Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 91

FILIPINO BILANG

LARANGAN
AT FILIPINO SA IBA’T IBANG
LARANGAN
IKATLONG BAHAGI
PANTAONG SINING (HUMANITIES)

Ang pantaong sining (Humanities) ay inilalarawan


sa pamamagitan ng mga kwento, ideya, at mga
salita na tumutulong sa atin upang maging higit na
makabuluhan ang ating buhay at ang mundo.
Isang Akademikong disiplina na pinag-aralan ang
kultura ng tao.
Gumagamit ito ng mga metodo na kritikal o
mapalaisipan at mayroong makabuluhang
elementong pangkasaysayan kung ihahalintulad sa
mga dulog na mula sa obserbasyon (empirical) at
likas na agham (natural sciences).
ANTROPOLOHIYA
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa pinagmulan ng iba`t ibang lahi ng tao noon at
ngayon.
Ito ay holistiko sapagkat tinitingnan sa dalawang kamalayan: pag-alala sa lahat
ng tao sa bawat panahon at sa bawat kasukatan ng sangkatauhan.
Ang kultura ay nasa gitna ng usapin ng antropolohiya kasama ang kaisipan na
bumabalangkas ang ating uri sa pangkalahatang kakayahan na isipin ang daigdig
sa pamamagitan ng mga simbolo.
Ang salitang antropolohiya ay nanggaling sa salitang antropo na
nangangahulugan ng pagiging tao at salitang logia na ang kahulugan ay salita.
ARKIYOLOHIYA(ARCHAEOLOGY)

Ito ay tumutukoy sa mga gawain ng tao sa


pamamagitan ng pagbawi at pagsusuri sa mga
material na kultura.
 Ang mga patunay sa pag aral na ito ay
kinakakasangkutan ng mga artifact, arkitektura,
biofacts o ecofacts, at mga landscape na kultural.
KASAYSAYAN(HISTORY)
Ito ay isang sistematikong kalipunan ng mga
impormasyon hingil sa nakaraan na kung
gagamitin sa larangan ng pag-aaral ay
tumutukoy sa interpretasyon ng mga tala
hingil sa tao, lipunan, institusyon at kahit na
anong paksa na nagbago sa loob ng panahon
LINGGWISTIKA (LINGUISTICS) AT WIKA
(LANGUAGE)
Ang linggwistika na itinuturing na siyentipikong
pag-aaral ng wika ay itinuturing na agham
panlipunan (social science), likas na agham (natural
science) o kognitibong agham, ang pag aaral naman
ng mga wika ay nananatiling pinakapuso ng pag
aaral ng pantaong sining (humanities).
LITERATURA

Sinasabi na ang literatura ang sumasalamin sa kaluluwa ng isang bansa.

Kinabibilangan ito ng mga akdang nakasulat at nagtataglay ng meritong pangliteratura; wika
na kinakikintalan ng pagiging aral na sumasalungat sa paggamit ng ordinaryong wika.

Ang salitang ito ay nanggaling sa salitang latin na litteratura na ang kahulugan ay pagsulat
na binubuo ng mga titik, bagamat may ilang mga depinisyon na kinabibilangan ng mga
ssinasalita o inaawit ng mga teksto.

Ang literatura ay mauri sa gawa-gawa (fiction) o batay sa katotohanan (non-fiction) at maari
ring prosa (prose) at patula (poetry).

Maari ring makilala ang literatura sa iba nitong anyo na katulad ng nobela, maikling kwento
o drama.

