Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

FIL 112

MGA NATATANGING
DISKURSO SA WIKA AT
PANITIKAN
WIKANG PASALITA AT
WIKANG PASULAT BILANG
INSTRUMENTO NG
RETORIKA
ANG TEKSTO AT KONTEKSTO
• Teksto
binubuo ng mga pangungusap na isinaayos upang
maghatid ng mensahe. Ang mga kahulugang
nakapaloob sa texto ay isinaayos upang magbigay ng
mensahe sa iba’t ibang paraan.
• Konteksto
pagbibigay kahulugan sa mensahe na nais
ipahiwatig ng teksto.
MGA TEORYA NG DISKURSO:
• 1. Speech Act Theory – (Searles’ 1969)
Sa simpleng paliwanag ito ay tumutukoy sa paniniwalang
Ingles na “in saying something, we do something” .
Anuman ang ating sabihin, lagi na itong may kaakibat na
kilos, maging ito man ay paghingi ng paumanhin, pagbibigay-
babala, paghihimok atbp.
Kaugnay ng gampaning lokusyon at ilokusyon, na ang
hangarin ay makilala ang tungkulin o gampanin ng lokusyon –
ito man ay tagatanggap o gumaganap.
Tatlong Akto ng Pagsasalita ng
Tagapagsalita:
a.Gampanin/Tungkuling lokyusyonari
pagsasabi ng isang bagay na makabuluhan o may
katuturan.
Ito ang pagsasaad ng isang pangungusap o bahagi
ng pangungusap na literal na nauunawaan sa
paggamit ng wika.
Ang kaalamang panglingwistika na ang puhunan
sa pagsasagawa ng akto/ kilos .
Hal. Pangako kong tuturuan kitang magsayaw.
b.Gampanin/Tungkuling ilokyusyonari
ay isang tungkulin ng pagsasagawa ng isang bagay o isang
mensahe ayon sa intensyon ng nagsasalita.
May tiyak na puwersa tulad ng pagpapabatid, pag-uutos,
pagbabala atbp.
Hal. A. Pangako: Magkita tayo mamaya at tuturuan kita ng
sayaw.
B. Pakiusap: Edwin, maaari bang turuan mo akong
magsayaw?
C. Pag-utos: Turuan mo akong magsayaw, kung ayaw mong
sisantihin kita sa trabaho.
c.Gampanin/Tungkulin Pelokyusyonari
tungkuling dulot ng pwersang ilokyusyonari.
nagpapalabas o nagtatamo ng isang bagay
tulad ng panghikayat, pagkumbinse at
pagbabawal.
Limang Puntos Ng Ilokyusyonari
At Perlokyusyonari (Ayon Kay
Searle)
Assertives– (Aktong representatibo)
ang mga pahayag ay maaaring husgahan
kung tama o mali dahil naglalayon itong
magpamalas ng kalagayan at kaangkupan ng
proposisyon. (pagtanggap, paghihinuha, pag-
uulat atbp.)
Directives (direktibo)

mga pahayag na naghihimok upang


kumilos o tumugon sa hinihingi ng
proposisyon.
Commisives (Komisibo)

mga pahayag na tumiyak o tumupad sa


aksyong inilalarawan ng nilalaman ng
proposisyon
Expressive (ibalwatibo)

mga pahayag na naglalarwan ng


sinseridad ng kondisyon ng akto sa
pagsasalita tulad ng pasasalamat, pagbati,
paghingi ng paumanhin, pamumuna,
pagtanggi at pagsang-ayon o kaya ay
pagpaparusa atbp.
Declaratives (establisado)
mga pahayag na naglalayong mabago ang
mundo sa pamamagitan ngpagrerepresinta ng
isang pagbabago.
Tulad ng pagbabala, paghirang,
pagpapahintulot, pagpapatawag at pagbibigay-
permiso.
2.Ethnography of Communication
si Dell Hymes ang nagpasimuno sa teoryang
ito.
Tinawag niya itong “ethnography of
speaking” na kalauna’y naging “ethnography of
communication.”
Binigyan niya ng kahulugan ang ethnograpy
of communication na nag-uugnay sa sitwasyon
at gamit, pattern at tungkulin, ng gawi ng
pagsasalita.
Tumutukoy rin ito sa pag-aaral ng
komunikasyon kaugnay sa sosyala at
kultural na pag-uugali at paniniwala.
Nakapokus ito sa kakayahang
pangkomunikatibo: ang kaaalamang
sosyal, sikolohikal, kultural at
linggwistikang may kaugnayan sa angkop
na gamit ng wika.
3.Pragmatic theory
ang salitang “prama” ay galing sa
salitang Griyego na ang ibig tukuyin ay
aksyon, galaw, paggalaw, gawa, gawain.
Ang pragmatik ay ang relasyon sa
pagitan ng wika at ng tao na gumagamit ng
wika.
Ito ang pag-aaral ng mga aktwal na
pagsasalita sa iba’t ibang konteksto.
4.Variationist Theory
nakapokus ito sa baryasyon ng wikang
ginagamit ng taong sangkot sa isang diskurso.
Kinapapalooban ito ng pagkakaiba ng tono,
intonasyon, gamit ng salita gayundin ang
estrukturang panggramatika ng isang ispiker.
Lumaganap ang teoryang ito dahil na rin sa
unti-unting pag-usbong ng iba’t ibang speech
community na nagtataglay ng maraming
baryasyon sa wika.

You might also like