Kultura ~ Yumayabong at
nagbabago ang wika dahil sa taong
gumagamit nito na kabilang sa isang
lipunang may umiiral na kultura.
Ginagamit sa Komunikasyon ~ Nabubuhay ang wika dahil sa patuloy na
paggamit dito ng tao sa komunikasyon.
Nagbabago ~ Dinamiko ang wika. Patuloy ang pagbabago nito sa paglipas ng
panahon. Nakasalalay ang pagbabago ng wika sa taong gumagamit at kulturang
nabubuo sa lipunan.
Natatangi ~ Bawat wika ay may kanya-kanyang katangian na ikinaiba sa ibang
wika. Walang wikang parehong-pareho.
ANG RELASYON NG WIKA AT KULTURA

ANO ANG KULTURA?


Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o
pamayanan ay may sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay
ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga
taong nananahanan sa isang pamayanan. (Santiago, 1979)
Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan
sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa
paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhat, at iba pang mga bagay na
nagugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang
nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian
at adhikain. (Rubrico, 2009)
ANG BAWAT WIKA AY ANGKOP SA BAWAT
KULTURA
Anupa’t ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang kinabubuhulan nito.
Bawat wika ay natatangi. Bawat wika ay naiiba sa ibang wika. Dahil sa iba iba nga ang
kultura ng pinagmulang lahi ng tao, ang wika ay iba iba rin sa lahat ng panig sa mundo.
May etnograpikong pagkakaiba rin sapagkat napakaraming minoryang grupo (ethnic
groups) ang mga lahi o lipi. (Bernales, et al., 2001) Bawat pangkat ay may kulturang
kaiba sa kultura ng ibang pangkat. Ang kultura ng isang pangkat o grupo ay nakatanim at
kusang umuusbong ang isang wikang likas sa kanila.

You might also like