Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

KONTEKSTWALISADON

G KOMUNIKASYON SA
FILIPINO
D. KOMUNIKASYONG PILIPINO
Mga Salitang May Kaugnayan sa
“Pahiwatig” Bilang Pangkagawiang
Kultura ng mga Pilipino
• 1.Pahaging – isang mensaheng sinasadyang sumala o
magmintis, kumbaga parang isang balang dumaan ng
palihis sa tainga at umalingawngaw sa hangin.
• 2. Padaplis – isang mensaheng lihis dahil sadyang
nilalayon lamang na makanti o masanggi nang
bahagya ang kinauukulan, gaya ng isang palaso na
sumagi at nag-iwan lamang ng kaunting galos.
• 3. Parinig – isang malawak na instrumentong berbal para sa
pagpapabatid ng niloloob ng nagsasalita na nakatuon hindi
lamang sa kaharap kundi sa sino mang nakikinig sa paligid.
• 4. Pasaring – tumutukoy ito sa mga berbal na ‘di tuwirang
pahayag ng puna, paratang at iba pang mensaheng
nakakasakit na sadyang iniuukol sa mga nakaririnig na
kunwari ay labas sa usapan.
• 5. Paramdam – isang mensaheng pinaabot ng tao o
sinasabing gumagalang sa espiritu, sa pamamagitan
ng manipestasyon na nahihinuha sa pakiramdam
• 6.Papansin – tumutukoy ito sa mga mensaheng
humihingi ng atensyon , kadalasang ginagawa kapag
pakiramdam ng nagmemensahe ay kulang siya sa
sapat na pansin.
• 7.Paandaran – isang mekanismo ng
pagpapahiwatig na karaniwang nakatuon at
umiikot sa isang paksa o tema na hindi mailahad
nang tahasan at paulit-ulit na binabanggit sa
sandaling may pagkakataon.
E. ‘DI-BERBAL NA KOMUNIKASYONG
PILIPINO
• Panimula
• Bukod sa komunikasyong berbal, ang mga Pilipino ay may
iba’t ibang paraan din ng pagpapahayag ng damdamin gamit
ang komunikasyong di-berbal tulad ng ibang lahi: (ang
pagbibigay-halimbawa dito ay ayon sa naoobserbahang gawi
ng mga Pilipino)
• 1. kinesika (kinesics) 7. pictics
• 2. proksemika (proxemics) 8. olfactorics
• 3. paralinggwistika 9. colorics
• 4. chronemics 10. Iconics
• 5. haptics (sense of touch) 11. Oculesics
• 6. vocalics 12. objectics
1. Kinesika (kinesics)
• Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May
kahulugan ang paggalaw a iba’t ibang bahagi ng ating
katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa
pamamagitan ng ating kilos ay naipapahawatig naman
natin ang mensaheng gusto nating iparating sa iba.
2. Proksemika (proxemics)
Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang
katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo.
Maaaring ang mga kalahok sa komunikasyon ay nasa
pampublikong lugar tulad ng isang nagtatalumpati sa harap ng
kanyang mga estudyante o maaari ring isang karaniwang pag-
uusap sa pagitan ng dalawang magkaibigan.
3. Paralanguage

• Tumutukoy sa mga di-linggwistikong tunog


na may kaugnayan sa pagsasalita tulad ng
intonasyon, bilis, at bagal ng boses.
3. Paralanguage

a. Intonasyon – tumutukoy sa taas at baba ng


boses ng isang tao na may ibig sabihin.
b. Bilis ng pagsasalita – pagpapakita ng mabilis at
mabagal na pananalita na may ibig ipahiwatig.
c. Kwalidad ng boses – nagpapahayag ng
kagandahan at garalgal ng boses na nagpapakita
ng emosyon.
4. Chronemics
• Tumutukoy kung paano binibigyan ng
kahulugang kultura at kung paano ito
itinuturo. Halimbawa sa kultura ng ating oras,
hinahati ito sa Segundo, minuto, oras, araw,
lingo, buwan at taon. (oras ang
pinahahalagahan, hal. oras ng
napagkasunduan; ginagamit ng tao ang oras
sa komunikasyon)
5. Haptics (sense of touch)

• Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon.


Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon.
Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga
magkaibigan o magkakapalagayang-loob.
• Halimbawa: Pagyakap, Paghaplos, pisil, tapik, batok, hipo at
iba pa.
6. Vocalics
• Ito ang paggamit ng tunog maliban sa pagsasalitang tunog.
• (Hal. psssssst… buntong-hininga… ehem…)
7. Pictics

•Nakabase ito sa paggalaw ng


iba't ibang parte ng mukha.
(facial expressions)
8. Olfactorics

•Gamit ang pang-amoy batid


natin ang paglalahad ng
mensahe.
9. Colorics

•Dito nakabase sa kulay ang


pagbibigay kahulugan o
mensahe.
10. Iconics

•Paggamit ng mga icons upang


masabi ang nararamdaman ng isang
tao. (simbolo, hal. traffic lights.)
11. Oculesics

•Tumutukoy ito sa paggamit ng mata, sa


paggamit ng mata, mahusay at mabisa
tayong nakapaglalahad ng ating
emosyon.
12. Objectics

•Gumagamit tayo ng bagay o gamit


tungo sa mas mabisang paglalahad
ng mensahe.
• a. Pagtatampo (tampo) – ito ay damdaming dala ng
pagkabigo sa isang bagay na inaasahan sa isang malapit na
tao gaya ng kapatid, magulang, kamag-anak, kasintahan o
kaibigan. .
• b. Pagmumukmok (mukmok) – ito ay komunikasyong
naipaparating sa pamamagitan ng pagsaswalng-kibo. Ito ay
bunga ng pagpagkasuya, at pagdaramdam. Palatandaan nito
ang pagsasantabi ng sarili sa sulok, o paglayo sa karamihan.
• c. Pagmamaktol (maktol) – akto ng pagpapahayag na ang layunin ay
ipakita ang pagrereklamo, paghihimagsik o pagtutol sa paggawa ng
isang bagay na labag sa kalooban. Ito ay kakikitaan ng pag-ungol,
pagbuka-buka ng labi o pagbulong na kadalasang sinasadyang ipakita
sa taong pinatatamaan ng mensahe.
• d. Pagdadabog (dabog) - ito ay ‘di-berbal na komunikasyon na likas
sa kulturang Pilipino na ang pinakamalaking element ay paglikha ng
ingay gaya ng pagpadyak ng paa, pagbalibag ng pinto, pagbagsak ng
mga bagay at iba pang ingay na intensyonal na ginagawa ng taong
nagdadabog.

You might also like