Konseptong Papel

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

GE 110- FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

ARALIN III: Konseptong


Papel
PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL
 
Pagkatapos mapili at malimitahan ang paksa, makatutulong nang
malaki kung lilinawing mabuti sa sarili ang ano, bakit at paano ng napiling
paksa. Ang pagbuo ng konseptong papel ang makatutugon sa mga
katanungang binanggit at magsisilbi rin itong proposal para sa sulating
pananaliksik ang konseptong papel ay isang paglalagom ng kabuuang
ideya o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin, linawin o tukuyin.
 
Ang isang konseptong papel ay nagsisilbing proposal na kailangan ihanda
para mapagsimulan ang isang pananaliksik. Kadalasan ito ay ginagawa
bago talakayin ang isang akademikong sulatin.
MGA BAHAGI NG KONSEPTONG PAPEL
 
Ang konseptong papel ay may apat na bahagi:

1. Rasyunal
2. Layunin
3. Metodolohiya
4. Inaasahang awtput o resulta
Rasyunal
Inilalahad sa bahaging ito ang kaligiran
(background o pinagmulan ng ideya kung bakit
pinili ang isang partikular na paksa). Binabanggit
din dito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
Halimbawa:
Paksa: Ang Walang Habas na Pagtotroso: Salot sa Kabuhayan at sa Bansa
 
Rasyunal:
 
Marami ng trahedya at kalamidad sa ating bansa at sa daigdig bunga ng
pagguho ng mga lupa at biglaang pagbaha. Madalas mangyari ito sa ating bansa
dahil sa ilegal o walang kapahintulutang pagputol ng mga puno sa ating mga
kagubatan. Noong taong 2004 ay maraming binawian ng buhay dahil sa mga
pagbaha. Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)
na ang malawakang pagtotroso sa nasabing lugar ang dahilan. Mahalagang
masusing malaman ang lawak ng pinsalang dulot ng pagtotroso sa ating mga
kabundukan upang makapaghain ng mga solusyon upang maiwasan o mabawasan
ang mapaminsalang gawaing ito ng ilang mga tao.
Layunin
Isinasaad sa layunin ang dahilan ng pananaliksik o kung ano
ang gustong matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa
piniling paksa. Ang layunin ay maaaring panlahat o tiyak.
Panlahat ito kung ipinahahayag nito ang kabuuang layon, gustong
mangyari o matamo sa pananaliksik. Tiyak ito kung ipinahahayag
nito ang mga tiyak na pakay sa pananaliksik ng paksa.
Halimbawa:
Paksa: Ang Walang Habas na Pagtotroso: Salot sa Kabuhayan at Bansa Panlahat na
Layunin
 
Aalamin at susuriin ang mga kadahilanan ng malawakang pagkapanot ng ating mga
kabundukan. Tiyakin ang magagawang hakbang upang maiwaksi ang masamang
gawaing ito.
 
Mga Tiyak na Layunin
 
1. Alamin ang lawak ng pinsala ng mga ilegal na pagtotroso sa bansa.
2. Suriin ang maaaring pinsalang pisikal at materyal na magagawa ng ilegal na
pagtotroso
3. Tukuyin ang mga maaaring makahadlang sa masamang gawaing ito at makapaghain
ng pangmatagalang solusyon sa problema.
Metodolohiya
  Ito ay tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos
at pagsusuri sa piniling paksa. Ang pangangalap ng datos ay
maaaring isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbyu, paggamit
ng talatanungan, obserbasyon at iba pa. May iba't ibang paraan
naman ng pagsusuri ng datos gaya ng empirikal na pamaraan,
komparatib at iba pa. Inaasahang tatalakayin ng inyong guro ang
iba't ibang paraan ng pagsusuri ng datos.
 
Halimbawa: (Paksa: Ang Walang Habas na Pagtotroso: Salot sa Kabuhayan at sa Bansa)
 
Metodolohiya

Mangangalap ng datos tungkol sa ilegal na pagtotroso sa bansa mula sa mga artikulo sa dyaryo, magasin at
ilan pang dokumentong may nakasulat tungkol dito. Kukuha rin ng mga impormasyon sa tanggapan ng
DENR. Maaari ring sumangguni sa mga babasahing pang-internasyunal gaya ng TIME, NEWSWEEK, at
National Geo- graphic Maaari ring mag-interbyu ng ilang dalubguro sa UP Col- lege of Forestry sa Los Baños,
Laguna at sa mga ahensyang pampamahalaan, gaya ng Philippine National Red Cross (PNRC) at Department
of Social Welfare and Development (DSWD).
 
Mula sa mga datos na makakalap, susuriin ang lawak ng problema. Sisikaping makapagbigay ng mga
rekomendasyon ukol sa solusyong ilalahad ukol dito. Inaasahang Bunga o Resulta Inaasahang bunga o
resulta. Inilalahad sa bahaging ito ng konseptong papel ang inaasahang kalalabasan ng pananaliksik.

Binabanggit din dito ang bilang ng pahinang mabubuo ng pananaliksik. Halimbawa; (Paksa: Ang Walang
Habas na Pagtotroso: Salot sa Kabuhayan at sa Bansa) ang sulating pananaliksik (research paper) na
maaaring 10-15 pahina ang mabubuo mula sa pananaliksik, Magiging bahagi nito ang bibliograpi.
Inaasahang Awtput o Resulta
Dito inilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng
pananaliksik o pag aaral. Dahil patuloy parin ang pangangalap ng
impormasyon ay maaari paring mahkaroon ng pagbabago sa
inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng
pagkalap ng datos.
Mga Katanungan?
Kinakailangan Pag-usapan:

• Midterm Awtput
• Midterm Exam
• Finals
• Pinal na Awtput

You might also like