Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PANAYAM SA ASPEKTONG

LINGGUWISTIKO AT KULTURAL
NG SARILING LUGAR
PANAPOS NA GAWAIN 11
Unang Markahan
GRASPS
• Goal – matalakay ang aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad
• Role - mga peryodista o manunulat sa pahayagan para sa mga mag-aaral sa Senior
High School
• Audience - mga mag-aaral, guro at opisyal ng paaralan na babasa sa pahayagan
• Situation - Bago makasulat ng artikulo sa pahayagan ng inyong paaralan, kailangan
nyo munang makipanayam sa ilang mga mamamayan sa isang partikular na lugar
tungkol sa kanilang aspektong pangwika at kultura. Layon nitong ipabatid sa kanila
na ang isang pamayanan ay may ginagamit na wika na naiiba sa isang pamayanan na
siyang simbolo ng kanilang pagkakakilanlan at tulay ng kanilang pagkakaunawaan
• Product – mga tanong at sagot sa panayam na tatalakay sa aspektong kultural o
lingguwistiko ng napiling komunidad
RUBRIK
Krayterya 4 3 2 1 Puntos

Nilalaman

Kaangkupan ng
mga Tanong
Pagkakalahad ng
mga Tanong
Organisasyon ng
mga Ideya
Istruktura at
Pagkakabuo ng
pangungusap at
Wastong Gamit ng
mga Salita

Wastong Gamit ng
Bantas
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAKIKIPANAYAM
• Makipagsundo sa taong kakapanayamin tungkol sa PETSA, ORAS, AT
LUGAR kung saan gaganapin ang panayam gayundin sa magiging
PAKSA ng panayam. Dumating sa tamang oras o mas maaga pa
• Magsuot ng TAMANG KASUOTAN at maging MAGALANG sa
pagtatanong
• Maghanda ng BALANGKAS ng itatanong
• ITALA sa pinakamabilis na paraan ang mga nakuhang impormasyon.
Kung gagamit ng video cam o cell phone ay IPAALAM ITO NANG MAS
MAAGA sa taong kapapanayamin
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAKIKIPANAYAM
• Gawing MAGAAN at KAWILI-WILI ang pakikipanayam
- Ipakilala ang sarili kung hindi pa kilala ng kapapanayamin
- Tumingin sa taong kausap. Ipakitang interesado sa mga sagot
- Gawing malinaw at tamang-tama ang lakas ng tinig
- Kung may hindi naitalang impormasyon, MAGALANG itong hilingin muli
- Bago magwakas, BASAHIN O LAGUMIN ang mga naitalang
impormasyon upang matiyak na wasto ang naisulat
- MAGPASALAMAT AT MAGPAALAM nang maayos pagkatapos ng
panayam
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAKIKIPANAYAM
• ISAAYOS ang nakuhang impormasyon
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAKIKIPANAYAM
• May mga pagkakataong kinakailangan ding magsagawa ng “ambush
interview”
• Sa pagsasagawa nito, mahalagang panatilihin ang pagiging magalang
• Kung hindi handang sumagot ang kapapanayamin, bigyan siya ng
kinakailangang espasyo at huwag ipilit ang pagtatanong
PANUTO
• Sa iyong panapos na Gawain (Performance Task) , ilalahad mo ang kultural at linggwistikong
aspeto ng isang partikular na lugar.
• Mailalahad mo ito sa pamamagitan ng pakikipanayam (interview) sa mga taong naninirahan
sa lugar na iyon.
• Makipanayam ng isang tao na sa tingin ninyo ay makakasagot sa inyong mga katanungan na
may kinalaman sa wika at kultura ng inyong lugar
• Dahil bawal lumabas, ang ibibigyang-pokus mo ay ang lugar na iyong kinabibilangan. Maaari
mong kapanayamin ang iyong mga magulang, lolo o lola na mas matagal na nanirahan sa
inyong lugar kaysa sa iyo o di kaya’y malapit na kapitbahay. Paalala na bawal lumayo at bawal
din ang masyadong pakikihalubilo sa mga tao. Kung kaya, mas mainam na ang kapanayamin
ay maLApit at malaPIT sa’yo.
• Para magawa ito, kailangan mo munang gumawa ng mga “tanong para sa panayam (interview
questions)” na ang hinihinging sagot ay ang umiiral na kultura at wika sa inyong lugar.
PANUTO
• UNANG PAPEL:
• Mga Tanong sa Panayam (Hindi bababa sa sampu (10) ang mga tanong)
• IKALAWANG PAPEL:
• Mga Sagot sa Panayam (Dapat maayos ang pagkakalahad)

*Dapat maayos ang pagkakalahad ng mga tanong at sagot sa panayam at malinaw ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito

ATTACHMENT:
DOCUMENTATION
PAPEL NA GINAMIT SA PAGAGATALA NG SAGOT SA PANAYAM SA MISMONG ARAW NG
PAKIKIPANAYAM (KALAKIP ANG LAGDA O “SIGNATURE” NG/NG MGA KINAPANAYAM)
PORMAT
• Font Style: Cambria
• Font Size: 12
• Spacing: 1
• Margins: 1
• Bondpaper: long
• Heading:
• 
• Pangalan: Taon at Seksyon:
• Markahan: Petsa:
• PANAPOS NA GAWAIN SA FILIPINO

You might also like