Maari ring tingnan na kategorya ng literatura ang panahong pangkasanayan,o sa genre.
PILOSOPIYA (PHILOSOPHY)
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa mga suliraning may
kaugnayan sa mga bagay na katulad ng pag-iral
(existence), karunungan, pangangatwiran, katotohanan,
katarungan, tama o mali, kagandahan, utak, at wika.
Ito ay iba sa maraming larangan sapagkat ito ay
nananalig sa makatwirang argumento sa halip na sa
produkto ng mga eksperimento.
TATLONG PANGUNAHING SANGAY NG
KARUNUNGAN
Ang mga sumusunod ay ang tatlong
pangunahing sangay ng karunungan:
likas na agham (natural sciences),
agham panlipunan (social sciences) at
ang pantaong sining (humanities).
Ang teknolohiya ay ang praktikal na duktungan ng
likas na agham.
Pulitika ang praktikal na duktungan ng agham
panlipunan.
Kaugnay nito ang pagtaong sining (humanities ay
mayroon ding praktikal na dugtungan na tinatawag na
transformative humanities o culturonics.
LARANGAN NG MEDIA
Malaki ang papel na ginagampanan ng midya sa
buhay ng mga Pilipino at ng maraming tao saan
mang panig ng mundo.
Nagsisilbi itong daluyan ng komunikasyon na ang
layunin ay magbigay ng kaalaman, impormasyon,
diskurso, libangan, at marami pang iba.
SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN SA PAG-
AARAL SA EPEKTO NG MIDYA (MEDIA)
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga
siyentipikong pamamaraan upang ating maunawaan
ang epektong naidudulot ng midya (media) sa buhay
ng bawat isa:
1. Emperisismo – Ang direktang karanasan ng isang
tao ay makatotohanang daluyan ng kaalaman
hinggil sa epekto ng midya.
2. Pananalig sa Awtoridad (Authority) –
Ang ating pananalig sa kahusayan ng
mga doctor sa larangan ng siyensiya ay
nagbubunga ng ating pagtuklas sa
lunas sa ating mga karamdaman.
(Usapin na ang ating kaalaman na ang doctor ay
nagtataglay ng karunungan na higit sa ating
karunungan ay nagbubunga ng shortcut sa ating
paniniwala na ang konklusyon ng kahit na sinong
doctor ay mapagkakatiwalaan bilang awtoridad.
Ang ganitong nosyon ay maaaring magdulot ng
hindi magandang resulta)
3. Siyensiya – Tumutukoy ito sa tiyak na
pamamaraan na alamin ang isang bagay.
Isa sa matatag na sandigan ng
siyentipikong pamamaraan ay ang
sistematikong obserbasyon na
kabaligtaran ng kaswal na obserbasyon.
LAYUNIN NG SIYENSIYA
Ang siyensya ay may iba’t ibang layunin katulad ng
mga sumusunod:
1. Pagbibigay ng Prediksyon – Tumutukoy ito sa
pagsasabi sa maaaring mangyari. Isa sa
pangunahing layunin upang matukoy ang epekto
ng midya (media) ay ang pagkakaroon ng tiyak
na prediksyon.
Halimbawa: Ginagamit ng mga magulang o
mga nakatatanda sa paggabay ng midya
(media) ng kanilang mga anak ang kanilang
prediksyon sa mga pangyayaring magaganap
sa isang midya (media) batay sa tema na
tinataglay nito.
2. Pagpapaliwanag – Layunin ng
siyensya na ipaliwanag kung ano ang
mga pangyayari, mga dahilan kung
bakit ito nangyari, at mga ugnayan ng
isang pangyayari sa iba pang
pangyayari.
3. Pag-unawa – Ang pag-unawa ay
may kinalaman sa pag-alam sa
partikular na pagsunod-sunod ng
mga kaganapan na nagbunga ng
penomena ng interes.
4. Kontrol – Kung ang mga siyentipiko ay
kayang magbigay ng tiyak na
prediksyon, magpaliwanag, at umunawa
sa penomena, siya rin ay may kakayahan
na kontrolin sa ilang pagkakataon ang
isang penomena.
Halimbawa: Dahil sa prediksyon ng pagdating ng bagyong
Ompong sa Pilipinas noong Setyembre 14 2018 na maaaring
magdulot ng malaking pinsala sa bansa na katulad ng
pinsalang dala ng bagyong Yolanda sa Tacloban noong 2014,
ang pamahalaan ay nabigyan ng higit na pagkakataon na
mapaghandaan ang pangyayaring ito dahilan kung bakit higit
na naiwasan ang pagtaas ng antas ng kaswalidad sa buhay ng
tao at pagkapinsala ng ilang ari-arian.
PAGPAPATULOY…
MGA METODO SA PAG-AARAL SA
EPEKTO NG MIDYA
• Ang mga sumusunod ay mga tiyak na metodo na ginagamit sa pag-
aaral upang malaman ang epektong maidudulot ng midya (mediya)
1. Pagsusuri ng Nilalaman ng Midya (Analyzing Media Content)
2. Sarbey (Survey)
3. Eksperimentasyon (Eksperiment)
PAGSUSURI NG NILALAMAN
(CONTENT ANALYSIS)
• Sa pamamagitan ng pagsusuri ng nilalaman (content analysis) ay mailalarawan ng
mananaliksik ang kalikasan ng nilalaman ng komunikasyon sa isang sistematiko at
mahigpit na pamamaraan. Ang metodong ito ng pag-aaral ay maaaring gamitin sa
lahat ng uri ng komunikasyon, ngunit higit na akma sa mensahe ng nanggagaling sa
komunikasyong pangmedia (mass media) sapagkat hinahayaan nito na masusing
mailarawan ang sarisaring nilalaman ng mensahe ng mediya. Ang metodong ito ay
lohikal na punto ng panimula para sa imbestigasyon sa pagsusuri na maaaring idulot
ng midya (media).
• Ang pagsusuri ng nilalaman ay isang pamamaraan ng pananaliksik
para sa isang obhetibong, sistematiko, at kwantitatibong deskripsyon
na nagpapakita ng nilalaman ng komunikasyon. Ito ay isang metodo
na kung saan ay hinahayaan ang mananaliksik na ilarawan ang mga
mensahe sa kwantitatibong terminolohiya sa kabila na ang mga
mensaheng ito ay berbal o hindi kwantitatibo ang kalikasan o nature.
• Higit na pinahahalagahan ng pagsusuri ng nilalaman o content
analysis ang pagkokoda ng mga nakikitang nilalaman (manifest
content) kaysa mga hindi aktibong nilalaman (latent content).
• Ang mga nakikitang nilalaman (manifest content) ay tumutukoy sa
mga materyal na nakikita at nangangailangan ng minimum na
pagpapakahulugan ng nagkokoda. Ang mga hindi aktibong nilalaman
(latent content) ay mga nilalaman na maaaring makita matapos na
bigyan ng interpretasyon (o read between the lines) ng tagakoda ang
mensahe bago isagawa ang pagkokoda.
Halimbawa:
Maaaring gamitin ng tagakoda ang linya ng awiting Anak ni Freddie Aguilar
“At ang iyong mga mata’y biglang
lumuha ng di mo pinapansin”

