Nailalarawan Ang Tauhan at Tagpuan Sa Binasang Kuwento

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 76

Nailalarawan ang

tauhan at tagpuan
sa binasang
kuwento
F6RC-IIa-4
Balik-Aral
Balik aralin ang Pang-
uri. Ilarawan ang
pagdiriwang ng Pahiyas
sa Lucban, Quezon. Ano
ang masasabi ninyo sa
paraan ng kanilang
pagdiriwang?
Talasalitaan
PANUTO: Buuin ang
crossword puzzle na
makikita ninyo sa
kabilang slide.
Pababa:
1. nagagalit
2. galaw ng mga
dahon kung
hinihipan ng
malakas na
hangin.
Pahalang
1. kayabangan
2. pairap
Mga Sagot
Pababa:
1. nagpupuyos
2. pagaspas
Mga Sagot
Pahalang:
1. kahambugan
2. paismid
Pagganyak
Kanta.
Pangkatin ang klase sa
lima. Pangalanan ang
bawat pangkat ng ASO,
IBON, BABOY, PUSA,
PATO at KAMBING.
Kantahin sa tono ng
(“Mary had a little
lamb”)
Ang puno ay
mahalaga-mahalaga-
mahalaga
Ang puno ay mahalaga
sa kapaligiran.
(Kantahin muli ang
awit ayon sa tunog
ng hayop ng inyong
pangkat.)
Gawin itong round
song.
Pangganyak na
tanong
Paano natin
pinahahalagahan ang
mga bagay na nasa
ating paligid?
Paglalahad
PANUTO: Basahin nang
tahimik ang kuwentong
“Si Bunchukoy at si
Balete” at humanda sa
talakayan.
Si Bunchukoy at
si Balete
May buhay ang mga bagay sa
ating kapaligiran. Kabilang
dito ang mga punungkahoy
na nasa kagubatan. Alam mo
bang maging edad at
kasaysayan ng matatandang
punungkahoy ay nakikilala
sa kanilang mga katawan?
Alamin ang iba pang bagay
tungkol sa buhay ng
punungkahoy.
Noong unang panahon,
may isang punong balete
malapit sa isang sakahan.
Malaki at malabay ang
puno nito. Dahilan ito
upang maraming
magsasaka o pastol ng
mga hayop-bukid ang
payapang namamahinga
rito kapag kainitan ng
araw.
Isa si Bunchukoy sa
madalas mamahinga sa
lilim ng balete. Hindi
kaiba ang Sabadong iyon
sa dating ginagawa ni
Bunchukoy. Umupo siya
sa lilim ng puno at
nagpahinga. Malilim sa
paanan ng puno at
malamig ang simoy ng
hangin.
Namimigat na ang talukap
ng mga mata ni
Bunchukoy nang siya ay
mapatingala sa mga sanga.
Napagmasdan niya ang
maliliit na bunga ng
punong balete.
May kahambugan si
Bunchukoy. Madalas
niyang ipagyabang ang
kanyang talino at tikas ng
katawan. Nang pansinin
niya ang bunga ng
punungkahoy, paismid
niyang sinabi,
“Napakaliliit naman ng
mga bunga mo, Balete.
Kinatatakutan ka pa
naman ng lahat, e, ang
liit-liit naman ng mga
buto at bulaklak mo!”
Nagpatuloy si
Bunchukoy.
“Alam mo, maliit man
ako, higit akong
matalino. Balang-araw,
ang bunga ng talino ko
ay hindi mo na
mapapantayan! Marami
akong magagawa na di
mo kayang gawin.”
Malinaw na narinig ni Balete
ang sinabi ni Bunchukoy
ngunit pinili nito ang
manahimik nagpupuyos man
ang loob niya. Pinagalaw ni
Balete nang marahan ang
kanyang mga sanga. Sa simoy
ng hangin at sa saliw ng
pagaspas ng kanyang mga
dahon, nakatulog si
Bunchukoy.
“Tok!” Tumama sa
