Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

SI JUAN ANG

PUMATAY NG
HIGANTE
Isang umaga, tinawag si Juan ng kanyang ina. “Anak,
dalhin mo kaya ang baka natin sa bayan at ipagbili
mo. Wala na tayong maibili ng ating mga kailangan.”

Madali namang sumunod sa ina ang bata. Malapit na


siya sa bayan, at hila-hila nga niya ang ipagbibiling
baka nang may nasalubong siyang matandang lalake.

Saan mo dadalhin ang baka?” tanong ng matanda.

“Sa bayan po, para ipagbili,” sagot ni Juan.


“Gusto mo, palitan ko na lang siya nitong
mahiwagang buto? Magic ito, makikita mo,” alok ng
matanda.

“Siyanga po? Mahiwaga?” Sapagkat bata, mahilig sa


magic talaga si Juan, at madali ring mapaniwala. “Sige
po, payag ako.”

Iniuwi niya ang isang dakot na buto ng halaman na


palit sa baka. “Nasaan ang perang pinagbilhan mo sa
baka?” tanong ng kanyang ina.
“Wala pong pera. Ipinagpalit ko po ang baka sa mga
butong ito. Mahiwaga raw po ito, sabi ng matanda.”

Sa galit ng ina sa anak dahil nagpaloko raw ito,


itinapon niya ang mga buto sa bintana. “Ikaw
talagang bata ka, hanggang ngayon ay madali ka pa
ring maniwala sa mga manloloko.”

Nang magising kinaumagahan si Juan, nagulat siya na


may punong mataba sa labas ng bintana niya.
Lumabas siya para masdan ang bigla na lamang na
lumitaw na puno at nakita niyang pagkataas-taas
nito. Hindi niya maabot ng tingin ang tuktok nito
dahil nasa mga alapaap na.

“Nanay, tingnan ninyo ang puno! Mahiwaga nga pala


ang mga buto! Aakyatin ko po.”

Inakyat nga niya ito at matagal bago siya nakarating


sa tuktok. Sa itaas, may nakita siyang malapalasyong
bahay at pumasok siya rito. May babaeng
sumalubong sa kanya. “Naku!
Bakit ka pumarito? Hindi mo ba alam na bahay ito ng
higante? Naku, ayan na siya, dumarating! Tago ka
diyan sa ilalim ng mesa at baka ka makita.”

“Ho-ho! Ano ba iyong naamoy ko?” Malakas ang tinig


ng higante. “May ibang tao ba rito?”

“Wala po,” sagot ng babae. “Naaamoy lang po ninyo


ang masarap na pagkaing luto ko. Sige po, kumain na
kayo.”
Umupo ang higante at kinain ang isang palangganang
pagkain na inihain sa kanya. Nagpahid ng bibig at
tumawag sa babae, “Dalhin mo rito ang manok ko.”

Sa pagkukubli ni Juan sa ilalim ng mesa, nakita


niyang ibinigay ng babae ang isang makulay na
inahing manok sa higante. “Mangitlog ka, manok, at
pagkatapos ay umawit ka para ako makatulog,” utos
ng higante at inilagay sa mesa ang hinahaplos na
manok.
Kitang-kita ni Juan na lumabas sa manok ang isang
gintong itlog na tuwang-tuwang isinilid sa bulsa ng
higante. “Ngayon, patulugin mo ako sa pag-awit mo.”

Pati ang tinig ng manok ay tila ginintuan din dahil


madaling nahimbing ang higante. Dagling lumabas sa
pinagtataguan si Juan, sinunggaban ang manok sa
mesa, at nagtatakbo sa punong inakyatan niya.

Nang bababa na siya sa puno, biglang tumilaok ang


inahin, “Tak-ta-la-ok!” Malakas at hindi na ginintuan
ang boses nito, kaya nagising ang higante.
“Huy! Anong nangyari? Nasaan ang manok ko?”
Nakita niyang halos nasa kalagitnaan na ng puno si
Juan at ito’y hinabol niya.

“Inay, dali!” tawag ni Juan sa ina.

“Akina ang palakol. Hinahabol ako ng higante.”

Pagkaabot sa kanya ng ina ng palakol, inihataw niya


itong dali-dali sa puno. Halos nasa ibaba na ang
higante nang maputol niya ang puno. Patay ang
higante nang bumagsak ito sa lupa.
Naging mariwasa ang buhay ni Juan at ng kanyang ina
dahil sa manok nilang umiitlog ng ginto. Hindi naman
nila ipinagmaramot ang mga biyaya nila sapagkat
tumulong sila sa maraming salat sa buhay.
Aral:
• Huwag magnakaw o kumuha ng
hindi sa iyo. Ang hindi mo pag-
aari ay agad na isauli sapagkat
kung minsan, ikaw ang
sumasalamin sa kung anong klase
ng pamilya mayroon kayo.

You might also like