Sa panlabas na pagpapakahulugan ay makikita natin na ang pahayag ay


bigyan ng koda na maaari nitong sabihing luha na nanggaling sa kaibuturan ng
puso… luha na kusang lumabas at hindi pinaghandaan. Subalit, maaaring
magbago ang kahulugan nito kung titingnan ang konteksto nito sa kabuuan ng
awiting anak. Ang pagpatak ng luha ay maaaring maiugnay sa pagsisising
nararamdaman ng isang anak sa mga kasalanang kaniyang ginawa sa kaniyang
mga magulang.
HALIMBAWA NG MGA PAG-AARAL NA
GINAMITAN NG PAGSUSURI SA NILALAMAN
(CONTENT ANALYSIS)
• Sina Bombieri G. et al (2018) ay nagsagawa ng pag-aaral sa paraan ng paghawak ng media sa mga balita
hinggil sa pag-atake ng paninira (predator) gamit ang pagsusuri ng nilalaman (content analysis) bilang
metodo sa pangangalap ng mga datos. Ayon sa kanila, ang pag-unawa sa paraan ng paghawak ng media sa
pagpapakita ng mga pag-atake at kung paano ito nakaaapekto sa pananaw ay makapagbibigay ng kalinawan
sa potensyal na estratehiya kung paanong ang tao ay mabubuhay kasama ng mga predator o espesye na ito.
Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang nangalap ng mga ulat ng media sa pag-atake ng mga predator
sa tao at sinuri ng nilalaman nito. Halos kalahati (41.5%) ng mga sinuring datos ay naglalaman ng elementong
grapiko. Ang pagkakaiba-iba ng framing ng mga pangkat ng predator o espesye ang nakita na kung saan ang
pating at leopards ang may pinakamataas na antas ng ulat grapiko, at ang canids, at bears ang may
pinakamataas na antas ng bilang ng neutral na ulat. Ayon sa kanilang pag-aaral, pagkiling o bias sa pagbibigay
ng ulat na ito hinggil sa mga predator ay makapagpapataas ng antas ng takot at makapagpapabawas sa suporta
sa konserbasyon ng mga predator sa halip na magkaroon ng tamang kalinawan hinggil sa mga predator.
• Sa isang pag-aaral na isinagawa nina Hurwitz Liza B. et al (2018), kanilang sinabi na ang pagsusuri ng nilalaman
(content analysis) ay makatutulong sa paglalarawan ng pagkalat o pangingibabaw ng mensahe ng media at ang
epekto na nakapaloob dito. Subalit ang content-based na pananaliksik na nakatuon ang pansin sa dinamika ng
bagong produkto ng media katulad ng websites, mobile applications, at video games ay nagpapakita ng hamon sa
larangan ng metodo ng pag-aaral. Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay nagsagawa ng isang large-scale na
pagsusuri ng nilalaman (content analysis) na ginagalugad marketing ng pagkain sa mga bata sa mga midya
platforms na kung saan ay nasasaklaw at sinuri ang baryedad ng mayamang nilalaman ng midya (media-rich-
content). Ang mga mananaliksik sa pag-aaral ay kumunsulta sa iba’t ibang sanggunian upang makabuo ng
sampling frame, gumamit ng complex sampling technique upang mapahintulutan ang paglalahat (generalization)
ng mga natuklasan, gumamit ng screen capture software upang maitala ang ekplorasyon ng mga produkto ng
media pag-aanalisa sa mga datos gamit ang video coding software, at gumawa ng sariling iskala upang matukoy
ang target ban na audience ng mga tiyak na produkto ng media. Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang mga
hakbang na ito ay makapagbibigay ng mahalagang pananaw sa mga nagnanais na magsuri ng nilalaman (content
analysis) sa mga mayamang nilalaman ng midya (media rich content) at hanapin ang mga hamon ng mga content
analysis sa mga nakalipas na dalawang dekada.
• Ang pagsusuri ng nilalaman (content analysis) ay kilalang pamamaraan ng pananaliksik na ginagamit
upang suriin ang hindi mabilang na teksto kasama ang mga mensaheng political. Sa larangan ng
pananaliksik sa media (media research), ito ay popular na pamamaraan upang sistematikong masuri ang
nilalaman ng media. Sa kasalukuyan, ang mga mananaliksik ay patuloy na gumagamit ng kilalang
pamamaraang pagsusuri ng nilalaman (content analysis technique) na orihinal na nakadisenyo sa
tradisyunal na media ng web-based at social media. Subalit ang gamit ng kilalang pagsusuri ng nilalaman
(content analysis) sa kaligirang digital ay sinasabing nagtataglay ng maraming usapin kung titingnan ang
liquidity ng nilalaman ng online. Ang pag-aaral nina Ahmad at Buyong ay nakabatay sa empirical na
pananaliksik na isinagawa noong pangkalahatang eleksyon sa panahon ng pangangampanya nang 2013
na kung saan ay sinuri ang tipo ng mga balitang pampulitika sa mga news portal: Malaysiakini. Kanilang
naging argumento na ang paggamit ng pagsusuri ng nilalaman (content analysis) sa pagsusuri ng online
news ay nangangailangan ng ibang pamamaraan lalong higit sa larangan ng pagkuha sa pagbabago ng
nilalaman ng news portal. Binigyang halaga sa papel na ito ang mga usapin at hamong sa paggamit ng
pagsusuri ng nilalaman (content analysis) sa mga online news (Ahmad at Buyong, 2017).
SARBEY

• Ang paggamit ng sarbey (survey) ang isa sa pinakapopular at gamiting


metodo ng pag-aaral na kung saan ang mananaliksik ay pumipili lamang ng
sampol sa malaking bilang ng populasyon. Malaki ang papel na
ginagampanan nito sa pagbuo ng mahalagang desisyong ng tao. Ang
pagtangkilik ng tao sa mga programang pantelebisyon at iba pang
plataporma ng midya (media) ay maaaring sukatin sa pamamagitan ng
sarbey (survey)
GABAY SA PAGBUO NG TALATANUNGAN
PARA SA SARBEY (SURVEY)
• Ang mga sumusunod na talatanungan para sa sarbey (survey) ay makatutulong sa pangangalap ng
iba’t ibang uri ng datos para sa isang kapani-paniwalang pag-aaral o pananaliksik.
1. Mga bukas na katanungan (open-minded) – Halimbawa: Ano para sa iyo ang maayos na
programang pangtelebisyon? Gaano ito kahalaga sa iyo?
2. Mga katanungan na maraming pagpipilian (Multiple Choice Question)
Halimbawa:
Kasarian: _______Lalaki Edad: __________18-21
_______Babae __________22-25
__________26-29
3. Mga Katanungang Iskalang Ordinal (Ordinal Scale Question)
Halimbawa: Ibigay ang kahalagahan ng sumusunod na prayoridad ng isang kandidato
sa pagka-pangulo na siyang salik sa pagpili mo sa kaniya bilang Pangulo ng Republika
ng Pilipinas. Lagyan ito ng ranggo gamit ang bilang 1 hanggang 5, na kung saan ay 1
ang pinakamataas.
_______Kahirapan
_______Kriminalidad
_______Ibayong dagat (foreign policy)
_______korapsyon
_______Edukasyon
4. Mga katanungang may iskalang interbal (Inteval Scale Question)
Halimbawa: Ibigay ang antas ng iyong pagsang-ayon sa teleseryeng
ang probinsyano gamit ang sumusunod na iskala:

4 – Mataas ang Antas ng Pagsang-ayon


3 – Sumasang-ayon
2 – Hindi Sumasang-ayon
1 – Mataas ang Antas ng Hindi Pagsang-ayon
4 3 2 1

1. Ang tema ng palabas ay higit na nagpapakita ng pagpapahalaga sa bayan


kaysa sa sariling kapakanan lamang;

