Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ANG SAPATERO AT

ANG MGA DWENDE


May isang sapatero na ubod ng hirap at may
materyales lang para sa isang pares na
sapatos. Isang gabi ginupit na niya at inihanda
ang mga materyales para gawin sa umaga ang
sapatos.

Anong laking gulat niya nang magisnan niya


kinaumagahan na yari na ang mga sapatos at
kay husay pa ng pagkakagawa! Madaling
naipagbili niya ang sapatos at nakabili siya ng
materyales para sa dalawang pares.
Inihanda na uli ang mga gagamitin para sa
kinabukasan. Paggising niya sa umaga nakita
uli na yari na ang dalawang pares na sapatos.

Naipagbili niyang madali ang mga sapatos at


bumili naman siya uli ng mga gamit para sa
apat na pares. Inihanda niya uli ito sa mesa
para magawa sa umaga.
Ganoon na naman ang nangyari, na tila may
tumutulong sa kanya sa paggawa ng mga
sapatos.
Kinalaunan, sa tulong ng mahiwagang mga
sapaterong panggabi, gumaling ang buhay ng
sapatero.

“Sino kaya ang mabait na tumutulong sa akin,”


tanong niya sa asawa.

“Sino nga kaya? Gusto mo, huwag tayong


matulog mamaya at tingnan natin kung sino
nga siya?” alok ng babae.
Ganoon nga ang ginawa ng mag-asawa
kinagabihan. Nagkubli sila sa likod ng makapal
na kurtina para makita kung ano nga ang
nangyayari sa gabi. Nang tumugtog ang alas
dose, biglang pumasok sa bintana ang dalawang
kalbong duwende.

Tuloy-tuloy ito sa mesa at sinimulan agad ang


pagtatrabaho. Pakanta-kanta pa at pasayaw-
sayaw pa na parang tuwang-tuwa sila sa
paggawa. Madali nilang natapos ang mga
sapatos at mabilis din silang tumalon sa bintana.
“Mga duwende pala!” sabi ng babae. “Kay
babait nila, ano?”

“Oo nga. Paano kaya natin sila


pasasalamatan? Ayaw yata nilang magpakita
sa tao.”

“Hayaan mo. Itatahi ko sila ng mga pantalon


at baro at iiwan na lang natin sa mesa sa
gabi.”
Dalawang pares na maliliit na pantalon at
dalawang pang-itaas ang tinahi ng babae para
sa mga matutulunging duwende. Ipinatong
nila ito sa mesa kinagabihan at nangubli uli
sila sa likod ng kurtina.

Tuwang-tuwa ang maliliit na sapatero nang


makita ang mga damit dahil nahulaan nilang
para sa kanila iyon. Isinuot nila ang mga ito at
sumayaw-sayaw sa galak.
Pagkatapos nilang magawa ang mga sapatos
na handang gawin, mabilis silang tumalon sa
bintana na suot ang mga bagong damit.

Buhat noon hindi na bumalik ang dalawang


duwende ngunit nagpatuloy naman ang
swerte sa buhay ng mag-asawa na marunong
gumanti sa utang na loob.
Aral:
• Maging mabuti sa kahit na sino at
matutong tumanaw ng utang na loob.

You might also like