pagitan ng mata ni
Bunchukoy ang isang
maliit na bunga.
“Ano ba!” naiinis na
singhal niya kay Balete.
“Wala ka bang magawang
matino?” tanong ni
Bunchukoy.
“Binibigyan lang kita ng
aral. Pinagtatawanan mo
kasi ako,” wika ni Balete.
“Binibigyan lang kita ng
aral. Pinagtatawanan mo
kasi ako,” wika ni Belete.
“Talaga namang di ka
marunong! Di gawain ng
matino ang manakit at
manggising ng natutulog,”
wika ni Bunchukoy.
“Di naman gawain ng
matalino ang magyabang,”
wika ni Balete. “Huwag mong
hamakin ang aking
katangian pagkat lahat ng
bagay sa bawat isa sa atin ay
isinasaayos ng kalikasan.
Kung sinlaki ng buko ang
bunga ko, marahil ay
sumalangit nawa ang
kaluluwa mo ngayon,” wika
nito.
Natahimik si
Bunchukoy. Hindi
niya naisip agad iyon.
“Dapat ay matuto kang
makipag-kaibigan sa mga
bagay sa paligid mo.
Kailangan natin ang isa’t isa.
Tulad ko. Kaibigan ko ang
mga bubuyog pagkat
tinutulungan nila
akong maging bunga ang
aking mga bulaklak.
Namumugad ang mga ibon
sa aking mga sanga na
napagkukunan nila ng mga
higad na makakain.
Ibinibigay ko naman sa mga
higad ang dahon ko upang
sila ay may makain. Ang mga
ibong nakikinabang sa akin
ay pinakikinabangan mo rin.
Sila ang pumupuksa sa mga
peste ng inyong
pananim.”
“Oo nga, ano? Dapat
nga pala ay
magpasalamat ako sa
iyo, Ginoong Balete,”
magalang nang wika ni
Bunchukoy.
“Tingnan mo ang mga ugat
ko. Unan mo pa iyon kapag
mahihiga ka sa lilim ko.
Ang mga ugat kong iyon ang
sumisipsip ng tubig kapag
malakas ang buhos ng ulan.
Sa tulong ng aking ugat,
hindi sinasalanta ng baha
ang inyong sakahan,”
mahinahong paliwanag ni
Balete.
“Kapag binuksan mo ang
katawan ko, makikita mo
ang mga singsing na
palatandaan ng aking
edad. Matanda pa ako sa
lolo ng iyong tatay.
Nakilala ko silang lahat
ngunit wala sa kanila ang
hambog na tulad mo!”
patuloy ng puno.
“Ikinalulungkot kong
pinagtawanan kita.
Patawarin mo ako,
Ginoong Balete,”
nagsisising wika ni
Bunchukoy.
“Wala iyon. Humayo ka
at magbago ka ng ugali
mo,” utos ni Balete.
Magmula noon ay nawala
ang kahambugan ni
Bunchukoy. Naging
mahalagang leksyon sa
kanya ang sinabi ni Balete.
Nasa isipan niya lagi na
ang bawat bagay sa
kalikasan ay may sariling
kapakinabangan.
Tanong
1. Ano ang ugali ni
Bunchukoy?
2. Paano siya
napagbago ni Balete?
3. Paano
nakikipagkaibigan si
Balete sa ibang
bagay sa paligid?
4. Pagsagot sa tanong
pagganyak.
Paglalahat
Gumagamit ng mga
angkop na salitang
panlarawan upang
wastong mailarawan
ang mga tauhan at
tagpuan sa nabasang
kuwento.
Gawin Natin 1
Narito ang mga larawan
ng isang lalaking
matikas ang katawan at
isang puno ng Balete.
PANUTO: Ilarawan ang
mga katangian ng mga
tauhan sa loob ng kahon
kung sa lalaking matikas
ang katawan (A) at sa puno
ng balete (B)
A b
MALAKI MATALINO
MALILIIT MATIKAS ANG
ANG BUNGA KATAWAN

