Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

PAGSULAT SA LARANGAN NG

SIYENSYA AT TEKNOLOHIYA:
PAGBUO NG PANANALIKSIK O
KRITIKAL NA EDITORYAL
LIKAS NA SIYENSIYA,
TEKNOLOHIYA
vs.
SIYENSIYANG
PANLIPUNAN AT
SINING
Ang salitang siyensiya o science ay galing sa
salitang Latin na scientia, ibig sabihi’y
“karunungan”.
Ang siyensiya ay ang larangang nagtutuon
sa pag aaral ng mga penomen ang likas sa
mundo.
Ang siyensiyang panlipunan ay tumutuon
sa lipunan ng tao. Umiiral ang mga
penomenong panlipunan dulot o resulta ng
interbensiyon at interaksiyon ng tao sa lipunan.
Ang teknolohiya naman ay kaakibat ng
siyensiya. Ito ang praktikal na aplikasyon ng
mga imporamasyon at teoryang pasiyensiya.

Ang sining, sa kabilang dako ay walang


tiyak na layunin. Ang isang likhang sining
ang siya mismong obheto o layunin nito –
isang paglikha upang muling makabuo ng
isang ideya o interpretasyon mula sa babasa,
titingin o makikinig dito.
MGA DISIPLINA SA
LARANGAN NG
SIYENSIYA AT
TEKNOLOHIYA
Biyolohiya – nakatuon sa mga
bagay na buhay – ang
estruktura, ebolusyon, gamit,
distribusyon at paglawak ng
mga ito.
Kemistri – Nakatuon sa
komposisyon ng mga substance
properties at mga reaksiyon at
interaksiyon sa enerhiya.
Pisika – Nakatuon ito sa mga
property at interaksiyon ng
panahon, espasyo, enerhiya,
at matter. Mula ito sa Griyego
na “phusike” o kaalaman sa
kalikasan
Earth Science o Heolohiya –
sistemang planetang daigdig
sa kalawakan; klima,
karagatan, planeta, bato at iba
pang pisikal na elemento
kaugnay ng pagbuo, estruktura
at mga ponema nito.
Information Technology – Pag-aaral at
gamit ng teknolohiya kaugnay ng
pagbibigay at paglilipat ng
impormasyon, datos at
pagpoproseso. Ito rin ang pag-unawa,
pagpaplano, pagdidisenyo, pagbuo,
distribusyon, pagpopograma, suporta,
solusyon at operasyon ng mga
software at kompyuter.
Inhinyeriya – Nakatuon sa
aplikasyon ng mga prinsipiyong
siyentipiko at matematiko upang
bumuo ng disenyo, mapatakbo,
at mapagana ang mga
estruktura, makina, proseso at
sistema.
Arkitektura – itinuturing itong
kabilang sa teknolohiya dahil isa
itong proseso at produkto ng
pagpaplano, pagdidisenyo at
pagtatayo ng mga gusalit at iba
pang pisikal na estruktura. Ngunit
ibinibilang din ito sa larangan ng
sining dahil ang mga gusali at
kadalasang itinuturing na sining at
kultural na simbolo.
Matematika – Siyensiya ukol sa
sistematikong pag-aaral sa
lohika at ugnayan ng mga
numero, pigura, anyo, espasyo,
kantidad at estruktura na
ipinahahayag sa pamamagitan
ng simbolo.
Aeronautics – Teorya at praktis
ng pagdidisenyo, pagtatayo,
matematika, mekaniks ng
nabigasyon sa kalawakan.
Ang metodong siyentipiko ang
ginagamit na proseso sa pag-
aaral at pananaliksik sa
siyensiya
Sinasabing ang mabuti at magaling na
siyensiya ay may paunlad na hipotesis,
na isang pamamalagay, paliwanag,
interpretasyon, pahayag at prediksiyon
sa maaaring mangyari sa isinasagawang
pananaliksik
Isinasagawa ang pagsubok sa
hipotesis sa pamamagitan ng
eksperimentasyon o obserbasyon.
Susundan ito ng pagkolekta ng mga
datos at pagpoproseso ng mga ito
tungo sa resulta ng eksperimentasyon.
Mula rito ay gumagawa ng
balidong konklusyion batay sa
ginawang pananaliksik. Sa
konklusyon pinatutunayan o
pinabubulaanan ang hipotesis o
kaya’y bumuo ng teroya upang
ipaliwanang ang obserbasyon at
eksperimentasyon.
Narito ang halimbawang
graphic organizer na
maglalarawan sa
metodong siyentipiko.
Pagkolekta ng
Impormasyon Pahayag ng Problema

Pagsubok sa
Hipotesis
Pagbuo ng Hipotesis

Kongklusyon: Resulta
Kongklusyon: Resulta
Di-sumusuporta sa
sumusuporta sa Hipotesis
Hipotesis
Ang isang mabuti at magaling na pananaliksik
sa teknolohiya ay dumaraan naman sa sumusunod
na proseso:
a. Pag-iisip ng disenyo o solusyon sa problema
b. Susundan ito ng hipotesis o pagpapahayag ng
disenyo o solusyon bilang pinakamabuting gawin
c. Paglalahad ng mga ebidensya
d. Pagpapahayg ng argumento sa pamamagitang
ng halaga, sukat, gamit, teorya at obserbasyon.
e. Kongklusyon – pagpapahayag na isa itong
kontribusyon bago o makabago at ground
breaking na produkto, proseso, sulosyon.
Disenyo o
Mga
MgaTanong
Tanong
Solusyon sa
Ano?
Ano?Bakit?
Bakit?
Paano?
Paano?
Problema
Kailan?
Kailan?
Saan?
Saan?

Mga Argumento Mga Ebidensya


Metodong IMRaD sa Siyensiya at
Teknolohiya

Isa sa mga popular na metodo


sa pag-aaral at pananaliksik sa
siyensiya at teknolohiya ang
IMRaD. Binubuo ito ng mga
sumusunod na bahagi.
I – Introduksiyon - problema, motibo, layunin,
background at pangkalahatang pahayag
M – Metodo – mga modelo at panukat na gagamitin
(ano, kailan saan, paano, mga materyal na gagamitin,
sino-sino ang sangkot)
R – Resulta ng ginawa na empirikal na pag-aaral
a – Analisis ng isinasagawang pag-aaral batay sa
resulta
D – Diskusyon at konklusyon ito ng isinagawang pag-
aaral (Ano ang implikasyon ng resulta? Bakit? Ano ang
maitutulong nito sa lipunan sa hinaharap? May
paglabag ba ito sa etika? Makabuluhan ba ito?
Masasabi bang malaking kontribusyon ito sa
sangkatuhan
ILANG KUMBENSIYON AT PAGSULAT
1. Gumagamit ng atin, kami at tayo; ang
sulating siyentipiko at teknikal. Hindi
personal (halimbawa; ako, ikaw at iba
pa)
2. Hindi posibo kundi aktibo
3. Nasa pangkasalukuyan
4. Maraming drowing (hal. Kemistri)
ILANG HALIMBAWA NG SULATIN
Ilan sa mga sulating akademiko sa siyensiya at
teknolohiya ang mga sumusunod:
a. Teknikal na report
b. Artikulo ng pananaliksik
c. Instuksiyonal na polyeto o handout
d. Report Panlaboratoryo
e. Plano sa Pananaliksik
f. Katalogo
g. Teknikal na Talumpati o Papel na Babasahin
sa Komprensiya
h. Report ng Isinagawang Gawain

You might also like