Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

ANG BUHAY

NGA NAMAN
Punumpuno ng ligaya ang dibdib ni
Aling Juling sa mga papuri at paghanga
ng mga kaibigan at kakilala. Ilang beses
siyang umakyat-manaog sa entablado
upang samahan ang anak sa pagtanggap
ng iba’t ibang karangalan – Valedictorian,
Best Declaimer, Best Orator, Leadership
Award, Achievement Award, Girl Scout
Award, Model Pupil Award, Bb.
Karunungan Award, at kung anu-ano pa.
Ang anak ni Aling Juling na si Maricris ay
laging nasa TOP 3 sa klase. Sa elementary,
high school at college ay maraming awards
and honors ang natanggap nito sa larangan
ng academic competition o extra-curricular
activities. Dahil dito, lumaki si Maricris na
laging may mga taong humahanga,
pumupuri at pumapalakpak sa lahat ng
paaralang kanyang pinasukan. Sa Luzon,
Visayas at Mindanao, laging bukam-bibig
ang kanyang pangalan.
MARICRIS del MAR, mga guro’t kaklase
niya ay hindi nauubusan ng papuri. Sa
kabila ng lahat, si Maricris ay nanatiling
mapagkumbaba.

Halos dalawampung taon na namayagpag


sa iba’t ibang paaralan sa buong Pilipinas
ang pangalan ni Maricris.
Nang mag-asawa si Maricris at magkaroon
ng dalawang anak na lalaki, akala niya ay
mararanasan niya ang ligayang naibigay
niya sa kanyang ina noong siya ay
estudyante pa lamang. Akala niya muli
siyang makatutungtong sa entablado
upang tumanggap ng karangalan mula sa
mga anak na nag-aaral.
Subalit, taliwas sa inaasahan, tuwing
magtatapos ang taon si Maricris ay laging
nasa upuan lamang.
Nanonood sa ibang mga magulang na nasa
entablado kasama ang mga anak na
tumatanggap ng karangalan. Ngayon lang
naranasan ni Maricris na laging nasa
upuan lamang. Laging nasa isang tabi
tuwing may idaraos na paghahandog ng
karangalan ang paaralang pinapasukan ng
dalawang anak.
Napangiti na lamang siya, napabuntung-
hininga tuwing naaalala ang maliligayang
araw niya noong kanyang kabataan
nakasama ang ina sa pagtanggap ng iba’t
ibang karangalan.

Sa kabila ng lahat, nagpapasalamat pa rin


siya sa Poong Maykapal na bagama’t hindi
naging matalino ang dalawang anak ay
mababait at magagalang naman ang mga
ito.
Ang panganay na labing-anim na taong
gulang na ngayon ay mapagmahal at
masunurin. Lagi pa nitong sinasabi.

“Mommy, hindi man ako honor sa klase,


sisikapin ko pong makatapos ng pag-aaral
upang maipagmalaki ninyo ako pagdating
ng araw.”

Ang bunso naman na labinlimang taon na


ay bibo, alisto at malambing.
“Mommy, pag college ko, kukuha ako ng
Fine Arts. Pagkatapos, kukuha rin ako ng
Business Administration. Magiging
katulong mo ako Mommy, sa pagpapalago
sa business natin.”

Sa piling ng dalawang anak at


mapagmahal na mister, si Maricris ay
maligaya na rin. Datapwa’t hindi niya
mararanasan pang muli ang mga paghanga
at palakpak na naranasan ng kanyang ina.
Aral:
• Ang bawat tao ay may kanya-kanyang
katangian. Huwag hanapin sa iyong mga
anak ang katangiang wala sa kanila.

• Kung hindi man naging husay ni


Maricris ang kanyang mga anak, kahit
papaano ay maipagmamalaki pa rin
naman nya ito dahil hindi sila naging
sakit sa ulo ng kanilang mga magulang.

You might also like