2. Ipinakita rin sa palabas ang pagpapahalaga ng tao sa pamilya na


magandang katangian ng mga Pilipino

5. Mga Katanungan ng Kinabibilangan ng iskalang Ratio


ANG PAMAMARAANG
EKSPERIMENTAL
• Ang pangangalap ng datos sa ganitong uri ng pag-aaral ay direktang
kinakalap sa tao. Subalit, hindi katulad ng sarbey (survey), ang mga
datos sa ganitong uri ng pag-aaral ay makukuha sa ilalim ng kontrol
ng isang sitwasyon na maaaring ang mananaliksik ay mayroong
partisipasyon.
MAHAHALAGANG PAMANTAYAN SA
DISENYO NG PAG-AARAL
• Ang sumusunod ay mahahalagang pamantayan na dapat isaalang-
alang sa pagbuo ng disenyo ng pag-aaral.
1. Balidad (validity)
2. Pagiging Makatotohanan (reliability)
BALIDAD (RELIABILITY)
• Ito ay ang pagtatasa kung nasusukat ba ng pag-aaral ang nararapat nitong
sukatin.
Halimbawa: Kung ang disenyo ng pag-aaral ay inihanda upang sukatin ang
papel na ginagampanan ng social media sa desisyon ng taong bayan sa pagpili
ng politikong nais nilang iluklok sa pwesto, maaaring bigyan ng pagsusuri ang
talatanungan kung ang pagkakabuo ba ng teorya ay makikita o mababanaagan
sa talatanungan at kung paano ginamit ang bawat baryabol upang ilarawan
ang papel na ginagampanan ng social media sa kanilang mahalagang desisyon
sa paboto.
• Sa kabilang dako, ang pagiging makatotohanan (reliability) ay isang
mahalagang pamantayan sa pananaliksik na kung saan inilalarawan
nito kung gaano katama ang isang sukatan at maaari ring tawagin sa
Ingles na “repeatability”. Sinasagot nito ang konsistensi ng pagsukat
mula sa isang sampol at iba pa. Maaaring tingnan bilang pamantayan
kung ang isang pag-aaral ba ay uulitin, ang kalalabasan ba ng inulit
na pag-aaral ay katulad din lamang ba ng nauna (*kailangang
isaalang-alang ang panahon ng unang pag-aaral at ikalawang pag-
aaral).
• Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga pamamaraan upang
sukatin ang pagiging makatotohanan (reliability) ng isang pag-aaral:
1. Test – retest na kung saan ay sinusukat ang ugnayan ng mga
sampol sa mga sinuring katanungan;
2. Reliability na pagtataya na katulad ng Cronbach’s Alpha.
IBA’T IBANG URI NG EPEKTO NG
MEDIA
• Ang epekto ng media na maaaring malakas o mahina ay nakabatay sa
mensahe, midyum, manunood, at ng tipo ng epekto na pinag-aaralan.
• Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga uri ng epekto ng media
1. Micro-level o Macro-level
2. Content-specific o Difuse-general
3. Alteration laban sa Stabilization
MICRO-LEVEL O MACRO-LEVEL NA
EPEKTO NG MEDIA
• Ang Micro-level ay kinasasangkutan ng epekto sa bawat gumagamit ng
media. Ang mga pag-aaral na nakabatay sa pamamaraang eksperimental ay
karaniwang nakadisenyo upang ilantad ang mga macro-level na epekto. Ang
mga pag-aaral na karaniwang sinusubaybayan ang pisyolohikal na
manipestasyon habang nanonood ng palabas na temang kapana-panabik
(suspense) ay nakaaapekto sa pisyolohikal na pangangatawan ng bawat
indibidwal.
• Ang Macro-level naman ay maaaring kasangkutan ng epekto ng media sa
mas malawak na sakop o komunidad.
TIYAK NA NILALAMAN (CONTENT-
SPECIFIC)