HAMBOG MALAGO
Gawin Natin 2
PANUTO: Mula sa
binasang kuwento,
magbigay ng mga
salitang maglalarawan
sa tagpuan ng kuwento
at gamitin sa
pangungusap.
Gawin Ninyo 1
PANUTO: Basahin ang
kuwento ng “Ang Leong
Maysakit”. Sagutin ang
word organizer sa
Slide 55-56.
Ang Leong Maysakit
Ang manakit ng kapwa
na sadyang walang
laban ay malaking
karuwagan.
Sa mga huling sandali ng
kanyang buhay, pinilit ng
leong makaipod sa may pinto
ng yungib na kanyang
kinaroroonan upang
masilayan kahit saglit ang
kagubatang kanyang
pinagharian sa loob ng
mahabang panahon.
Nanlalabo na ang kanyang
paningin.
Nasa gayon siyang
kalunus-lunos na anyo
nang siya’y lapitan ng
mga hayop na kanyang
kampon na sa mga
mukha’y nakalarawan
ang paghihiganti.
Pagdaka’y sinuwag siya ng
toro, sinugod ng mabagsik
na baboy-ramo at
pinagkakagat ng matatalas
na pangil nito. Ang lahat
ng hayop na naroroon ay
nagsasamantala sa
pagkakataong iyon.
Walang nagawa ang leong
dati’y sagisag ng
kapangyarihan. Nang
makita ng kabayong malapit
nang malagutan ng hininga
ang leon at sadyang walang
munti mang pinsalang
magagawa ang dating
panginoon, pinatamaan niya
ng lamakas na sikad ang
mukha nito.
Bago nalagutan ng
hininga ang kahabag-
habag na leon, naisumbat
din niya sa mga taksil ang
ganitong pasaring:
“Anong pait na
kamatayan! Mga duwag
lamang na katulad ninyo
ang naghihiganti sa
inyong dati’y itinuturing
na haring nasa bingit ng
kamatayan.”
Gawin NINYO 2
PANUTO: Basahin ang
maikling kuwento.
Ibigay ang detalyeng
hinihingi upang mabuo
ang larawan ng grapiko.
Isang tanghali, sa kainitan
ng araw ay may dumaang
kalesa sa harap ng aming
bahay. May inihagis ang
kutsero na isang maliit na
papel. Binuksan ko iyon at
binasa ang nakasulat dito.
Isa ko raw siyang dating
kaibigan.
Nagbabakasyon lamang
siya sa aming lugar at
naalala niya akong
kumustahin. Hinihiling
niyang magkita kami
bukas sa plasa sa
bayan sa bandang
hapon at lubog na ang
araw.
Paglalapat
PANUTO: Magbigay ng
mga salitang maaaring
maglarawan sa salita sa
loob ng kahon.
Pagtataya
PANUTO: Ilarawan ang
tauhan sa bawat
sitwasyong ibinigay.
Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Si Roy ay isang batang
palaboy. Palagi siyang
napagagalitan ng kanyang
ama dahil sa hindi
sumusunod at hindi
nakikinig sa bilin ng
magulang. Siya’y
nagbubulakbol sa pagaaral.
Madalas itong sumasama sa
mga barkadang naglalagi sa
daan sa lansangan. Si
Roy ay ________.
a. masunurin
b. sinungaling
c. masikap
d. matigas ang ulo
2. Maaga pa’y nasa tabing
simbahan na si Lina
upang magtinda ng
kandila at sampaguita.
Ibinibigay niya sa
kanyang ina ang
kanyang kinikita sa
araw-araw. Si Lina ay
________.
a. matulungin
b. masayahin
c. responsible
d. maagap
3. Si Karen ay bunso sa
limang magkakapatid.
Hindi siya nagpapabilli
ng bagong damit at
iba pang gamit dahil
para sa kanya sapat na
ang mga pinagliitan ng
kanyang mga kapatid.
Si Karen ay _______.
a. maunawain
b. maawain
c. matipid
d. masikap
4. Nalaman ni Lorie na
ampon lamang siya sa
pamilyang napamahal
na sa kanya. Labis
siyang nasaktan.
Bunga nito, nagsimula
siyang magrebelde at
magpabaya sa pag-
aaral. Si Lorie ay_____.
a. madamdamin
b. masasakitin
c. bukas ang isip
d. mapagmahal
5. Aktibo si Rene sa pagsali sa
mga programang
pangkabataan na may
adhikaing isulong
ang mga halimbawa ng
mga bayaning nagbuwis ng
buhay para sa bayan.
Buhay pa rin sa kaibuturan
ng kanyang puso na siya ay
kabilang sa pag-asa ng
Inang Bayan. Si Rene ay
_______.
a. aktibista
b. makabayan
c. palakaibigan
d. marunong
makisama
Takdang Aralin
PANUTO: Magbasa ng isang
uri ng parabula at ilarawan
ang katangian ng tauhan at
tagpuan ng binasang
kuwento. Buuin ito gamit ang
dayagram at makukulay na
papel.

You might also like