Mga Uri NG Diin at Tuldik

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 42

MGA URI NG DIIN AT

TULDIK
SHEIREEN N. LURIZ
MAED 2A FILIPINO
• Sa pakikipagtalastasan, kailangan ang wastong
pagbigkas ng mga salita upang magkaunawaan ang
dalawang nag-uusap.
• Sa ating wika, maraming salita na iisa ang baybay
ngunit iba-iba ang bigkas.
DIIN
• Ito ay paglalaban ng bigat ng isang pantig sa
pagbigkas ng isang salita.
• Antas ng lakas ng pagbigkas ng salita o bahagi ng
salita.
GAbi gaBI
IBA’T IBANG URI NG DIIN

1. MALUMAY
2. MALUMI
3. MABILIS
4. MARAGSA
TULDIK
• Ang tuldik ay mga pananda sa ilang uri ng diin sa
pagbasa ng mga salitang nakasulat o nakalimbag.
• Ang bawat diin ay may diing kinakatawan o
kinauukulan.
URI NG TULDIK
1. TULDIK NA PAHILIS ( / )
2. TULDIK NA PAIWA ( \ )
3. TULDIK NA PAKUPYA ( ^ )
MALUMAY O BANAYAD O
MALUMANAY
• Ang diin ay laging nasa ikalawang pantig ng salita
buhat sa hulihan; binibigkas ng banayad at hindi
tinutuldikan. Ito ay maaaring magtapos sa patinig
o katinig.
• Walang impit na tunog sa hulihan ng salita
HALIMBAWA:

MAYAMAN
BUNGA
MAHIRAP
MALUMI O BANAYAD NA IMPIT
• Ang bigkas sa malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang
malumanay o malumay.
• Ito ay binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang
pantig buhat sa hulihan subalit ang malumi ay may impit na tunog
sa dulo ng mga salita.
• Palaging nagtatapos sa tunog na patinig.
• Ginagamitan ito ng tuldik na paiwa ( \ ).
HALIMBAWA:

SUKÌ
DAMBUHALÀ
PANLAPÌ
MABILIS O MASIGLA
• Binibigkas ito nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa hulihang
pantig ng salita.
• Wala itong impit na tunog.
• Ito ay maaaring magtapos sa patinig o katinig.
• Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis ( / ) na inilalagay sa ibabaw
ng huling patinig ng salita.
HALIMBAWA:

KULUGÓ
DILÁW
MASAYÁ
MARAGSA
• Binibigkas ito nang tuloy-tuloy na tulad sa mga salitang
binibigkas ng mabilis, subalit ito ay may impit o pasarang tunog
sa hulihan
• Tulad sa malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig.
• Ginagamitan ito ng tuldik na pakupya ( ^ ) na inilalagay sa
ibabaw ng huling patinig ng salita.
HALIMBAWA:
MASIDHÎ
DUGÔ
TUMULÂ
ANG PAGPAPANTIG
•Ang pagpapantig ay paghahati ng
mga salita sa pantig o mga pantig
KAYARIAN NG
PANTIG
P = PATINIG
K = KATINIG
KAYARIAN HALIMBAWA
P u-pa
KP ma-li
PK is-da
KPK han-da
KKP pri-to
PKK eks-per-to
KKPK plan-tsa
KKPKK trans-por-ta-syon
KKPKKK shorts
PAGPAPANTIG

a. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa


posisyong inisyal, midyal at final na salita, ito ay hiwalay sa
mga pantig.
SALITA MGA PANTIG
aalis a-a-lis
maaga ma-a-ga
totoo to-to-o
PAGPAPANTIG

b. Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob


ng isang salita, maging katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa
patinig na sinusundan at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod.
SALITA MGA PANTIG
Buksan buk-san
Pinto pin-to
Kapre kap-re
PAGPAPANTIG

c. Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na


magkakasunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama
sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa patinig na kasunod.
SALITA MGA PANTIG
eksperimento eks-pe-ri-men-to
transkripsyon trans-krip-syon
PAGPAPANTIG
d. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang
kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, pl, tr, ang unang katinig ( m o n) ay
sa sinusundang patinig kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na
patinig.
SALITA MGA PANTIG
asembleya a-sem-ble-ya
sentro sen-tro
alambre a-lam-bre
PAGPAPANTIG

e. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang


salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na
sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.
SALITA MGA PANTIG
ekstradisyon eks-tra-dis-yon
eksklusibo eks-klu-si-bo
ANG PAG-UULIT NG
PANTIG
PAG-UULIT NG PANTIG

A. Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay


patinig, ang patinig lamang ang inuulit.
a-lis a-a-lis
ekstra e-eks-tra
Ang tuntunin ding ito ito ang sinusunod kahit may unlapi ang salita.
mag-alis mag-a-a-lis
umekstra u-me-eks-tra
PAG-UULIT NG PANTIG

B. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP


(katinig-patinig) ang katinig at ang kasunod na patinig lamang
ang inuulit.
basa ba-ba-sa mag-ba-ba-sa
lakad la-la-kad ni-la-la-kad
sulat su-su-lat mag-su-su-lat
PAG-UULIT NG PANTIG

C. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (klaster na


katinig) na kayarian, dalawang paraan ang maaaring gamitin.
Batay ito sa kinagawian ng nagsasalita o variant ng paggamit
ng wika sa komunidad.
- inuulit lamang ang unang katinig at patinig
plan-tsa - pa-plan-tsa-hin - mag-pa-plan-tsa
pri-to - pi-pri-tu-hin - mag-pi-pri-to
PAG-UULIT NG PANTIG

- Inuulit ang klaster na katinig, kasama ang patinig


plan-tsa - pla-plan-tsa-hin - mag-pla-plan-tsa
pri-to - pri-pri-tu-hin- mag-pri-pri-to
ANG GAMIT NG
GITLING
GAMIT NG GITLING

1. Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig


ng salitang-ugat.
araw-araw dala-dalawa
isa-isa sari-sarili
apat-apat kabi-kabila
GAMIT NG GITLING

2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang


nilalapian ay nagsisimula sa patinig kapag ito’y hindi
ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan.
mag-alis may-ari
nag-isa tag-init
mang-uto nag-ulat
GAMIT NG GITLING

3. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang


pinagsama
pamatay ng insekto - pamatay-insekto
humigit at kumulang - humigit-kumulang
bahay na aliwan - bahay-aliwan
dalagang tagabukid- dalagang-bukid
GAMIT NG GITLING

Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay


magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling
ang pagitan nito.
dalagambukid (isda) dahumpalay(ahas)
GAMIT NG GITLING

4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand


o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang
tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
maka-Diyos mag-Pal
maka-Rizal maka-Johnson
pa-Baguio taga-Luzon
GAMIT NG GITLING

Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may


unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inuulit na
unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.
mag-Japan magja-Japan
mag-coke magco-Coke
mag-Zonrox magzo-Zonrox
GAMIT NG GITLING

5. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o


pamilang.

ika-3:00 ng hapon ika-20 pahina


ika-9 ng buwan ika-7 kabanata
GAMIT NG GITLING

6. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.

isang-kapat (1/4)
limàt tatlong-kapat (5 ¾)
GAMIT NG GITLING

7. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng


babae at ng kanyang bana o asawa.

Jane Kibla - Lartec


Dolores Sunga - Tanawan
GAMIT NG GITLING

8. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang


linya.

You might also like