• Ang pagsukat sa epektong ito ng media sa nanunood ay nakatuon sa


impluwensyang naidudulot ng dalas na paggamit ng media sa pag-
uugali o kilos ng manonood.
HALIMBAWA NG MGA PAG-AARAL NA
GINAMITAN NG TIYAK NA NILALAMAN
(CONTENT-SPECIFIC)
• Lumabas sa pag-aaral na isinagawa nina Salim et al., (2012) na ang
mga prosocial na video games ay nakatutulong sa mga bata na may
edad 9-14 na mabawasan ang kanilang ugali na makapanakit ng
kapwa na taliwas sa masamang naidudulot ng isang bayolenteng
video game. Ang mananaliksik sa pag-aaral na ito ay gumamit ng
tiyak na nilalaman (content-specific) bilang pamantayan ng kanilang
pag-aaral.
• Sa artikulo ni Kotrla (2007) ay kanyang sinuri ang epekto ng pagkakalantad
(exposure) ng karanasan at temang sekswal ng mainstream media sa pag-uugali ng
bata at kabataan sa sekswal na kilos sa US. Napansin sa pag-aaral na ito na ang
mga kabataan na may matataas na antas ng pagkakalantad (eksposure ay higit na
may malaya o liberal na pananaw sa sekswal na gawain bago at sa labas ng
matrimonya ng kasal, itinuturing ang sekswal na gawain bilang pampalipas ng
oras, at may mataas na negatibong pag-uugali sa mga restriksyon ng mga materyal
na oryentasyong sekswal. Bilang dagdag, ang mataas na pagkakalantad (exposure)
sa mga karanasan sa media ay maiuugnay nang paulit-ulit sa pagtaas ng pagiging
agresibo ng ugali at kilos. Binibigyan-diin ng mga mananaliksik ang kahalagahan
ng aktibong pagtuturo sa mga bata sa kritikal na pagsusuri sa lahat ng sanggunian
ng media (media sources) upang maiwasan na sila ay masaktan sa hinaharap.
• Nakita sa pag-aaral nina Bijvank et al. (2009) na ang restriksyon sa
edad at karahasang taglay ng media ay nakapagpapataas ng antas ng
pagkagusto ng lahat ng pangkat ng edad (age groups) kahit na sa 7
hanggang 8 taong gulang na babae. Sinasabi sa pag-aaral na ito na
ang mga video games na may mga di-katanggap-tanggap na
nilalaman (objectional content) ay makapagdudulot ng masamang
epekto sa bata at mga kabataan.
• Ang mga magulang ay may malaking papel na ginagampanan sa
paghulma ng pag-uugali ng kanilang mga anak lalo na sa kasalukuyang
panahon na napakaunlad na ng teknolohiya at maging ng media. Sina
Nikken at de Haan (2015) naman ay nagsagawa ng pag-aaral hinggil sa
paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak sa paggamit ng
internet sa kanilang mga tahanan. Gumamit sila ng mga online na mga
talatanungan sa 785 na mga magulang (na may anak na 0-7 na taong
gulang) sa Netherlands. Lumabas sa kanilang pagsusuri na ang mga
magulang na nakararanas ng suliranin sa kanilang mga anak ay
mayroong negatibong pananaw sa media, ang presensya ng higit na
matatandang kapatid sa parehong tahanan na ang mga bata na paksa o
subject ng pag-aaral ay aktibo sa paggamit ng social media.
• Ang mga magulang na may pakiramdam ng kahusayan o competence ay may
positibong pananaw sa epekto ng media, ang presensya ng higit na
nakatatandang kapatid ay makikita, at ang pagkakaroon (involvement) ng bata
na paksa o subject ng pag-aaral sa educational na mga laro at antas ng
kasanayan sa media. Nakararamdam ang mga magulang ng mababang
kumpiyansa kung ang kanilang mga anak ay aktibo sa social media. Ang suporta
ang pangunahing nakabatay sa antas ng suliraning kinakaharap. Bukod dito ay
kumukunsulta rin sila sa mga propesyunal lalo na kung ang mga magulang ay
nakararamdam ng mababang kumpiyansa kung ang mga anak ay aktibo sa social
media at walang ibang nakatatandang kapatid ang makikita sa tahanan.
Humihingi ng tulong o payo ang mga magulang sa kanilang mga kaibigan at
kamag-anak kapag mayroon silang negatibong pananaw sa epekto ng media.
ALTERASYON
• Ang madalas na paggamit ng media ay maaaring magdulot ng
impluwensya sa publiko na magbago ang kanilang pananaw o kaya
ay tangkilikin ang isang tiyak na pulitiko o maging ng isang
produkto. Sa kabilang dako, ang epekto ng media ay maaari ring
tingnan sa aspeto kung paano buti mapapanatili ang desisyon o status
quo o pagtutulak sa kapangyarihan ng istabilidad (stability)
ABSTRACT
• Sinabi nina Johann et al. (2017) sa kanilang pag-aaral na mataas ang antas ng mamayan na
nagpapalitan ng kanilangparty preferences sa panahon ng kampanya. Kanilang sinuri kung ano-
ano ang mga salik na makapagpapaliwanag sa desisyon ng mga botante sa pagpili ng partido na
kanilang susuportahan na may pagsasaalang-alang sa nakikita (visibility) at tono ng pag-uulat ng
news media at canvassing ng partido. Ang kanilang pagsusuri ay nakasasalat sa integratibong
datos na dulog (integrative data approach) na nag-uugnay sa datos mula sa integratibong datos na
dulog (integrative data approach) na nag-uugnay sa datos mula sa media content analysis tungo sa
datos ng mga opinion ng publiko. Lumalabas sa pag-aaral na ang pangangampanya ay mahalaga:
ang interpersonal na pangangampanya ay nakatutulong sa pagpapataas ng desisyon ng isang tao
ng kaniyang preperensya sa pagboto, samantalang ang epekto ng media ay limitado sa kalidad ng
media outlets at nakadepende ito sa kalituhan (ambivalence) ng bawat isang botante.
MGA BAYOLENTENG PALABAS SA
MEDIA
• Sa diskurso na ginawa ni Sparks (2010) sa kaniyang aklat, kaniyang
sinabi na maraming pag-aaral ang nagsasabing ang antas ng
paniniwala na ang panunuod ng mga bayolenteng palabas ay
nakapagpapataas ng antas ng agresibong pag-uugali, bagamat, sa
punto ng estadistika, ang epekto nito ay hindi gaanong malaki.
Maraming mga salik na dapat isa-alang-alang sa pagiging agresibo ng
tao, at ang panonood ng bayolenteng palabas ay isa lamang sa mga
ito.
ILANG SA MGA TEORYA NA MAY
KAUGNAYAN SA MEDIA
• Maraming teorya na maaaring iugnay sa pag-aaral ng media at
komunikasyon subalit ang may-akda ng aklat na ito ay nagpasya na
magfocus na lamang sa dalawang mahahalagang teorya, at ang mga
ito ay ang mga sumusunod:
1. Normative Media
2. Media Effects
NORMATIVE MEDIA
• Ang teorya sa media (media theory) ay tumutukoy sa isang komplikadong
sosyo-political-pilosopikal na mga prinsipyo na kung saan ay isinasaalang-
alang ang ideya hinggil sa ugnayan ng media at lipunan.
• Bunga marahil ng pagbabagong bihis ng media at pagsulpot ng iba’t ibang
nitong anyo, ang normative theory ng press ay hindi na sigurado bagamat
mayroon pa rin tayong mga matutukoy sa malawak na tradisyon ng pag-iisip
hinggil sa Karapatan at tungkulin ng media sa lipunan at ang antas na kung
saan ang lipunan ay maaaring kumilos upang mapangalagaan o
maproteksyunan ang publiko.
Narito ang ilan sa mga pangunahin nitong
anyo:
• Teoryang Authoritarian
• Free Press
• Social Responsibility
• Development Media
• Alternative Media
1. Teoryang Authoritarian
• Pinaniniwalaan ng teoryang authoritarian na ang lahat ng media at
komunikasyong pampubliko ay kailangang sumailalim sa
superbisyon ng kinauukulan kung saan ang mga pahayag o opinion
na bumabangga sa matatag na lipunan at politika ay kailangang
ipagbawal. Ang ganitong uri ng paniniwala o prinsipyo ay ginagamit
sa mga pambihirang pagkakataon bagamat ito ay sumasalungat sa
karapatan ng tao na magpahayag.
2. Free Press
• Sa isang lipunang matatag na katulad ng Pilipinas, ang free press ay
laging isinasaalang-alang na kung saan ang ganap na Kalayaan ng
tao na magpahayag at ang operasyong pang-ekonomiya ng media ay
hindi kailangang panghimasukan ng media sa kahit anong aspeto.
Ang isang maayos na market ay kailangang solusyunan ang lahat ng
usapin ng obligasyon ng media at pangangailangan ng lipunan.
3. Social Responsibility
• Modipikadong mukha ng teoryang free press ang teoryang social
responsibility na kung saan ay binibigyan ng mabigat na tungkulin
ang media (lalong higit sa larangan ng broadcasting) sa lipunan.
Sinasabi sa teoryang ito na ang media ay malaya subalit kaakibat ng
Kalayaang ito ay ang tungkulin nito sa kapakanan ng higit na
nakararami.
• Maisasagawa ang pagtupad sa tungkuling ito sa pamamagitan ng
propesyunal na pansariling regulasyon, interbensyon ng publiko, o
pareho. Ang ganitong paniniwala ay madalas na makita sa Europa at
mga bansang sumasailalim sa impluwensya nito.
4. Developmental Media
• Ang teoryang developmental media na karaniwang ginagamit sa
mga bansang may mababang antas ng ekonomikong pag-unlad at
may limitadong mga pinanggalingan ay kinakikitaan ng ganitong
anyo ng teorya na nagmumungkahi ng kalayaan sa media, bagamat
kailangan ay sumailalim sa kahingian ng ekonomiko, panglipunan
at pampulitikang pag-unlad.
5. Alternative Media
• Ang teoryang alternative media mula sa kritikal na panlipunang
perspektiba ay nagsasabing ang dominanteng media ng matatag na
lipunan ay maaaring hindi sapat batay sa kahulugan nito sa
maraming pangkat ng lipunan o maaari namang labis-labis sa ilalim
ng control ng estado at ibang awtoridad o mayayaman. Pumapabor
ang ganitong uri ng teorya sa media na malapit sa gross-roots ng
lipunan, small-scale, participative, aktibo, at hindi komersyal. Ang
kanilang tungkulin ay magpahayag para sa lipunan at para
manatiling buhay ang kanilang radikal na kritisismo.
Epekto ng Media
• Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga teorya na maiuugnay
sa epekto ng media:

