Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

RICHIE GIALOGO UMADHAY


BSED - FILIPINO
KATUTURAN:
• Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang anumang pagbabago sa karaniwang
anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Ang kaligiran ay
yaong katabing ponemang maaaring makaimpluwensya upang mabago ang anyo
ng morpema.

• Morpema – tumutukoy ito sa pinakamaliit na yunit ng isang salita.


ASIMILASYON
• Ito ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa impluwensiya ng mga
katabing tunog nito.

 Ang mga salitang nagsisimula sa /d, l, r, s, t, n/ ay inuunlapian ng (sin-) at (pan-).

Hal: sing- + talino = sin- + talino = sintalino

pang- + regalo = pan- + regalo = panregalo


ASIMILASYON
 Ang mga salitang nagsisimula sa patinig na /a, e, i, o, u/ at katinig /k, g, h, m, n, w,
at y/ ay inuunlapian ng (sing-) at (pang-). Dito ay walang pagbabagong nagaganap
sa mga salita.

Hal: sing- + ganda = singganda

pang- + ihaw = pang-ihaw


ASIMILASYON
 Ang mga salitang nagsisimula sa /b at p/ ay inuunlapian ng (sim-) at (pam-).

Hal: pang- + bansa = pam- + bansa = pambansa

pang- + paaralan = pam- + paaralan = pampaaralan

sing- + bait = sim- + bait = simbait

sing- + puti = sim- + puti = simputi


ASIMILASYONG DI-GANAP
• Ang pagbabagong nagaganap lamang dito ay nasa pinal na panlaping –ng.

Hal: sing- + tindi = sin- + tindi = sintindi

pang- + laban = pan- + laban = panlaban

pang- + pilosopiya = pam- + pilosopiya = pampilosopiya


ASIMILASYONG GANAP
• Nagaganap ang asimilasyong ito kapag matapos na maging /n/ at /m/ ng panlapi
dahil sa pakikibagay sa kasunod na tunog ay nawawala pa ang sumusunod na
unang titik ng salitang-ugat at nananatili na lamang ang tunog na /n/ o /m/.

Hal: pang- + baril = pam- + baril = pamaril

pang- + takot = pan- + takot = panakot


PAGPAPALIT
• Ito ay tumutukoy sa ponemang nagbabago o napapalitaan sa pagbuo ng mga
salita.

 /o/ at /u/. Sa ngayon, ayon sa Ortograpiyang Pambansa 2013, sa pag-uulit ng


salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na /o/ hindi ito napapalitan ng /u/. Sa halip ay
uulitin ang /o/ at gagamitan ng gitling (-) sa pagitan ng salitang ugat nito.

Hal: ano-ano

bato-bato
PAGPAPALIT
 /e/ at /i/. Ganoon din sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa /e/, hindi na ito
pinapalitan ng /i/ sa halip kakabitan na pang-ugnay o linker (ng-) at gagamitan ng
gitling sa pagitan ng salitang-ugat.

Hal: berdeng-berde

salbaheng-salbahe
PAGPAPALIT
 /d/ at /r/. Napapalitan ng /r/ ang /d/ kapag patinig ang tunog na sinusundan ng /d/.

Hal: dito = rito

ma- + dumi = marumi

ma- + dunong = marunong


PAGLILIPAT O METATESIS
• Kapag nagsisimula sa /l/ o /y/ ang salitang-ugat nito at nilagyan ng gitlaping (-in-),
nagkakapalit ng posisyon ang /i/ at /n/, at nagiging (ni-).

Hal: -in- + laro = nilaro

-in- + yaya = niyaya

-in- + layon = nilayon


PAGDARAGDAG
• Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng
salitang-ugat (hulapi) kahit mayroon nang dating hulapi ang salitang-ugat.

Hal: pa- + bula + -han = pabulahan = pabula(h)an + -an = pabulaanan

ka- + totoo + -han = katotoohan = katoto(o)han + -an = katotohanan


PAGKAKALTAS
• Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-
ugat ay nawawala dahil sa paghuhulapi nito.

Hal: takip + -an = takipan = takpan

sara + -han = sarahan = sarhan

dala + -hin = dalahin = dalhin

You might also like