1. Direct Effects Model


2. Agenda-Setting Theory
3. Teorya ng Uses at Gratifications
4. Symbolic Interactionism
5. Teoryang Spiral Silence
6. Media Logic
7. Cultivation Analysis
1. Direct Effects Model
• Ang modelo o teoryang ito ay nag-ugat sa malawakang pangamba
na ang mensahe na dulot ng mass media ay makaimpluwensya sa
kultura ng tao higit sa impluwensyang maaaring magbuhat sa
pamilya at komunidad. Pinaniniwalaan ng modelong ito na
posibong (passive) tinatanggap ng manonood (audience) ang
mensaheng dinadala ng media na kung saan ay magpapakita sila ng
inaasahang tugon sa naturang mensahe.

Hal. Ang balitang pagkaubos ng pagkain sa pamilihan ay maaaring


magbunga ng panick buying sa mga consumer o sa mga mamimili.
2. Agenda – Setting Theory
• Ang paniniwala ng teoryang ito ay siyang ganap na kabaliktaran ng direct
effects model ay ang mass media ang siyang tumutukoy sa mga usapin na may
pagpapahalaga sa publiko higit sa pagpapahalaga sa pananaw ng publiko. Sa
ilalim ng paniniwalang ito, ang usapin na higit na binibigyan ng atensyon ng
media ay ang siyang nagiging usapin sa publiko, siyang pinagtatalunan, at
hinihingian ng agarang aksyon.
• Sa madaling salita ito ay nangangahulugan na ang media ang siyang
tumutukoy sa mga usapin at istorya na pinag-uusapan ng publiko.
• Maaaring gamitin ang teoryang ito sa pagpanig ng media sa isang usapin na
nais nitong pag-usapan dahil sa sarili nito agenda.

Halimbawa: Ang mga usaping biglang nagsusulputan hinggil sa mga artista na


may nakatakdang palabas o pelikula na nangangailangan ng promosyon.
3. Teorya ng Uses at Gratifications
• Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang mga consumer ay
gumagamit ng media upang mapagbigyan ang kanilang mga
pangangailangan. Ang ugnayan ng media at karanasan ay ang
malinaw na larawan na mapaggagamitan ng teoryang ito.
4. Symbolic Interactionism
• Ito ay isa pang karaniwang teorya na ginagamit sa pananaliksik sa media
na kung saan ay pinangingibabaw na ang sarili ay kinuha o nabuo sa
pamamagitan ng interaksyon sa ibang tao. Nangangahulugan ito na ang
pakikitungo ng tao sa iba ay nakabatay sa pagpapakahulugan na
ibinibigay mo sa tao at sa bagay. Upang magkaroon ng epektibong
pakikipagtalastasan o komunikasyon ang isang tao sa iba ay gumagamit
sila ng mga simbolo na alam nilang pareho ang kultural nitong
kahulugan.
• Ang teoryang ito ay nakatutulong sa mga mananaliksik ng media upang
kanilang maunawaan ang kanilang larangan dahil sa pagbuo at
pagpapaunlad ng shared symbols.
Halimbawa:
1. Ang pagsusuot ng La Coste at pagdadala ng mamahaling bag na
katulad ng Louis Vuitton, Hermes ay nag-iiwan ng marka sa taong
nagmamay-ari nito, sa paningin ng tao at ng lipunan.
2. Ang pagdadrive ng mga mamahaling sasakyan (luxury car) na
katulad ng Mustang, Ferrari ay status symbol sa lipunan na ating
ginagalawan.
5. Teoryang Spiral Silence
• Sinasabi sa teoryang ito na ang mga mangilan-ngilan na magkatulad
ng pananaw (minority opinion) ay nagpapasya na manahimik na
lamang upang maiwasan ang pagsasa-isang tabi sa kanila ng
lipunan (social isolation), at ipinaliliwanag ang papel na
ginagampanan ng media sa pagbuo at pagpapanatili ng mga
dominanteng pananaw.
• May mangilan-ngilang sangay ng media ang nagpapasya sa huwag
panghimasukan ang isang usaping panlipunan o pamahalaan kahit
na ito ay nararapat na ilantad bunga marahil ng pangamba na ito ay
magkakaroon ng epekto sa kanila sa hinaharap.
6. Media Logic

• Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang karaniwang format at istilo


na media ay maituturing na pamamaraan sa pagbibigay ng pananaw
sa mundo.
7. Cultivation Analysis
• Ang teoryang ito ay naniniwala na ang sobrang paggamit ng media
ay maaaring magbigay sa tao ng isang ilusyong pananaw ng
katotohanan batay sa pinakamataas ulitin at mga konsistent na
mensahe sa partikular na midyum.
• Sinasabi sa teoryang ito na ang isang tao na madalas manood o
gumamit ng media ay maaaring makabuo ng isang larawan ng
katotohanan na hindi naman umiiral sa katotohanan ng buhay.
GAWAIN 1 (FINALS)
Panuto: Bumuo ng talatanungan para sa sumusunod na pag-aaral:
Pamagat: Paggamit ng Social Media Bilang Kasangkapan ng Patalastas para sa Isang
Pangyayari o Event.
Paglalahad ng mga suliranin:
 Nais ng mga mananaliksik na malaman ang sagot sa mga sumusunod na katanungan hinggil
sa paggamit ng social media bilang kasangkapan ng patalastas (advertising tools) para sa isang
pangyayari o event na kanilang binuo. Ang mga sumusunod na tiyak na katanungan ay nais
sagutin ng pag-aaral na ito:
1. Ano ang propayl ng mga respondente ng pag-aaral batay sa mga sumusunod na baryabol:
1.1 edad
1.2 kasarian
1.3 sosyo-ekonomikong kalagayan
2. Gaano kaepektibo para sa mga respondente ng pag-aaral ang paggamit ng mga
sumusunod na social media bilang kasangkapan ng patalastas para sa inorganisang
pangyayari o event:
2.1 facebook
2.2 Instagram
2.3 Twitter
3. Anu-ano ang mga kalakasan at kahinaan ng social media bilang kasangkapan ng
patalastas para sa pangyayari o event.
4. Batay sa resulta ng pangyayari, anong mungkahing plano ang maibibigay?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____________________________________________________________
LARANGAN NG POLITIKA
• Mga Pilosopiyang Pampulitika
Kilala din ito sa tawag na teoryang political (political theory) na
kung saan ay pinag-aaralan nito ang mga paksang may kaugnayan sa
politika, kalayaan, katarungan, pagmamay-ari, karapatan, batas, at ang
pagpapatupad sa batas ng mga kinauukulan.
MGA MAIMPLUWENSYANG
PILOSOPO NG POLITIKA
• Ilan sa mga maimpluwensyang pilosopo sa larangan ng politika ay ang mga
sumusunod:
1. Thomas Aquinas – Binigyan niya ng sintesis o pag-uugnay ang mga turo
ng kristiyano at mga turo ng peripatetic (Aristotelian) sa kaniyang treatise
on law na kung saan ay kaniyang binigyang diin ang biyaya ng May kapal
na higit na mataas na pag-iisip (higher reason)-na makikita sa batas ng tao
sa pamamagitan ng banal na kabutihan (divine virtues) – binibigyang
daan ang asambleya ng makatwirang pamamahala (righteous government).
2. Aristotle – Siya ay kilala sa kaniyang teorya na ang tao ay mga
hayop sa lipunan (social animals), at ang polis (sinaunang syudad
Estado ng Greyego) ay umiiral upang magdala ng kabutihan sa
buhay na angkop ang mga hayop. Ang kaniyang teoryang
pampulitika ay nakabatay sa etika ng perpektionism (Marx’s).
3. Jeremy Bentham – Siya ang unang nag-isip na suriin ang
hustisyang panlipunan (social justice) sa larangan ng pag-maximize
sa pinagsama-sama o pangkalahatang benipisyo ng mamamayan.
4. Confucius – Siya ang unang nag-isip na iugnay ang etika sa larangan
ng kaayusang pampulitika.
5. John Dewey – Kasama siya sa mga nagtatag ng pragmatism at nagsuri
sa mahalagang papel na ginagampanan ng edukasyon sa larangan ng
demokratikong pamahalaan.
6. Friedrich Hayek – Kaniyang naging argumento na ang sentral na
pagpaplano ay hindi sapat (inefficient) sa kadahilanang ang mga kasapi
ng sentral na pamahalaan ay hindi kayang tumbasan ang kagustuhan o
preferences ng mga kumukonsumo o manggagawa sa kasalukuyang
kondisyon.
7. Thomas Hobbes – Siya ang itinuturing na unang nagbigay ng
artikulasyon kung paanong ang konsepto ng kasunduan sa lipunan
(social contract) ay binigyan ng paliwanag o justification ang kilos
ng mga namumuno o rulers ay maiuugnay sa pagsilang ng
soberenya (sovereignty).
8. Immanuel Kant – Naging argumento ni Kant na ang partisipasyon
ng lipunan ng sibilyan (civil society) ay isinagawa hindi para sa
sariling kapakanan, kundi isang moral na tungkulin.
9. John Locke – Inilarawan ni Locke katulad ni Hobbes ang teorya ng
kasunduan sa lipunan (social contract Theory) batay sa pundamental na
karapatan ng mga mamamayan sa estado ng kalikasan.
10. James Madison – Siya ay isang Amerikanong politiko na sumunod sa
yapak ni Jefferson, ang “Ama ng Saligang Batas” at “Ama ng Bill of
Rights” ng Estados Unidos.
11. Karl Marx – Iniambag niya ang dimension ng kasaysayan upang
maunawaan ang lipunan, ang kultura, at ekonomiya. Siya ang bumuo ng
konsepto ng ideolohiya sa kahalagahan ng paniniwala na siyang
humulma at kumontrol sa aksyon ng lipunan.
12. Plato – Isinulat ni Plato ang the Republic na kung saan ay
kaniyang inilahad ang kaniyang pilosopiya ng politika.
13. Adam Smith – Karaniwan na siya ang itinuturo nagtatag ng
makabagong ekonomiya; ipinaliwanag ang pagkakaaroon ng
benepisyong pang-ekonomiya mula sa sariling interes na gawi
(self-interested behavior) ng mga manggagawa at mangangalakal.
14. Thomas Jefferson – Isang politiko at theorist noong American
Enlightment. Pinalawig niya ang pilosopo ni Thomas Plane sa
pamamagitan ng Republicanism sa United States.
15. Dr. Jose Rizal – Si Rizal ay isang ilustrado na may pananaw na ang
sinakop na bansa katulad ng Pilipinas ay hindi dapat na pagsamantalahan,
sa halip ay nararapat itong paunlarin, gawing sibilisado, turuan, at sanayin
sa siyensya ng sariling pamamahala. Ang ilan sa mga basikong reporma na
kaniyang ipinaglaban ay ang mga sumusunod: a) Ang pagkakaroon ng
kinatawan ng Pilipinas sa Spanish Cortes at ang Kalayaan sa
pamamahayag (freedom of the press); b) reorganisasyon ng makinarya ng
administrasyon; c) pagkakaroon ng komprehensibong pag-aaral at
publikasyon ng resulta at pagpapahintulot sa mga Pilipino na magkaroon
ng pantay na karapatan sa mga Espanyol na mamahala sa gobyerno; d) ang
hustisya ang pundasyon ng lipunan at pamahalaan.
LARANGAN NG TEKNOLOHIYA
 Teknolohiya – Ito ay tumutukoy sa paggamit ng siyentipikong
kaalaman upang makalikha ng kapaki-pakinabang na mga kagamitan.

- Information Technology
- networks
- internet of things
KABUTIHAN AT KASAMAANG
DULOT NG TEKNOLOHIYA
• Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kabutihan at kasamaang maaaring maidulot ng
teknolohiya.
 Kabutihang dulot ng teknolohiya sa larangan ng kalakalan:
 Makapagliligtas ng oras, lakas, at salapi.
 Pagtaas ng antas ng produksyon.
 Pagpapabuti ng palitan ng impormasyon.
 Makabuo ng mas magandang bentahe sa larangan ng kalakalan.
 Negatibong dulot ng teknolohiya sa larangan ng kalakalan:
 Ang pagbili ng mga kagamitang pangteknolohiya ay may kamahalan.
 Mabilis maluma.
 Hindi nakasisigurado sa pakikipagkalakalan.
 Ang labis na paggamit ng teknolohiya ang pumapatay sa napakahalagang pundasyon ng isang
kompanya.
Kabutihang dulot ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon:
Nakatutulong sa indibidwal sa proseso ng pagkatuto sa bawat mag-aaral.
Ginagamit na rin ito sa interaksyon ng mga mag-aaral at dalubguro sa
loob ng klase.
Malaki na rin ang nagagawa ng teknolohiya sa kakayahan ng mga mag-
aaral na magsulat at magbaybay.
Malaki na rin ang ginagampanan ng teknolohiya para sa mga pangkatang
gawain at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Inihahanda ang teknolohiya sa klase ng mga mag-aaral sa totoong mundo
ng trabaho na kailangan nilang harapin sa hinaharap.
Ginagawang simple ng teknolohiya ang trabaho ng isang dalubguro.
Negatibong dulot ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon:
Hindi lahat ng akademikong institusyon ay may kakayahang gumamit
ng teknolohiya dahil na rin sa halaga ng kailangang gugulin upang
magkaroon nito para sa bawat mag-aaral.
Maaaring itong makasagabal sa mga gawaing pagkatuto dahil sa mga
applications na taglay nito katulad ng facebook, youtube, twitter, at
marami pang iba.
Ang paggamit ng teknolohiya ay nangangailangan ng ibayong
pagsasanay o kasanayan ng parehong dalubguro at mga mag-aaral.
PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA
UPANG SAGUTIN ANG ISANG USAPIN
• Ang mga sumusunod ay ang proseso na dapat isaalang-alang upang
solusyunan ang isang suliranin gamit ang teknolohiya:
1. Pagtukoy at pag-unawa sa suliranin sa pamamagitan ng obserbasyon.
2. Pagbuo ng plano kung paano dapat na bigyan ng solusyon ang
suliranin;
3. Pagpapatupad o implementasyon ng plano;
4. Pagsusuri o ebalwasyon sa isinagawang implementasyon ng plano.
MGA TEORYA NA MAY KAUGNAYAN
SA TEKNOLOHIYA
• Ang pag-aaral ng teknolohiya ay maaaring ikategorya sa
1. Deskriptibong Teorya – Isang pagtatangka na sagutin o tukuyin ang
kahulugan ng teknolohiya, pamamaraan kung paano ito nakilala o
lumitaw, nagkaroon ng pagbabago o development, at ang ugnayan
nito sa tao at lipunan.
2. Kritikal na Teorya – Kadalasang ginagamit ang teoryang deskriptibo
bilang batayan ng artikulasyon ng kanilang mga usapin, pagsusuri
kung anong pamamaraan ng ugnayan ang maaari pang baguhin.
MGA DULOG DESKRITIBO
(DESCRITIVE APPROACHES)
1. Panlipunang Pagbuo ng Teknolohiya (Social Construction of
Technology – SCOT).
a) Interpretive Flexibility
b) Relevant social group
c) Closure and stabilization
d) Wider context
2. Actor-network Theory (ANT)
3. Structuration Theory
4. System Theory
5. Activity Theory
DULOG KRITIKAL

• Higit sa deskriptibong dulog ang pagtingin ng teoryang kritikal kung


paano umiinog ang mga bagay, at pag-aaral kung bakit naging ganito
ang pag-inog, at kung paano ito hindi dapat na umiinog sa ganitong
paraan.
IBA PANG TEORYA NA MAY
KAUGNAYAN SA TEKNOLOHIYA
1. Techno-optimism
2. Techno-scepticism
3. Technological determinism
owsky Institute for Archaeology

The Bicycle as an Artifact of Social


Construction

According to primary theories of Science and Technology Studies (STS),


“one should never take the meaning of technological artifact of technological
system as residing in technology itself” (Bijker 1995). Rather, it is necessary to
consider the societal influence and impact on social groups when analyzing the
evolution of an object.
The evolution of the design of the bicycle, as seen in 
History of the Bicycle: A Timeline, takes a winding path of progress. This non-
linear progression towards the most efficient and practical bicycle we have today
questions the necessity of each intermediate stage. But then we must consider the
social impact that each invention had and that the bicycle would not be what it is
today without each of those stages along the way due to their influence on
shaping society.
Wiebe Bijker breaks down this deconstruction of the bicycle based on how
it seen by non-users and users of different kinds. He goes about analyzing these
differences by asking each group their perception of the bicycle. Non-users
describe the machine as being dangerous. Similarly, users observe the risky
element of the bicycle, however find this aspect of adventure appealing and is
what draws them towards their use of the bicycle. The bicycle is unique in the
sense of its versatility and large usage by a range of social groups where each
group uses and views the bicycle differently.
The theory of social construction of technology (SCOT), also known as technological determinism,
applies to how we are able to interpret the bicycle from both a historical and modern standpoint. The
“interpretative flexibility” inherent within this theory stands for a group-dependent lens of analysis. Bijker
touches specifically on the example of the air tire and how the advancement of this element was viewed by
various users—the racers were concerned about speed, others appreciated its convenience and stability while
producers were focused on economic outcomes. “Relevant social groups do not simply see different aspects of
one artifact. The meaning given by a relevant social group actually constitutes the artifact” (Bijker p 77).
Bruno Latour would look at the bicycle in a similar way through the lens of his Actor-Network Theory.
This systems based view interprets the existence of all technology contextually and according to the working of
both natural and non-natural causes of interaction. Because of the web that each actor is connected to, the
working of each individual or inanimate actor influences the central object as well as other actors in the web.
Through these theorists we see the difficulty in establishing a singular definition or use of the bicycle. In order
to truly convey a holistic view of this machine, one needs to look at all of the users, angles, and applications.
Riding a bicycle is often one of the epitomized examples of tacit knowledge-- defined as knowledge of a
skill or concept that is difficult to explain but must be experienced first hand in order to be mastered. It is
impossible to teach someone to ride a bicycle by explaining the process or even demonstrating the action.
Rather, it is a task that can be learnt simply by trial and error. One usually possesses all of the necessary skills
which are components of the task itself-- balance, strength, and perception-- but it is their synthesis and
application which requires practice. Through this explanation, we see how riding a bike is about personal
experience. Similarly, the social groups created through the use of the bicycle are a component of each
individual's personal connection and application of the machine.

You might also like